Chapter III

46 3 1
                                    

Sunod kong nilingon ang picture noong mag-high school na kami. Pero this time, may mga kasama na kami.  Nadagdagan ang circle of friends namin. Nagsisimula na ring subukan ang pagkakaibigan namin.

Dito na namin nakilala sina Pia, Ferlyn, Philip, Arvin at Trixia. Sina Pia at Ferlyn, magkababata rin sila. Ganoon din sina Philip at Arvin. Ginagawa rin namin ang mga madalas na ginagawa ng isang ordinaryong high school student. Nag-aaral, nagca-cutting classes, nakapunta sa guidance office, napahiya sa loob ng klase, na-late at pinarusahan dahil sa mga kalokohan namin. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na kami nagseseryoso sa pag-aaral. Minsan lang namin ginawa ang mga iyon at hindi na kami umulit. Well, maliban siguro sa pagiging late at pagalitan sa klase, dahil hindi nawawala sa amin iyon.

Pero kahit ganoon, seryoso kaming nag-aaral. Puro libro nga ang inaatupag namin at suki kami sa library. Sa katunayan, honor-roll students kaming anim. Nasa Top 10 kami lahat. At si William ang Top 1. Ako naman ay nasa Top 3. Kulelat sa Math e. Top 4 naman si Pia. Nasa bandang Top 6-10 naman sina Ferlyn, Arvin at Philip.

Isa pa, kilala rin sa school sina William, Philip at Arvin. Bukod kasi sa pagiging guwapo at matatalino, varsity player din sila ng basketball. Matatangkad kasi sila. Kaming tatlo naman nina Pia at Ferlyn ay miyembro ng school paper. Photographer si Ferlyn samantalang kami naman ni Pia ay mga writer. Nagiging hectic minsan ang mga schedule namin pero naglalaan pa rin kami ng panahon para gumala o magbonding kami.

Hindi rin nawala ang pagiging mag-bestfriend namin ni William. Ganoon pa rin siya. Hindi siya nagbago sa akin sa paglipas ng taon. Laging concern sa akin, pinagtatanggol sa iba, at laging nandiyan para sa akin. Hindi nang-iiwan.

Pero nang mag-Grade 9 na kami, dumating si Trixia. Galing siya sa ibang school. Loner siya noon sa klase namin. Walang kumakausap sa kaniya. Kaming anim lang ang naglakas-loob na lapitan siya. Dahil doon, lagi na namin siyang nakakasama at naging parte ng barkada namin.

Isang araw, may nakaaway si Trixia na grupo ng mga bratinella sa school. Mag-isa siyang naglalakad sa canteen at papunta na sana siya sa table namin. Hindi ko nakita ang buong pangyayari pero tingin ko'y natapunan ng juice ang damit ni Arianne, isa sa mga brat at maarteng miyembro ng barkada nila.

"Oh my God! Look at my uniform. What did you do?! I didn't bring any extra," malakas na sigaw niya kaya mabilis kaming lumapit sa kinaroroonan nila.

"Bakit kasi you're not tumitingin sa dinaraanan mo? What will you do now?!" sigaw pa niya. Kahit na medyo may kalayuan kami sa kinaroroonan nina Trixia, dinig na dinig ko ang sinasabi ni Arianne.

"H-hindi ko naman sinasadya. Humarang ka rin kasi sa dinaraanan ko kaya..." hindi na naituloy ni Trixia ang sasabihin niya dahil bigla siyang sinampal ni Arianne. Napasinghap kaming lahat. Hindi pa kami tuluyang nakakalapit sa kaniya pero nakita ko iyon.

"How dare you to accuse me! If only you are not daydreaming, you will not bumped into me," katuwiran niya. Hindi umimik si Trixia. Nakayuko lamang siya. Pero alam kong maiiyak na ito. Kaya binilisan ko pa ang paglalakad.

"What if you just let me borrow your uniform and you wear mine?" suhestiyon ni Arianne saka niya hinila ang uniform ni Trixia. Aawatin ko na sana siya nang bigla akong maunahan ni William.

"Stop it brat! Nasasaktan na siya!" sigaw niya at biglang itinulak si Arianne. Nagulat si Arianne sa sigaw at kilos ni William, kahit ako. Ngayon ko lang siya nakitang sumigaw ng ganoon kalakas at ngayon ko lang din siya nakitang manulak ng babae. Kitang-kita ko rin ang galit sa mga mata niya. Samantalang nakayuko pa rin si Trixia.

Nag-sosorry at nagdadahilan naman si Arianne pero hindi na ito pinakinggan pa ni William dahil hinila na niya ang kamay ni Trixia at umalis doon. Napagdesisyunan kong sundan sila at iniwan ang apat.

Nakita ko sila sa park ng mga elementary. Wala na gaanong tao rito dahil nasa classroom na ang mga bata. Pinaupo ni William si Trixia sa isang bench doon. At lumuhod naman si William sa harapan niya. Ako naman ay nagtago sa likod ng isang puno na malapit sa kanila.

"Tama na. Huwag ka nang umiyak. Papangit ka kapag hindi ka tumigil sa kaiiyak mo diyan," dinig kong sabi niya at inilabas ang panyo niya.

Napatigil ako at napahawak ng mahigpit sa sling bag ko.

"Tama na Wens. Huwag ka nang umiyak. Sige ka, papangit ka kapag hindi ka tumigil diyan sa kaiiyak."

Ang mga salitang iyon ay paulit-ulit sa isipan ko. Ganiyang-ganiyan din ang mga sinasabi niya sa akin simula noong mga bata pa kami.

Muli ko silang tiningnan at nakita ko naman na pinupunasan niya ang mga luha ni Trixia. Noong mga panahong iyon, alam ko nang nagseselos ako pero dahil iyon sa ginawa niya kay Trixia na ginagawa niya rin sa akin.

Wala akong gusto sa bestfriend ko. Sadyang hindi ko lang matanggap na iyong lagi niyang ginagawa sa akin ay gagawin niya rin sa iba. Selfish akong tao. Madamot ako lalo na pagdatinh sa kaniya.

Kaya noong pag-uwi namin, pabalang lagi ang pagsagot ko sa kaniya. Kapag may tatanungin siya sa akin, tipid ang sagot ko.

"May problema ka ba?" tanong niya.

"Wala," tipid at malamig na sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Parang meron naman," sabi niya pero hindi ko siya kinibo.

"Ano ba kasi iyon?" tanong niya pa.

"Wala nga. Dapat ba laging meron?" naiinis kong sagot.

Nagulat siya sa inasal ko sa kaniya. Nagsisisi rin naman ako pero ayoko munang makipag-ayos sa kaniya ngayon.

Ako rin mismo, hindi ko na maiintindihan ang sarili ko nang mga panahong iyan.

Pinatagal ko pa ang galit ko nang ilang araw at linggo. Lalo na kapag nakikita kong dumidikit si Trixia sa kaniya. Pinapansin ko pa rin naman siya pero dahil nga cold ako sa kaniya, kay Trixia niya naibibigay ang atensiyon na iyon. Mas lalo akong nainis. Hindi ko alam na kaya na pala akong tiisin ng bestfriend ko ngayon. Kahit na alam kong ako ang may kasalanan, hindi ko mapigilang mainis at isipin na hindi man lang niya ako suyuin o kulitin na kausapin kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

"Wens, sorry na. Kung ano man ang nagawa ko, sorry na. Hindi ako sanay na hindi mo ako pinapansin e," pagso-sorry niya sa akin nang bumisita siya sa bahay. Ilang metro lang din naman kasi ang layo ng bahay nila sa amin.

"Sige na please. Sorry na. Hindi ko alam kung bakit hindi mo ako pinapansin pero sorry pa rin. Bati na tayo. Nami-miss ko na ang bestfriend ko," malungkot na sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit parang kinurot ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Sanay naman na akong tinatawag niya na bestfriend perp nang sabihin niya iyon ngayon, para akong nasasaktan.

Tinanggap ko naman ang sorry niya. Pero kahit gumaan na ang loob ko dahil sa ginawa niya, hindi pa rin niyon tuluyang natanggal ang pagkadismaya at inis ko dahil sa huling sinabi niya at ng mga ginawa niya. Hindi ko na rin naiintindihan ang sarili ko noong mga panahong iyon.

Dati rati, wala lang sa akin kapag tumatabi siya sa akin pero ngayon, para na akong kinukuryente. Dati hindi ako naiilang kapag tumitingin ako sa mala-abong mga mata niya, pero ngayon iba na. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Hindi na lang sa kaniya ako naiinis ngayon, mas naiinis na ako sa sarili ko.

Gayunman, pinilit ko pa ring maging normal kapag nandiyan siya. Alam kong may nagbago pero hindi ko iyon maamin sa sarili ko.

Kaya kahit mahirap, pinilit kong ibalik sa dati ang pagkakaibigan namin, kahit ako lang ang may problema. At hindi niya alam iyon.

The Lady In Stripes (Short Story) (EDITING)Where stories live. Discover now