Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. "'Lika nga." Kinabig ko siya palapit sa akin upang yakapin ulit.



"Sorry talaga, Ate... sorry talaga..."



"Hay, Ruby naman. 'Wag ka na sabing umiyak." Utos ko sa kanya habang walang tigil kong hinahagod ang kanyang likod.



"Kapag nakalabas na ako dito, mabubuo na tayo. Ako, ikaw, si Dangdang, si Amang, si Mama, at si Jumbo." Sabi niya sa gitna ng kanyang paghikbi. "Magiging mabuti na akong anak at kapatid sa inyo."



Dapat ay masaya akong marinig sa mga labi niya ang pangalan ni Jumbo na kabilang sa amin. Pero kabaligtaran ang nararamdaman ko.


Pinakatatagan ko ang aking loob at umiwas sa nagbabadyang pagluha. Limikha ako ng paghalakhak mula sa aking bibig. "May nakalimutan ka pa..." Kumalas ako sa kanya. "Si Bayug."



Nagkatawanan muli kami. Segundo lang at kinuha niya muli ang aking isang kamay at inilagay iyon sa kanyang dibdib. "Mangako ka, Ate. Hindi mo hahayaang mawalay ang isa man sa atin sa isa't isa."



Napangiti muli ako. "Pangako..."



"Kahit si Jumbo. Hindi mo siya hahayaang mawala sa atin."



Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ko naitago ang luhang namuo na sa mga mata ko.



"Hindi mo hahayaang mawala si Jumbo, di ba?" nangungusap ang kanyang mga mata.



Napapikit ako at napayuko.



"Bakit, Ate? May problema ba?"



Nag-angat muli ako ng mukha at saka umiling. "Wala..."



Biglang bumukas ang pinto at sabay kaming napalingon doon. Iniluwa niyon si Paolo. May dala siyang bulaklak at mga prutas. Kay Ruby agad siya napabaling. "Hi, Ruby."



Nginitian lang siya ni Ruby. Umikot naman ang bilog ng mga mata ko. Ano kayang ginagawa ng lalaking ito dito?


Humakbang siya papasok. "I brought flowers and fruits for you, Ruby." Na someday, isusumbat mo. Hmp! "Nang mabalitaan ko na nakaconfine ka, nag-alala agad ako. Kapatid na rin ang turing ko sa 'yo, Ruby. Napalapit ka na rin sa akin kaya hayaan mong dalawin at pasalubungan kita."


'Pinagsasabi nito? E ngayon nga lang sila nagkita ni Ruby e!


"And oh, by the way, Ruby." Lumabas ulit ng pinto si Paolo at pagbalik niya ay may bitbit na siyang painting. "I also want to give you a gift. Para mapabilis ang recovery mo." Proud na inilatag niya ang painting na iyon sa harapan naming magkapatid. Larawan iyon ng isang sorbetero na nakasumbrelo ayon sa paliwanag niya. Pero iba ang nakikita ko. Kawali na may itlog.


"Ano 'yan?" nanghihinang tanong naman ni Ruby. Mukhang katulad ko ay confused din siya kung anong klaseng painting ang ipinapakita sa amin ngayon ni Paolo.


"You see this icecream, girls?" itinuro niya sa painting ang hawak ng isang sorbetero.



Hindi 'yan ice cream, Paolo. Isa yang makulay na beklog ng kuneho.



"I painted it for almost..." bahagya pa siyang napaisip. "...two months!"


Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon