Alpha

25 2 0
                                    


JENO

Bumukas ang pintuan ng elevator sa 3rd floor. May babaeng nakatayo sa labas. Yumuko ako para silipin ang mga unread messages ko sa group chat namin. Ilang segundo ang nakalipas at naramdaman ko na lang na tumunog na ang pintuan para magsara pero hindi pa sumasakay iyong babae.

Dali-dali kong hinarang ang kamay ko sa pinto. "Sasakay ka ba?" 

Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Patuloy lang siyang nakatunganga sa sahig. Tinitigan ko pa siya ng ilang beses para mag-antay pero sasara na ulit ang pinto kaya nainip na ako. "Hello?"

Ewan ko pero biglang tumaas ang balahibo ko sa batok.

Inangyan, kapag ito multo...

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Dahan-dahan akong lumapit at pinitik nang malakas ang noo niya.

"Aray!"

Napaurong ako sa gulat kaya tumama nang malakas ang likod ko sa pader ng elevator. Putek!

Sa sobrang panic ko bigla kong pinindot ng maraming beses ang close door button sa gilid. 

"Hoy, gago! Sandali!-"

Grabe, hingal na hingal ako pagdating ng lobby. Nandito na ang lahat ng members. Balak naming gumala ngayon sa Lotte World Aquarium para mag unwind pagkatapos ng sobrang busy naming sched noong mga nakaraang linggo.

"Pinanggagagawa mo?" singhal sakin ni Haechan nang makalapit ako.

Hindi ko siya pinansin at umupo saglit. Inabutan ako ng kapeng iniinom ni Mark hyung. 

"Oy oy, bakit si Jeno hyung binigyan mo ako hindi?" masama ang tingin sakin ni Jisung.

"Pake mo." sagot ko sa kanya at kinuha ang kape. Niyakap siya ni Mark hyung at natawa nang akma akong sipain ni Jisung. "Bakit ka naka-tsinelas?"

"Pake mo din." 

Gusto ko siyang bugbugin pagkatapos niyang sumagot pero tinawag na kami nina Jaemin at Chenle dahil nakarating na yung van na sasakyan namin. 


LEXI

Panay ang message sakin ni papa simula pa kagabi nang makarating kami sa airport. Sobrang excited siya dahil in-invite kami ng Seoul Performing Arts High School na magperform sa gaganapin nilang dance festival ngayong sabado pagkatapos naming manalo sa international ballet competition last month.

"Lexi! Tara na!" hinila na ako ng mga kaibigan ko papasok sa aquarium. 

Lagi akong naiiwan ng grupo sa tuwing may makikita silang nakakamanghang sea creature. Sobrang hyper nilang lahat. Medyo nawalan ako ng energy kasi sobrang dami kong kinain sa breakfast buffet kanina. Pakiramdam ko masusuka ako dito anytime. 

Pinuno ko ng pictures ang dala kong camera. Minsan nauupo lang ako sa mga bench sa bawat station dahil medyo masama talaga pakiramdam ko. Lintek naman kasi, sobrang gutom ako kanina! Hindi kami kumain ng dinner kagabi dahil bagsak na ang lahat pagdating namin ng hotel dala ng pagod sa biyahe. 

"I took candid photos of you. See?" lumapit sakin ang isang kaibigan ko at pinakita ang mga kinuha niyang litrato. "Nakakainggit. You still look pretty kahit nakapikit. Ba't ganon!"

Natawa ako sa kanya. Hinayaan ko siyang hilahin ako sa kung saan-saan hanggang sa makarating kami sa station na mayroong comfort room.

"Balik lang ako agad." sumenyas ako sa kanilang pupunta muna akong banyo.

Hindi ako nagkamali. Talagang nasuka ako pagpasok na pagpasok ko ng isang cubicle. Eto na nga bang sinasabi ko!

Ilang minuto pa bago ako nakabawi. Sumakit bigla ang ulo ko. Bibili ako ng tubig mamaya sa snack bar kasi mukhang dehydrated na ako sa sobrang pagsusuka. 

"Lexi! Dali, picture!" nakita agad ako ng kaibigan ko paglabas ko ng banyo at tinuro ang isang lalaking may hawak ng camera niya na mukhang nahagip niya lang sa kung saan para magpakuha ng picture.

Pinilit kong tumakbo papalapit kahit nanghihina ako. Pumwesto ako sa gilid at humarap na sa camera. Ngunit napawi bigla ang ngiti ko nang mapansin kung sino ang lalaking nasa harapan namin. 

Nakita kong gulat din ang reaksyon niya nang makita ako pero agad siyang nakabawi. "Okay, ready? One, two..."

Pinilit kong ngumiti kahit kumakabog nang malakas ang dibdib ko. Shit!

"Yey, thank you...?" lumapit sa kanya ang kaibigan ko pagkatapos.

"Mark." nginitian niya rin ito.

"Thank you, Mark!"

Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin. Halo-halo na ang pakiramdam ko. 

Tumalikod ako para magpaalam sa mga kaibigan kong babalik ako sa dinaanan naming station para bumili ng tubig sa snack bar. Pinilit kong kumalma habang naglalakad. Kung pwede lang kainin muna ako ng lupa ngayon!

This is the main reason why I don't want to visit this country. Ayokong magkita kami dito pagkatapos ng ilang taon. He reminds me of the happy memories... na ngayon gusto ko na sanang kalimutan kasi sa tuwing naaalala ko nalulungkot lang ako. 


JENO

Nakakabit ako kay Jaemin buong gala sa aquarium. Lahat tuloy ng selfie niya andyan mukha ko. Kanina pa siya galit sakin kasi ayaw ko raw humiwalay. Putek, ang dilim naman kasi dito naaalala ko yung babae kanina sa apartment!

Nakita kong mag-isa si Mark hyung pagdating namin sa sumunod na station. May kausap siyang babae na may hawak na camera. Pagkatapos nun lumapit siya samin ni Jaemin.

"Andaming nagpapa-picture sayo. Meron pa doon, hyung." turo ko sa mga babaeng nakatingin samin sa likod. 

Umiling siya. "Ako yung nagpicture."

"Bakit sakin-"

"Pangit ka kasi." putol ni Jaemin.

"Masyado kang mapanakit!"

Nakita kong tulala si Mark hyung. Hindi siya sumama sa amin nang tumakbo si Jaemin para habulin iyong beluga whale na nakita namin.

"Jaemin, gutom na ako." nagreklamo na ako pagkatapos ng ilang minutong pag-iikot namin sa isang station.

"Pake ko sayo."

Dumilim paningin ko sa kanya. "Balik tayo doon sa snack bar!"

"Bumalik ka mag-isa. Kukuha pa ako video nung harbor seal." abala siya kakapindot sa dala niyang camera. 

"Hindi naman tatakbo 'yun! Samahan mo 'ko."

Hindi niya ako pinansin at nakakuha siya ng tyempo para makawala sakin. Tumakbo siya ng mabilis. Nakita ko pang natipalok siya sa malayo kaya natawa ako. Tanga tanga talaga nun.

Bumalik ako sa station kung saan mayroong snack bar. Wala akong makitang pamilyar na mukha. Saan na kaya napadpad yung ibang members. Mga gagong 'yun, sinabi nilang huwag maghihiwalay kanina pero sila naman unang nang-iwan.

Tahimik akong nag-iisip kung anong bibilhin na pagkain sa counter nang may bumunggo saking babae. Panay ang sorry niya sakin kaya nag-sorry na lang din ako kahit 'di ko naman alam anong kasalanan ko.

"Sorry. Hindi ako nakatingin sa daan." umangat siya ng mukha para tingnan ako. Base sa reaksyon niya, hindi niya ako kilala kaya baka hindi siya taga-rito.

Humarap na ulit ako sa counter para pumila. Naramdaman ko ring pumila iyong babae sa likod ko. Ilang minuto pa akong nakatunganga nang ma-realize ko kung sino siya.

Hindi dapat ako tatalikod para harapin siya pero parang kusang gumalaw ang katawan ko. Natulala ako nang mamukhaan siya.

Kita kong gulat siya nang humarap ako sa kanya. Tumaas ang magkabilang kilay niya. Hindi ba talaga ako kilala ng babaeng 'to?

Tama nga hula kong hindi siya taga-rito.

Siya yung babaeng palagi kong nahuhuling tinitingnan ni Mark hyung sa instagram.

Dive Into You | NCT DreamWhere stories live. Discover now