Sierra

11 1 0
                                    

AKARI

Sobrang tahimik pagdating namin ng practice room. Kinakabahan ang lahat para sa monthly evaluation. Hindi ko na nga maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Para na akong mahihimatay sa excitement at takot.


Chenle:

Punta ka sa kabilang practice room


Kumunot ang noo ko sa text niya. Agad ko siyang nireplyan kahit nanginginig na ang mga kamay ko sa kaba nang pumasok ang mga evaluators.


Ako:

Ngayon yung evaluation tanga


Chenle:

Hindi naman kayo yung una wag kang feeling


Chenle:

Dali na mapapanis joke ko


Ako:

Sobrang gago mo


Chenle:

Pag di ka pumunta kakalimutan ko na pagkakaibigan naten


Ako:

Edi kalimutan mo hayop ka


Pinatay ko na ang cellphone ko at tinago sa bag. Pinilit kong kumalma pero hindi talaga nadadala ng deep breathing techniques yung nararamdaman naming pressure ngayon.


Blanko na ang isip ko nang tawagin ang pangalan ko. Basta binigay ko na lang yung best ko sa pagsasayaw at kinalimutan lahat ng flaws at insecurities ko. Natapos namin ang choreography na walang semplang. Hingal na hingal ang buong grupo sa huli habang nakikinig sa mga comments. 

Basang-basa ako ng pawis paglabas ko ng practice room. Papunta ako ng cr nang biglang may humila sakin. In a split second kala ko may kumidnap sakin kasi tinabunan niya yung bibig ko. Kupal na 'to!

Halos bugbugin ko si Chenle nang dalhin niya ako sa emergency exit. May inabot siya saking paper bag na puno ng mga pagkaing gusto ko.

"Diet ako."

"Tumahimik ka. Alam kong pinagalitan ka kahapon kasi sobrang payat mo na. Tingnan mo nga 'yang boobs mo parang sa grade 1."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hinampas ko siya ng malakas. Mukhang tuwang-tuwa siya sa ginawa niyang insulto.

"Nasan na yung joke mo?"

Umirap siya sakin. "Wala. Bibigyan lang sana kita ng power hug kanina pang goodluck."

"Tarantado, ano ka jowa ko?"

This time sabay na kaming natawa. Tinakpan ko ang bibig niya kasi medyo napalakas ang boses niya. Baka kasi may makakita samin dito tapos magkaroon pa ng issue. Sobrang inggitera pa naman ng ibang trainees.


Sobrang laki raw ng in-improve ko sabi ng mga evaluators. Umaasa akong isa ako sa mapipili sa binubuo nilang bagong girl group ngayon. Binigay ko na buong kaluluwa ko sa training araw-araw.

Ilang linggo ko rin hindi nakita si Chenle kasi mas naging busy yung mga schedules nila. Wala naman talaga akong pake sa kanya, pero nasanay kaming gumagawa ng kahit maikling bonding time simula pa elementary. Ulol na 'yon, naalala ko pinalayas niya pa ako nung first day ko dito sa SM. Ibabalik niya raw ako sa China kasi wala na raw magbabantay ng aso niya doon kasi natanggap ako sa audition. Apakaputek!!!


Tamad kong hinanap ang cellphone ko sa bag. Kanina pa 'yun tunog ng tunog pero hindi ko tiningnan agad kasi hindi naman tawag. 


Jisung:

AKARI


Jisung:

AKARIIII


Jisung:

YUNG KAIBIGAN MO DITO


Agad ko siyang nireplyan nang mabasa ko yung huli niyang message. Ano na namang katangahan ginawa ng lalaking 'yon.


It turned out na nalasing yung gago. Nagwawala na raw doon sa exclusive bar na pinuntahan ng buong NCT. Mapapa-ayos pa ako ng wala sa oras dahil nandoon silang lahat!


"HAPPY BIRTHDAY!"


Napatalon ako sa gulat nang makapasok ako sa bar. Hayop na 'yan!

Si Chenle ang may hawak ng cake. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niyang pa-surprise.

"Akala ko nakalimutan mo, tarantado ka." Natawa silang lahat dahil sa sinabi ko. 


Pagkatapos kong makatanggap ng sobrang daming greetings ay sa wakas nakaupo na rin ako sa isang bakanteng upuan. Napagod yung mukha ko kakangiti sa kanilang lahat. Pabigla pa akong nilagyan ng icing ni Chenle sa mukha kaya nagkaroon pa ng konting rambulan kanina. Ending hindi ko nakain yung cake kasi naubos lahat sa kagaguhan nila. 

Nakahinga ako ng maluwag kasi akala ko nag-iisa lang akong babae. Buti na lang may dala ring kaibigang babae yung ibang members. Sa kanila nga sana ako tatabi pero magmumukha akong third wheel.

"Huwag kang maingay na may jowa yung mga hayop ha?" umupo sa tabi ko si Chenle na may dalang dalawang plato ng pagkain. "Tsaka bawal mainggit."

Kumunot ang noo ko. "Ba't naman ako-"

"Sshh. Ubusin mo 'to. Hindi ko ibibigay regalo ko kapag may natirang buto."

"Ginawa mo pa akong aso, tangnamo!"



Dive Into You | NCT DreamUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum