Kabanata 2

18 0 0
                                    

Kabanata 2: Ang Biyahe

Mga ilang oras na rin ang nakalipas simula nung paglisan ko sa aming bayan. Nasa biyahe pa rin ako. Marami-rami na ang mga bumababa at sumasakay, pero heto pa rin ako.Nakabukas ang TV sa may harapan. May kung anong pelikula ang pinapalabas nito. Merong mga ibang pasahero na nanunuod ngunit hindi ko mai-focus ang atensyon ko sa palabas. Medyo inaantok na rin ako sa haba ng biyahe. Pinagmamasdan ko na lang ang mga tanawin para maibsan ang aking pagkabagot.

*~*~*~*~*

Nag-pit stop muna ang bus. Sakto at medyo naiihi na rin ako, kaya dinala ko yung mga mahahalagang kagamitan ko (cellphone, wallet) saka ako dumeretso sa may palikuran.

Pagkatapos kong umihi at maghugas ng kamay, bumili na ako ng makakain at maiinom sa bus. Medyo malayo pa kasi ang destinasyon ko, kaya matagal tagal pa bago ako makababa.

Bumalik na ako sa may bus at umupo sa aking inupuan kanina. Medyo tanghali na. Sakto at nakabili na rin ako ng pangtanghalian. Kinain ko na ito at nagpatunaw ng dalawang oras.

Matagal pa bago ako makarating sa akademya. Napagpasyahan ko na umidlip muna.

*~*~*~*~*

Medyo dumidilim na ang langit. Palubog na ang araw. At nandito pa rin ako sa bus. Halos nagliliyab na ata ang puwet ko sa tagal ng biyahe.

Marami nanamang mga pasahero na umakyat at bumaba ng bus. Ako na lang ata ang natitira dito simula kaninang umaga. Napansin ito ng konduktor at saka ako kinausap.

"Hijo, 'san ka bababa? "

"Ah, sa may VA Academy po." Sagot ko.

"Naku, e 'di malayo ka pa bago makababa!"

"Oho."

Napadaan ang pagtingin ko sa aking paligid. Wala namang kakaiba. May ilan na nakikinig sa musiko, may ilan namang natutulog.

Patuloy lang ang pagu-usap namin ng konduktor. 'Di ko namamalayang may nakikinig pala sa amin.

"Eh ang pagkakaalam ko, mga mayayaman lang ang nakakapasok doon. Hindi sa mamasamain pero..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

'Oo, alam ko na walang-wala talaga sa itsura ko na makapasok sa akademya.'

'Ano ba ang pakana nila at naisipan nila akong bigyan ng scholarship?'

'Hindi naman ako mayaman, hindi naman ako kagwapuhan. Hindi rin naman ako matalino.'

"... Sa totoo lang po, hindi ko rin po alam kung bakit. Binigyan nila ako ng imbitasyong mag-aral sa akademya. 'Yun lamang ang alam ko." Ano ba 'tong ginagawa ko? Pati ba naman konduktor, kinuwento ko ang pagkabahala ko.

Napabuntong-hininga ako.

Masyado na yata akong nababahala sa aking sitwasyon.

"Ay ganun ba? Naku pasensya na ah! Eh kasi eh, wala pa kasi akong naririnig na bukod pa sa mga mayayaman at may talento na nakapasok d'on. Mukhang sinusuwerte ka! Akalain mo yun, papasok ka dun." Natutuwang pagkasabi ng konduktor sa akin.

Pilit na lang akong ngumiti sa kanya.

Habang nagu-usap kami ng konduktor, may isang lalaki na tumayo at pumuwesto sa may driver. Bigla niyang tinutok ang baril at saka sumigaw.

"HOLDUP 'TO! WALANG KIKILOS NG MASAMA!" Walang pasintabi niyang pagbanta sa amin.

May mga iba pang mga tumayo at tinutok ang mga armas sa mga pasahero, pati na rin sa amin ng konduktor. Mga kasamahan ito ng nangbanta, sigurado. Wala silang itinirang makakatakas.

Ang Crush Kong FujoshiWhere stories live. Discover now