ikaw na ba ang pagpapatibok sa tulog kong puso? mwehehe

agad niyang tinanggal ang helmet niya at kitang kita ko ang magreen niyang mata at halatang mala foreigner na mukha, hmm sarap afam.

"who you, bakit ka haharang harang sa dadaanan ko? check point ka ba dito? 'di bagay, mas bagay ka saki-" ipagpapatuloy ko pa sana ang pagsasalita ko ng may biglang may mahinang paghatak sa buhok ko, "nandyan ka lang pala"

paglingon ko sa kanya ay binigyan ko sya ng pamatay na tingin dahil sa kaepalan niyang taglay.

axel.

"t-teka lang, magpapaalam lang ako doon sa pogi" pagrereklamo ko sa kaniya habang hinahampas ko siya habang hila hila niya ako kung saan.

sibangot ang mukha ko ng makarating kami sa destinasyon namin, food park. malapit lang kasi ito sa school namin at madalas kami dito tumambay ni axel para kuma- magmukban- mali, lumamon pala.

"bakit ka ba parang binagsakan ng langit at lupa ha, hilda?" patawa pa niyang pang aasar sakin.

d'yan, d'yan ka magaling, mang asar, pero pagmamahal 'di mo kaya. joke hehe

"ikaw ba naman ilayo sa grasyang ibigay sa'yo magpapaparty ka ba? tsaka teka- ano tawag mo sakin?" inambahan ko siya ng malakas na suntok at sipa

tuwang tuwa talaga 'tong anak ni balmond sa tuwing nabibwiset ako, malakas na tawa naman ang isinagot niya sa akin kaya mas lalo akong nabwiset kaya naman hindi siya tinigilan sa kakasipa, "araaay... naman.. stala ano...ba tigil..nakungayawmongsakmalinatmahalinkita" nagulat siya sa sinabi niya kaya naman parehas kaming napahinto.

hindi ko na papansin muna ang sinabi niya kahit magulo pa siya sa kaysa sa mga pagmumukha nang mga tao na nakatingin na ngayon sa amin at tinatapunan kami ng 'sige magharutan kayong mga bata kayo'

wala kayo ekap, pake yan. baka ano e. hehe

"ang tindi mong babae ka, nakahalos sampong suntok sipa ka sakin" pakamot na pagrereklamo naman niya sakin

gusto mo dagdagan ko pa e

"ayan para eleven na, gusto mo isang daan pa e" nakasibangot ko ulit na sagot sa kaniya at siya naman ay parang mangiyak ngiyak nang pakamot at padabog na naupo sa kabila.

namuo ang katahimikan sa amin habang naghihintay sa order namin, siya ay nagtatype sa cellphone at ako naman ay nakatanga sa kawalan.

laking palaisipan sa akin ang ginawa nung check point boy kanina sa akin, ang gwapo niya sobra. per hindi dapat iyon ang intindihin ko mas iniintindi ko ang ginawa niya. idagdag mo pa yung sinabi nitong anak ni balmond

ayoko mag assume dahil baka mali ang pagkakadinig ko dahil sa kulitan namin o baka talagang mahal niya ako bilang kaibigan or bilang

lover? wag, masama.

"khryistar marquez" pagtawag naman sakin ng mokong na'to habang kumakaway sa  mukha ko

mukha ba kong camera ha.

"bakit mr. axel creed?" sarkastikong pagsusungit ko naman sa kaniya sabay tawa, "kung hindi ka kakain, kakainin ko yan" pagturo niya pa sa pagkain, wala naman ako sa sarili kaya't hindi napansin na nandito na pala ang pagkain.

hmm sarap, ganda

binasag naman ni axel ang katahimikan na nagmumula sa amin dahil sa pagtatanong niya. "starla kung may manliligaw sayo na kaibigan like, i know you have a circle friends na hindi naman kami kasama nila clea, what if one of your friend wants to be your boyfriend, ano mas pipiliin mo friendship na baka in the end masira o relationship na bubuuin n'yo?" pagtatanong naman sa akin ni axel habang kumakain

ka-speechlesss naman nyan, kung ako yan diretsahin mo na ko.

"bakit may nagugustuhan ka ba sa mga kaibigan natin" pagtatanong ko naman sa kaniya pabalik.

para sa akin lang, wala naman masama kung magkagusto ka sa kaibigan mo kailangan mo nga lang mamili

will you sacrifice your friendship over relationship?

bigla nalang din ako napaisip at pumasok nanaman sa isip ko ang sinabi niya kanina sa akin.

"mayroon akong kakilala, pero hayaan mo na, maybe someday destiny gives then a chance"ngumiti siya sa akin ng kakaiba kaya naman nagpilit nalang ako ng ngiti at kumain nalang.

"wag ka magpapaligaw, malilintikan ka sakin" habol naman niyang sabi pagkatapos niyang isubo ang natitirang pagkain na nasa lamesa niya sabay tumayo at umalis.

kapal ng mukha di ako hinintay.

SEA SIDEWhere stories live. Discover now