UoC 3🍂

6 3 0
                                    

Please note that this story is only for teens or adults. If you know for yourself that you aren't a teen enough to read my stories, leave and find something else that suits your age. Enjoy!



Isley POV:

Pagod akong sumalampak sa higaan ko. Sobrang pagod ng utak ko kahit pangatlong araw ko palang rito, wala pa'kong kaibigan, nahihirapan ako. Masyadong mesteryoso ang paaralang ito.

Naguguluhan ako. Anong meron kay Sofia at ganu'n na lang ang takot ni Dara sa kanya? at ano nga ba ang meron sa paaralang ito? haystttt. Hindi ko na lang iisipin 'yan masyadong masakit sa brain cells, hindi ko kinakaya.

Bumangon ako at nag linis ng katawan para makapag pahinga na, wala naman akong assignments ngayon kaya mapapasarap ang tulog ko.

Pag labas ko ng Cr nakita ko si Sofia na may kausap sa telepono, Hindi naman niya ako pinansin kaya pinag patuloy ko nalang ang pag lakad ko patungo sa higaan ko.

ipinikit ko na ang mata ko at hina yaang mag padala sa antok, bago ako tuluyang tangayin ng antok nakita ko pang tumayo si Sofia at lumabas ng aming silid. Hanggang sa nilukob na ako nang antok dahil sa pagod ko.

"hi sweetie" dinig kong boses ni mommy mula sa pintuan ng kwarto ko. Busy ako sa pag gawa ng mga assignments ko ngayon.

tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto ko at may bitbit na tray na may gatas at cookies, nginitian ko siya at tinigil ang pagsusulat ko.

"Hi mommy" naka ngiting sabi ko, lumapit sya at inilapag sa table ang dala niyang snacks ko.

"Ito na your snacks sweetie, how's your assignments? are you done?" Malambing na tanong ni mommy.

"Thanks sa snacks mom. Malapit na po akong matapos dito." umupo si mommy sa kama ko at naka ngiting tinitigan ako. Ito nanaman yung mga ngiti ni mommy.

"Do you need my help sweetheart?"

"Actually Mom, no need na po. I can answer naman po all my assignments, ehh." sagot ko sa kan'ya

"lumalaki kana talaga sweetie, you don't need mommy's help na" Nagtatampong mungkahi ni mommy.

ibinaba ko ang cookies at gatas na hawak ko at lumapit Kay mommy sa kama ko, umupo ako sa tabi ng at niyakap s'ya.

"Mommy, I'm not that old enough pa naman po. I'm sure, I will need your help and daddy need your help, too." Malambing na saad ko sa kaniya. Ngumiti si Mommy at hinalikan ang noo ko pagkatapos ay nag paalam para bumalik sa kusina.

_____

"Yes girl, I'll be there in a meet. I'm just finishing my make up" na alimpungatan ako sa boses ni Sofia, pag tingin ko sa kaniya naka bihis at nag me make-up nalang siya tinignan ko yung alarm ko at napatayo akong bigla nang makita kung anong oras na.

Dalidali akong tumakbo sa Cr para makaligo at makapag ayos na ng sarili. Narinig ko pa ang pag tawa ni babaitang Sofia. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na sa pagaasikaso.

Nang makatapos ay agad Kong kinuha ang mga gamit ko at nag mamadaling dumiretso sa room, Hindi pa pala ako kumakain ano ba yan mamaya na nga lang.

Hingal na hingal akong tumigil sa tapat ng room ko. Kung bakit naman kasi napaka layo ng dorm sa mismong campus, eh nasa iisang lupain lang naman. Dahan dahan kong pinihit ang pinto at nakita kong hindi pa masyadong madami ang nasa loob ng silid. Natanaw ko si Dara, lumapit ako sa kaniya at tumabi.

"Ang aga mo naman ata?" Mahinang bigkas nya, napaka tahimik naman nito. Maski salita hirap marinig.

"Sensya na 'di kasi ako nakapag clean ng ears ko, pero ano ulit sabi mo?" pag tatanong ko.

"I said your early for today." Nagtatakang napatingin ako sa kan'ya, aga? ehh late na nga ako.

"Huh? anong maaga, eh late na nga ako. Tignan mo yung orasan 8:3-" Napatigil ako nang tignan ko ang orasan sa mismong harapan ng room namin.

"Yeah it's 7:30, mali ata ang orasan mo"

"Pero tama ang pag kakaset ko ng alarm ko before Ako makatulog." Nalilitong tanong ko. Hindi kaya binago ni Sofia yung set ng alarm ko?.

"Alam kong si Sofia ang nasa isip mo, parehas tayo" saad nya.

Punyeta ka talagang bungi ka tatanggalan kitang isa pang ngipin. Sakto namang dating ng impakta, tumatawa pa Ang bruha, hayst sarap sampalin nito.

Nagtama ang paningin namin at nginitian lang ako ng sarkastiko ni Sofia, sabay talikod ni gaga.




Merci for reading:) pls do vote and share my stories. I'll appreciate it a lot.🍂

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNIVERSITY OF COROUNENWhere stories live. Discover now