Chapter #4

37 10 0
                                    

Nang mga sandaling iyon ay unti- unting lumilipad ang nagiging abong parte ng katawan ng babae. Nakita ko pa ang pagngiti nito sa amin at kay Galatea.

" S-sandali! Anong p-pangalan mo? Balang araw ay ikukwento kita kay Galatea. " nagulat ako sa pagpigil na iyon ni Hermosa sa babae. Lumingon naman ito sakanya, unti- unti nang tumatanda ang itsura ng babae tanda na nawawala na siguro ang mahikang inilagay nito sa sarili upang bumata ang itsura.

Nakita ko ang malungkot na ngiti nito ngunit makikita ang galak sa mga mata. " A- Ascella, Ascella ang ngalan ko. Salamat, salamat. P- pwede bang pakisabi sa kanya na mahal sya ng kanyang ama't ina? " huling sabi nito sa amin, daglian namang tumango si Hermosa.

" M-maraming salamat... " mahinang sambit ni Hermosa sa kanya.

Unti- unti nang nawawala ang ibabang bahagi ng katawan ni Ascella, hawak- hawak nya pa rin si Galatea habang ito'y tuwang- tuwa sa nakikitang kulay asul na abong nawawala sa katawan ni Ascella.

" Bilang gantimpala, binabasbasan ko kayong magkaroon ng sariling anak na m-makakasama ni Galatea. Alagaan nyo si Galatea ng mabuti, ipinagkakatiwala namin siya sa inyo. " huling sambit nito na nakapagpamaang sa amin ni Hermosa.

Tuluyan nang nawala si Ascella kasama ang asul na abo, nakalutang si Galatea at unti- unting lumalapit sa pwesto namin. Nang hindi nakatiis ay ako na ang lumapit sa kanya at marahan syang kinarga, nanlalaki ang mga mata dahil sa huling inusal ni Ascella.

Gulat man ay tuluyan na kaming lumabas ni Hermosa sa silid na iyon. Nang nasa labas na kami ng pintuan ay hindi makapaniwalang nagkatitigan kami.

" L-lando... "

" H-hermosa... "

Maluha- luhang napahawak sa tiyan nya si Hermosa, " T- totoo ba ang sinabi ni Ascella? Binasbasan n-ya tayo para magkaroon ng a-anak? " pumipiyok na tanong nya sa akin. Marahan ko syang tinanguan, naluluha na rin dahil sa magandang balita.

" nak... Nananana? " patanong na tonong sambit ni Gatalea, napatingin naman ako sakanya at hindi na napigilang mapahalakhak.

" Narinig mo 'yun anak? Magkakaroon ka ng kapatid?! Hahaha! Napakasaya! Napaka swerte talaga namin dahil sa pagdating mo sa buhay ko mahal kong Galatea! " natutuwang sambit ko sakanya.

Kitang- kita ko ang pagkislap ng mata ng anak ko, kitang- kita ko ang saya! Pumalakpak pa ito at tumalon- talon sa aking pagkakakarga. " nak dadadadatey! Naak! " bulol na sambit na naman nya.

Napatingin ako kay Hermosa na ngayon ay lumuluha dahil sa saya, kinuha nito sa akin si Galatea at marahang hinalikan sa noo at tuktok ng ilong.

" Galatea, mahal ko. Isa kang malaaking biyaya sa amin ni dada mo. Mahal na mahal ka namin anak. " malambing na sambit nito kay Galatea, kitang- kita ang pagmamahal para sa bata.

" Lando mahal ko,tara na! Baka masyado ng malamigan si Galatea dito at magkasakit pa. " anyaya nito sa amin, kaya inakbayan ko sya saka kami nagsimula ulit na maglakad.

" Mamayang tanghali kapag napatulog na natin si Galatea ah? " pilyong saad ko dito saka sya kinagat sa tuktok ng tainga nya, napaigtad naman sya sa aking ginawa.

Kita ko ang pamumula ng pisnge nito nang tumingin sa akin. " M-manahimik ka Lando! Magtigil ka! " banta nito sa akin kahit halatang- halata ang pamumula ng pisnge nito.

Napatawa ako, " Bakit? Wala naman akong sinasabi ah? Sabi ko lang, mamayang tanghali kakain tayo... " pabitin na sabi ko habang nakangisi, nilingon naman nya ako saka ako hinampas sa braso.

Ngingisi- ngisi akong napailag. " Lando! Ano ka ba! " suway nito sa akin pero tumawa lang ako ng mahina.

" Bakit? Mamayang tanghali kakain tayo... Ng pananghalian! Ano bang iniisip mo? Hahaha! " tatawa- tawang paninisi ko sa kanya.

Isinandal nya naman sa sarili si Galatea saka inilipat ang kamay sa aking tainga bago iyon pinitik ng malakas. " Aray! Bakit ba? " sita ko sakanya sabay nguso habang nakahawak sa aking taingang pinitik nya.

" Kung ano- anong pinagsasasabi mo! Manahimik ka na nga dyan! " inis na talagang suway nya sa akin kaya nanahimik na lang ako pero may ngisi pa rin sa labi.

Sus! Akala mo naman hindi pa namin iyon nagawa! Painosente ang Hermosa ko.

Nasa may bungad na kami ng ospital nang may mapansin ako. Sa harap ng ospital ay magkakahilerang nakaupo ang mg aso't pusa ng mga kapit- bahay namin. Lahat sila ay nakatingin sa entrada ng ospital.

Nang makita kami ay kaagad na nagsitahulan ang mga aso, nagsimula namang mag ngiyawan ang mga pusa sa hindi namin malamang dahilan.

Sumeryoso ako at napatingin kay Hermosa na ngayon ay nakatingin na din sa amin.

Lumapit ang mga guard ng ospital sa mga hayop na ito ngunit hindi rin nakalapir dahil sa pag- angil ng mga ito sa kanila.


Hindi ako makagalaw sa gulat, maski makapagsalita ay hindi ko magawa ganoon din si Hermosa.


" Hinyehehehe.... Acho? Acho? " punapalakpak- palakpak na ani Galatea, nakangiting nakatingin sa mga aso't pusa sa aming harapan.


Nilingon ko sya at hinawakan sa ulo bago ngumiti sa kanya. " Oo, malamang ay ikaw na naman ang dahilan 'nyan kung bakit sila nagsisikahulan. " mahinang sambit ko sa kanya, lumingon naman sa akin si Hermosa na mayroong mapaniguradong tingin.

" Sa tingin mo mahal? Kakaiba talaga, isa siyang biyaya sa atin. Tignan mo nga naman, at pati ang mga hayop ay napapaamo nya. " manghang saad ni Hermosa nang ilipat nya ang tingin sa mga hayop na hanggang ngayon ay nag- iingay pa rin.


Hinawakan ko si Hermosa sa likod at marahan syang itinulak.


" Tara na, paniguradong susunod naman ang mga hayop na iyan sa atin. " anyaya ko sa kaniya, tinanguan nya naman ako saka nginitian. Ginantihan ko rin iyon ng isang matamis na ngiti saka ko sya hinalikan sa gilid ng ulo.



Nang tuluyang makalabas ng ospital ay nilapitan ko muna ang mga guard na nasa gilid ng mga aso't pusa dahil sa kawalan nila ng magagawa para mapaalis ang mga ito.

" Mga pare pasensya na, ako na ang bahala sa mga hayop na ito. Mga alaga namin sila at sinundan kami marahil dahil dinala ko dito ang aking anak. Pasensya na. " paghingi ko sa kanila ng paumanhin.



Tinignan naman nila ako saka marahan na tumango bago itinuro ang kani- kanilang pwesto sa trabaho para bumalik na sa pagbabantay.



" Sige boss, mauna na kami. " paalam ng mga ito sa akin na tinanguan ko na lamang saka ako naglakad pabalik sa tricycle namin.

Naabutan ko namang nandoon na si Galatea at Hermosa. Tulog na ang aming anak sa mga bisig ni Hermosa at marahan itong inihehele.


Sumakay na ako sa motor saka iton pinaandar. Tumingin naman ako sa likuran para malaman kung sumunod nga ba ang mga aso at pusa. Nang makasiguradong oo ay dinahan- dahan ko ang pagpapaandar para ligtas kaming makarating sa aming bahay ng kumpleto.



' Pakiramdam ko ay ang nakasakay sa tricyle na ito ay anak ng presidente, ang daming body guard. '


Natawa na lamang ako sa naisip ko...




*****




Disney Series #5: Beauty Of The NeedleWhere stories live. Discover now