Chapter 33: Encounter

Start from the beginning
                                    

"Grabe! Kailangan ko yata ng isang linggong pahinga." Si Luna.

"True ka diyan Lunabels, gusto ko matulog buong linggo. Nakakapagod yung trip na yon. Okay lang lahit hindi muna umawra!" Natawa naman ako kay Gabby. Matagal ko na siyang kilala dahil kaibigan rin siya ni Luna nung high school pero hindi kami gaanong naging close dahil nasa kabilang section siya.

Kung lalake itong si Gabby ay siguro tinutukso ko na sila ni Luna sa sobrang close nila. Gwapo kasi si Gabby, matalino at mabait rin. Hindi mo mahahalata sa itsurang may puso siyang babae. Lalake pa rin manamit at pormadong-pormado.

"Pano yan kung magtatrabaho ka na?" Tanong ko sabay lingon kay Luna.

"Eh wala pa ngang makitang trabaho. Ang baba nung sweldo ron sa mga shop saka gusto full time." Ngumiwi siya saka ininom yung strawberry frappe niya.

"May alam ako Lunabels, bagay ka don." Natatawang sabi ni Gabby.

"Asan naman? Oy Martinez, hindi ako nagbebenta ng katawan ah."

"Gaga, hindi ka pwede ron. Tignan mo naman bilbil mo. Iba to, may pinsan akong naghahanap ng tutor ng anak niya. Kaso nga lang tuwing Sabado tas tatlong oras lang kaya paniguradong hindi ganun kalakohan ang sweldo."

Napabuntong hininga naman si Luna at tinitgan si Gabby. "Oh sige na nga, papatusin ko na yang pag tutor, kailangan ko talaga eh."

"Oh sige, sabihan ko ang pinsan ko."

"At saka ka magtrabaho dito sa cafe." Biglang singit ko at lumingon naman sila sa akin. "Simula next week, papasok ka na rito sa Cafe Avenue Luna, mas mataas ang sahod nila rito kumpara ron sa dati mong trabaho."

Nanlaki ang mata ni Luna. "Ha? Joke ba yan? Wag ka nga!"

"Oo nga kulit. Basta itetext ko nalang sayo yung detalye mamaya."

"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya, tumango ako at bigla niya akong niyakap. "The best ka talagang pasaway ka!" Aniya at hinalikan ako sa pisngi.

"Oh bongga! Andami mo raket Lunabels."

"At iyon ay dahil sa inyo. La sige magorder pa kayo sagot ko." Utos ni Luna kaya natawa naman kami. "Teka paano pala ako natanggap rito?" Hindi ako agad nakasagot.

Ang totoo niyan ay nagkausap kami ni Ely bago yung trip. Pinakiusapan ko siya kung pwede niyang ipasok si Luna sa cafe, pumayag naman siya at sinabing siya na raw bahala magpasok kay Luna.

"M-malalaman mo rin next week."

"Ay pasuspense ang tita niyo. Baka may kapit tong kaibigan mo kaya ka natanggap."

"Hahaha wala akong paki. Basta salamat talaga sa inyong dalawa. Umorder na kayo at sagot ko." Tinawag niya yung waiter at agad na nagorder.

Kung anu-ano pa ang napagkwentuhan namin. Paano ba naman ay andami naming inorder. Natawa nga ako sa huli dahil umabot ng isang libo ang bill ni Luna. Agad siyang nagsisi na nilibre pa raw niya kami.

***

Pagdating sa bahay ay si Manang Ging lang nadatnan ko. Wala pa si mommy at daddy. Si Kuya ay malamang ay kasama ang mga barkada. niya.

"Anong oras po uuwi sila mommy?

"Naku hija, kakatawag lang ng mommy mo at parating na raw sila. Magbihis ka na muna."

Agad akong nagtungo sa kwarto at nagbihis, bumalik ako sa sala at napansin ang dalawang plane tickets na nakapatong sa side tables.

"Manang?"

"Ano yon hija?"

"Para saan po ang tickets na'to?"

"Basahin mo nalang hija nang malaman mo." Wika ni manang at natawa pa ito.

"Kayo talaga Manang. Nagulat lang kasi ako. Bakit may tickets rito." Agad kong binuksan ang mga nakatuping papel at binasa iyon. "Aalis sila mommy at daddy? Biglaan naman yata."

"Baka may kinalaman sa negosyo niyo hija."

"Pero hindi naman po sumasama si mommy sa mga lakad na may kinalaman sa negosyo. Laging sila tito ang kasama ni daddy na nagaasikaso ng mga yon."

"Aba malay ko hija. Hindi naman nila sa akin sinabi. Mabuti pa ay antayin mo nalang ang mommy mo." Aniya at tumalikod. Napangiwi naman ako. Gino-goodtime yata ako ni Manang.

Pagkarating nila mommy ay agad ko siya tinanong. Pupunta raw sila ng Cebu dahil may aasikasuhin silang mahalagang bagay. Wala silang sinabi kung tungkol saan yon.

"Bukas ay maaga ang flight namin. Wala ka namang pasok bukas hanggang weekends kaya yayain mo nalang ang mga kaibigan mo na mag-overnight." Wika ni mommy

"Pwede naman ako sumama mommy, limang araw kaming walang pasok."

Nilapitan ako ni mommy at niyakap. "Baby, saglit lang naman kami ron. Saka hindi naman kami magbabakasyon ng daddy mo."

Kung saglit lang sila bakit ayaw nila ako isama? Wala naman akong balak maging pabigat.

"Kung hindi kayo pupunta ron para magbakasyon o para sa negosyo. Ano naman pong gagawin niyo?"

Hindi agad nakasagot si mommy. Biglang sumulpot si daddy at naupo sa sofa.

"Anak, wag ka nang makulit. Maghohoneymoon lang kami ng mommy mo." Aniya sabay kindat kay mommy. Ngumuso naman ako. Gusto kong magtampo pero masyado naman yatang childish ang gagawin ko.

Wala ring narating ang pagpupumilit ko. Kaya minabuti kong magpahinga nalang sa kwarto. Binabagabang pa rin ako sa isiping napapadalas yata ang pagsisikreto nila mommy sa akin
Alam kong mali pero minsan talaga hindi ko mapigilan ang maghinala.

Their Chasing SoulsWhere stories live. Discover now