Chapter 2

218 14 2
                                    

A/N: no re-read so please expect wrong grammar and spellings thank you!
Sorry now lang naka update, busy sa schoolworks e hehe.
-----------------------------------------------------------
New home, new life.

Sachi's POV

"Bilisan mo na dyan amora, aalis na tayo" sigaw ni kuya mula sa baba.

"Oo na, tsaka wag nyo na kong tawaging amora, ang pangit pakinggan" may halong inis na sabi ko.

"Whatever, bilis na! Apaka kupad mo!" May halong inis nanaman na sigaw nya.

"Oo na nga eto na oh!" Agad akong bumaba dahil nafefeel ko nanaman ang nakakatakot na awra ng kapatid kong may pasan pasan na daigdig.

Nailagay ko na lahat ng gamit ko sa van at handa na kaming umalis.

Pasakay na ko nang may tumawag sa'kin.

"Sachi!" Si Megan.

"Sakay na,wala nang oras para magkwentuhan. Hayaan mo na sya dyan." Gustuhin ko mang umangal ay hindi ko magawa. Nagkunwari nalang akong hindi ko sya narinig at sumakay na sa van.

-----------------------

"Amora, dugo, ang daming dugo" Ayan nanaman sila, sino ba kayo ha?

"Ang sakit ng ulo ko"
"I'm sorry amora, hindi ko sinasadyang maitulak ka"
"Lumayo ka sa'kin! Sinaktan mo ko, hindi na tayo bati!"
"AAHHHHHHH"

nagising ako nang maramdaman ko ang pag ugoy ni kuya.

"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong nya.

Tumango nalang ako at hindi na sinabi sa kanila ang napanaginipan.

Sino kayo? Bakit kayo nagpapakita sa panaginip ko? Anong connection ko sa inyo?

Halo halo ang tanong sa utak ko dahil sa mga nangyayari sa'kin simula nung makita ko yung picture. Sana matigil na to.

Ilang oras din kaming bumyahe papuntang maynila. Nakarating kami mag gagabi na kaya sobrang pagod ang naramdaman ko.

"Oh, sachi, ibaba mo na mga gamit mo at ipasok mo na sa bahay" utos ni kuya.

Maganda naman yung bahay, hindi ganon kalaki pero hindi din ganon ka liit, sakto lang para sa amin.

Agad akong pumasok at tinanong kung saan ang kwarto ko. Tinuro sa'kin ni mama at agad akong nagpunta dun. Pintuan pa lang alam ko nang ayaw ko dito sa kwartong ito.

Pink ang pinto at pader ng kwarto ko,ayoko pa naman ng pink, bakit kaya eto pa? Pwede naman puti at blue nalang masyadong girly tignan ang kwarto ko.

May pa hello kitty pa, tsk ano ako? Bata? Alam ko namang may Ibang matanda din ang gusto ang hello kitty pero hindi ako tsk!

Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko sa kabinet matapos kong usisain ang kwarto ko. Makabili nga ng pang decorate dito. Habang nagaayos ako may napansin ako, yung box na maliit na may pictures, nadala ko. Pero paano? Wala naman akong matandaan na dinala ko yan.

Biglang pumasok sa isip ko yung mga nangyare nung gabing yon, nung nawalan pala ako ng malay nahulog doon yung box at si kuya na ang nag zipper ng maleta ko kaya di ko napansin. Ano ba yan hanggang dito ba naman?

Dahil sa kuryosidad ko, binuksan ko yung box para matignan maigi yung mga pictures. Luma na nga talaga ito at may punit na, pero palaisipan pa din sa'kin kung sino ang mga batang iyon. Ano kaya connection nila sa'kin?

Tinabi ko na ang kahon at tinapos na ang pag aayos ng gamit ko nang marinig si kuya na tinatawag na ko para kumain. Yes pagkain nanaman!

----------------------

Natapos kaming kumain at maghugas na ko ng pinagkainan.

"Ah,sachi. Gumising ka ng maaga bukas ha, ieenroll ka na namin as Bago mong school. " Sabi ni Kuya habang naghuhugas ako.

" Sige Kuya" walang gana kong sagot.

Hays,ano naman kayang kapalaran ang naghihintay sakin sa school na yon. Sana malayo na ko sa away at maging matiwasay na ang buhay ko dito.

New sachi na nga ba?

🥚🥚🥚🥚🥚🥚🥚

Fix YouWhere stories live. Discover now