Chapter 1

665 18 4
                                    

A/N: read at your own risk. May mga maseselan itong salita kaya sana hindi kayo maoffend.

Sorry if may wrong grammar at spelling hehehehe. Tao din ako(di lang halata) nagkakamali din.

Leaving.

Sachi's POV

"GAGO pre, masyadong malakas 'to" sigaw ng isang lalaking kaaway ko sa kasama nya.

"Bobo mo naman, babae lang yan oh!" Galit na sigaw nya naman sa kasama nya.

Habang nagaaway sila kinuha ko na ang pagkakataon at sinapak sila bigla. Tumumba ang isa habang hawak ang bibig at ilong nyang dumudugo dahil sa tindi ng naging suntok ko.

Aatakihin na sana ako ng lalaking nasa harap ko pero pinigilan ko na sya agad.

Pagkatumba nya agad akong umalis dahil narinig ko na ang mga tanod na tinatawag kami.

"Shit." Bulong ko sa sarili ng makita sila. Habol habol ko ang hininga matapos makipag away at tumakbo pabalik sa bahay.

Pagkapasok ko, nakita ko ang mabilis na pagtayo ni mama para tignan ang mukha ko.

"Amora! Anak anong nangyari sa mukha mo" Tawag ni mama na ikinainis ko.

"Sachi!hindi amora at wag na wag mo kong tatawagin sa pangalan na yan isa pa, wag mo din akong tawagin na anak dahil matagal nang patay ang mama ko at kahit kelan hinding hindi kita matatanggap dahil wala kang kwen-." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nya kong sinampal sa mukha na naging dahilan nang pagtumba ko. Ang hapdi at nagsisimula na syang mamula.

" A-anak-" akma nya kong hahawakan pero lumayo ako. Agad akong tumakbo sa kwarto ko at hinayaan na sya.

Bwisit! Napaaway na nga ko sa labas pati pala dito sa letcheng bahay na to!.

Agad akong dumeretso sa banyo at naglinis ng sarili. Napadaing ako bigla ng mahawakan ko ang sugat ko.

"Bwisit na mga tambay yon!" Inis na sabi ko.

Natapos ako maligo at agad na hinanap ang cellphone ko. Nang makita ko yon agad kong binuksan at Tinignan ang mga messages.

"Babalikan kita"

"Tangina mo,di pa tayo tapos"

"Kababae mong tao, feeling mo napakalakas mo"

"Humanda ka sa'kin"

Ilan lang yan sa mga nabasa kong messages mula sa mga nakaaway ko. Walang araw ang lumampas na wala akong nakaaway.

Patulog na sana ako nang biglang may magchat ulit sa'kin.

Si Megan.

Ganon nalang ang ngiti ko nang makita ko ang pangalan nya. Agad kong binuksan yun para tignan ang message nya.

Megan
"Kamusta?"
ako
"Okay lang,
medyo napaaway lang."
Megan
" Balita ko aalis ka na daw ha."
ako
"Ha? Bakit naman,
hindi ako aalis,
hindi kita iiwan."

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ko. Ngunit nawala agad yon dahil sa sunod na sinabi nya.

Megan
"Alam mo namang
hanggang pagkakaibigan
lang ang kaya ko diba?.
Straight ako, at hindi ako
Napatol sa kapwa babae ko."

Fix YouWhere stories live. Discover now