Kabanata 10

1.7K 111 32
                                    

Kabanata 10: Unknown

I was standing in front of my mini glass board. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga litrato ng biktima nitong mga nakaraang araw.

•Arabella Gajez (18 yrs. old)
  -homicide and rape victim
  -time of death: around 2:30-3:00 AM
  -cause of death: stabbed from different parts of the body (13 stabs)
  -Last seen: Luna Street
  -Crime scene: Field (Canal)

•Franco Aguirre (23 yrs. old)
  -homicide
  -time of death: 2:45-3:05 AM
  -cause of death: stabbed (Neck, back and chest)
  -Last seen: A/N
  -Crime scene: Field

•Ella Naranjo (20 yrs. old)
  -homicide
  -time of death: around 2:30-3:00 AM
  -cause of death: stabbed in her neck and chest (powder of strychnine)
  -last seen: at the bar
  -crime scene: bar (last cubicle)

•Timothy Areno (25 yrs. old)
  -homicide
  -time of death: around 2:50-3:15 AM
  -cause of death: stabbed from different parts of the body
  -last seen: field
  -crime scene: field

No fingerprints, fibre, hair, and murder weapon has found. All of the victims found with their hands and feet are tied and their faces covered with their own undies. Lahat din ay namatay sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan.

Rain. The only clue we have. That's it!

"Wala ka pa ring makukuhang ebidensya kahit titigan mo 'yan hanggang bukas."

Hindi ko napansin na nasa loob na pala ng kwarto ko si Morill. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang nakahalukipkip.

"Tignan mo itong si Ms. Naranjo at si Mr. Areno, parehas sila ng araw ng pagkamatay. Nauna lang si Ms. Naranjo ng ilang minuto." I looked at her. "Posible kayang nasa bar ang salarin?"

She shrugged. "Pwede rin. Ang sabi rin kasi sa akin ni Readen kanina, nagkaroon daw ng ilang minutong blackout sa loob ng bar around 2:30-3:00 AM."

Tumango ako. "Tama! Sa ilang minutong pag-off ng mga ilaw because of electrical failure, nagawa ng suspek ang plano niyang pagpatay kay Ms. Naranjo. At posible ring pagkatapos niyang patayin si Ms. Naranjo ay nagtungo na siya sa palayan para patayin din si Mr. Areno."

She smiled. "Let's sleep then. Kailangan nating agahan bukas."

Kinabukasan, wala pa ang tatlo nang dumating kami sa Police Station. Wala pa rin si Lieutenant Siergel kaya minabuti namin ni Morill na dumito muna at hintayin ang tatlo na parating na raw ayon kay Morill.

"Pwede naman siguro nating malaman kung ilang sentimetro ang lapad nung ginamit na patalim base sa mga sugat na natamo bg biktima, hindi ba?" Tanong ko kay Morill na seryosong nakatingin sa folder na hawak niya.

She nodded her head vertically. "Pwede." Maikling sagot nito.

"Hello, mga naggagandahang dilag!" Sigaw ni Alken na kararating lang kasama si Readen.

"Nasaan 'yung isa?" Taas kilay na tanong ni Morill.

"Ba't mo pa hahanapin kung andito naman ako?" Banat ni Alken kaya natawa ako nang bahagya.

Napailing si Morill bago matalim na tumingin sa akin kaya napatikhim ako.

"Hindi ko naman siya hahanapin kung nandito siya. Tsk." Mataray na sambit ni Morill.

"Ampanget kasi ng banat mo, Alken!" Tatawa-tawang sambit ni Readen kay Alken na ngayon ay iiling-iling na lang.

"Hello, Team Katuka!" Rinig naming sigaw ni Tellez at umupo na sa tabi ni Readen.

At talagang pinanindigan na niya ang pagtawag sa amin na team katuka? Geez.

"Kailangan niyong makahingi ng list of customer sa bar nung nagpunta tayo. May record book naman sila do'n kaya hindi na kayo mahihirapan." Utos ni Morill. "And do some research about them."

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon