"Bakit?" tanong ko dahil nakangiti ito na parang baliw.



"Thank you, Avrielle..." anito.



Nagulat ako sa pagyakap nito sa akin sabay halik sa noo ko. Halos pigilan ko na ang hininga ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sana hindi niya marinig kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko para sa kaniya.



"W-wala 'yon..." pilit na ngiting sabi ko.



"Tara?"



"Saan? Kakagising ko lang," sagot ko.



"I'll wait you downstairs. May mga damit ka naman dito. This is my first day of moving on, right?" he said, smiling, still the sadness in his eyes is there.



Tumango na lang ako at bumangon at pumasok sa banyo upang maligo. Nagsuot lang ako ng simpleng dress at flat shoes. Naglagay din ako ng light make up para hindi niya mahalata ang namumugto ko na mga mata. Magdamag kasi ako umiiyak at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagod.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang makababa ako.



Kinuha niya ang kamay ko at hinatak palabas. Hindi man lang ako sinagot tss.



"Gusto ko magsaya. You'll help me, Avrielle." he said and pressed my hand harder.



I gulped. I secretly touched my chest.



Pumunta kami sa may mall na malapit dito. Maraming tao at marami rin mga babae ang nakatingin kay Val na ikinainis ko. Pero ang loko mukhang gusto pa ata. Kung diyan siya masaya at mabilis makaka-move on, eh 'di fine!



Kumain muna kami bago maglaro sa arcade. Buong paglalaro namin tawa lamang siya ng tawa dahil palagi raw ako talo. Paano ba naman ako mananalo kung hindi ko alam ang mga nilalaro namin?



Sunod na pinuntahan namin ay ang karaoke. Gusto niya raw kumanta. Pumayag na lang ako dahil alam ko na kailangan niya 'yon.



Pinapanood ko lamang si Val na kumakanta hanggang sa napaupo na lang ito sa sahig at umiyak. Nilapitan ko agad siya at niyakap.



Panyo na naman ako sa mata niya. Hindi ako si Avrielle ngayon.



"Hindi pa rin ako makapaniwala na...na wala na kami...wala na ang babaeng mahal ko..na iniwan na niya ako..." he said between his sobs.



Nakinig lang ako. Nababasa na rin ang damit ko.



"God knows how much I love her and how much effort I put in our relationship. But why the hell she need to left me? Why? Kulang pa ba ang ginawa ko? Damn it! Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit. Alam mo 'yon? Gumigising ako sa umaga upang tawagan siya dahil gusto ko boses niya agad ang maririnig ko. Maghahatid ng pagkain sa room nila para masigurado ko lang na hindi siya nalilipasan ng gutom. Inihahatid sa bahay niya para lang maging ligtas siya....pero bakit? Bakit, Shi? Bakit iniwan pa rin niya ako? Boring na ba ako? Naging mahigpit ba ako sa kaniya? Please answer me, para naman maitama ko ang mga mali ko at mabawi ko ulit si Shane.... Please..."



Napaiyak na lang din ako. Hindi dahil sa siwasyon niya ngayon kung hindi para sa sarili ko. Naawa ako sa sarili ko kasi minamahal ko pa rin ang taong may mahal ng iba kahit na kitang-kita ko kung gaano niya ito kamahal.



Tilungan ko siya tumayo para makaupo sa sofa. Pinunasan ko ang luha sa mata niya. Pinikit niya ang mata niya.



"I know you're tired. You can sleep here," mahinang sambit ko.



Gabi na ng makauwi kami ayaw pa sana niya umuwi pero nagpumilit ako dahil pagod na rin ako. Gusto ko magkulong sa k'warto ko at ilabas lahat ng sakit na nasa dibdib ko.



"Good night, Avrielle..."anito sabay halik sa noo ko.



Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.



"G-good night..." sagot ko at patakbo pumasok sa loob ng bahay namin.



Since that day lagi kami lumalabas ni Val. Sinasamahan ko siya sa lahat ng gusto niya kahit na labag minsan sa loob ko. At habang tumatagal ay unti-unti na niya nakakalimutan si Shane.



Bumalik na sa dati ang Val na nakilala ko. Palagi na siya nakangiti at lagi na rin ako inaasar at dahil doon mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko maiwasan isipin na baka may chance na ako kay Val.



Simula noong naghiwalay ang dalawa ni Val hindi na rin pumasok sa school si Shane ang sabi nag-drop out ito. Dahil doon mas nasaktan si Val tapos ako naman handang pagaanin ang loob niya 'wag lang niya maisip na nag-iisa siya.



"Hoy, Avrielle!"



"H-ha?"



"Ano ba iniisip mo? Hindi mo tuloy nakita ang ginawa ko," inis na sabi nito.



"Sorry, may iniisip lang ako," palusot ko.



Ngumisi ito. " Manliligaw mo ba? O crush mo? Hindi ka ba niya mahal kaya ganiyan ka mag-isip? Bwahahahah!" pang-aasar niya.



Tumawa na lang ako sa sinabi nito. Gusto ko sana sabibin sa kaniya na, 'Oo, hindi niya ako mahal dahil hanggang ngayon 'yung ex pa rin niya ang mahal niya.'



"Hindi ah!"



"Sabihin mo lang sa akin ko ang bahala, okay? Tutulungan kita," he said and winked at me.



"Kaya ko na naman," sabi ko na lang.



"Okay. Oo nga pala, nagpaalam na ako kay Mommy at kay Tita na sa bahay ka namin matutulog hehe."



"What?"



"Sa bahay ka matutulog."



"Bakit? Ano me--"


Natigilan ako nang may tumawag sa pangalan ni Val. Nang lingunin namin ito ay halos lumuwa ang mata namin? It was Shane.



"Val?"



"S-shane..." si Val.



Naikuyom ko ang kamao ko sa inis. Bakit kailangan pa niya bumalik kung kailan nakakalimot na si Val?



"Val, let's go!" sabi ko at akmang hahawakan ang braso niya nang iniiwas ito.



"Val ano--"



"Mauna ka na, Avrielle" aniya na ikinagulat ko. Wtf?



"Val, can we talk?" sabi ni Shane.



"Yeah. Doon tayo sa walang tao," sagot ni Val at nauna maglakad.

Last GoodbyeWhere stories live. Discover now