Chapter 11

2.7K 177 43
                                    

(Third Person's POV)

SO far, Morgan enjoyed shopping for the first time. Even though wala naman syang halos ibang ginawa kundi sundan ng tingin si Noam habang pumipili ng mga bibilhin nito. Hindi sya maalam sa pamimili ng mga grocery kaya napapa-angat yung kilay nya kada tumatagal ang lalaki sa pagpili, nagtataka rin sya sa mga reaksyon ng mukha nito na nalulukot, minsan ay ngumingiwi pero madalas ay nakabusangot.

Hanggang sa matapos sila sa pamimili at madilim na nang makabalik sa apartment na tinutuluyan ni Noam ay lukot pa rin yung mukha nito, hindi tuloy sya nakapagpigil at nagsalita na para tanungin ito sa kalagitnaan ng paglalakad nila paakyat ng 2nd floor.

"Did something happened that I'm not aware of?" Anya na ikinalingon ng kasama.

Medyo ngumuso si Noam. "Wala naman."

"Then why do you look so pissed?" Tanong nya tsaka itinuro yung mukha ng lalaki. "You keep on making that cute annoyed face. I'm confused."

Natawa ito sa sinabi nyang yon tsaka bahagyang umiling, sya naman ay nakatitig pa rin dito-well, lagi naman.

"Medyo naiinis lang ako."

"About what?"

Saglit na nag-isip si Noam, pinag-iisipan kung sasabihin ba kay Morgan o hindi yung bagay na kinaiinisan nya.

Actually, gusto nyang sarilinin pero hindi nya kasi alam na nakabusangot pala sya kaya wala syang choice kundi ang sabihin sa babae kung ano bang dahilan ng pagkakalukot ng mukha nya.

"Hindi mo ba napansin yung presyo ng mga bilhin kanina sa grocery? Parang nasobrahan sa taas yung patong nila, napakamahal." Panimula nya tsaka muling lumitaw yung inis sa mukha nya. "Alam ko naman na nagtaasan na talaga yung bilihin pero sobra naman yata yung sa kanila? Hindi rin lahat ng products ay maganda, yung ibang fruits at vegetables hindi maganda yung quality. Mas maganda at mas mura pa kung sa palengke tayo namili."

Natigilan ito. "You're annoyed... because of the overpriced products?" Naninigurong anya ng kausap, nasa pagdududa nito ang tono.

"Oo." Bumaling sya ng tingin dito. "Hindi ka ba naiinis? Nakakainis kaya yon, inayos man lang sana nila yung packaging nung produkto para worth the price, diba? Nakakainis."

"Y-yeah, I think so too." Pilit nitong sagot tsaka ang-iwas ng tingin habang nakakunot ang noo.

Makailang beses kumurap-kurap si Morgan, hindi nya alam kung ano bang dapat nyang sabihin dahil hindi iyon ang inaasahan nyang dahilan ng pagkakasimangot nito.

She was expecting a good and sensible reason. Hindi naman nya sinasabing nonsense yung ikinasisimangot ng lalaki, it's just that... she's expecting for something much more... serious.

Isang bagay na nalaman nya tungkol sa lalaki-matipid ito at masinop sa paghawak ng pera. Hindi ito basta-basta gumagastos pwera nalang kung kailangan talaga, he's always looking for the cheapest yet the best product. Napansin na nya ito mula pa noong unang beses na kumain sila sa restaurant ni Theo and she thought that Noam is just like that because it's his first time eating on a fancy restaurant, yun pala ay talagang matipid lang ang binata base sa pag-o-obserba nya rito kanina habang namimili.

Nang makarating sa tinutuluyan nito ay una syang pinapasok ni Noam. Inilagay nila sa mesa yung plastic ng mga pinamili nila tsaka sya nito hinatak paupo sa isang sofa, medyo maliit lang yon at halos tatlong tao lang ang kasya. Yun lang ang pwedeng upuan na meron sa maliit na sala bukod sa isang pares ng upuan na nasa kusina para sa hapag kainan.

"Dito ka muna, Morgan. Pasensya na hindi gaanong kalakihan yung tinutuluyan ko." Natawa ito habang kinakamot ang ulo. "Saglit lang ah? Kukunin ko lang yung mga sinampay ko, baka kasi makalimutan ko mamaya."

Vixen 3: The Abused (RAW)Where stories live. Discover now