10

45K 1.2K 260
                                    

AGNELLA TELESE

Sinundan ko lang ng tingin si Alessandro nang mapadaan siya sa harapan ko habang may pasan siyang mga kahoy sa kanyang kanang balikat.

Tagaktak na rin ang pawis niya, pero ilang oras na niya akong hindi kinakausap. Hindi ko alam kung sadya bang abala siya sa pagsisibak ng kahoy o baka naman ayaw niya talaga akong pansinin. Hindi ko talaga siya maintindihan, minsan talaga ay may topak siya.

"Kumusta kayo rito, girls?" tanong ni Clark na lumapit sa gawi namin.

"Okay lang naman kami dito, matatapos na rin kami sa paghihiwa ng mga gulay," sagot ni Thalia sa pinsan niya.

"Gusto mo ba ng tubig?" alok ko kay Clark dahil halatang pagod na siya.

Kanina pa kasi sila sa ginagawa nila. Umakyat pa sila sa bubong nina Lola Sheila dahil may pinakuha yata doon si Lolo Esfano. Ngumiti si Clark at lumapit sa akin.

"Buti pa itong si Agnella, inaalok ako," aniya na parang nagpaparinig sa mga pinsan niyang babae kaya natawa ako.

Inabutan ko lang siya ng tubig. Gano'n din ang ginawa ko kina Kylier nang lumapit sila sa amin. Napatingin ako kay Sua na nasa harapan ko lang, umiinom din kasi siya ng tubig pero bigla na lang siyang nasamid.

"Dahan-dahan lang kasi sa pag-inom," natatawa kong sabi. Pinunasan niya ang gilid ng labi niya at pinanlakihan niya ako ng mata.

"E, 'yung boyfriend mo wala man lang pasabi! Bigla na lang naghuhubad ng damit," reklamo niya.

Agad kong tiningnan si Ales, halos lumuwa na ang mata ko nang makita kong wala na siyang suot na damit pang-itaas. Malaki ang kanyang katawan at meron din siyang mga abs. Parang hinulma ng magaling na iskultor ang katawan niya.

Bakit ang seksi at hot niya?

Lumapit siya sa akin habang nakatitig ng diresto sa aking mata. Parang inaakit niya ako sa paraan ng tingin niya.

"Kumusta ang paghihiwa n'yo ng mga gulay?" malumanay niyang tanong sa akin.

Pumulupot ang kamay niya sa bewang ko bago niya ako hapitin. Kinantilan niya pa ng halik ang pisngi ko. Pawisan siya pero mabango pa rin at nanatiling gwapo.

"Okay lang naman," sagot ko habang pinapasadahan ko ng tingin ang tumutulong pawis mula sa matipuno niyang dibdib pababa sa anim niyang matigas na pandesal.

Nagitla ako nang kunin niya ang kamay ko at nilagay iyon sa kanyang tiyan. Ramdam ng palad ko kung gaano katigas ang abs niya. Wala na yata ako sa tamang pag-iisip dahil hinaplos ko pa ito ng dahan-dahan.

Umangat ang tingin ko kay Alessandro, mariin siyang nakatitig sa akin habang kagat niya ang ibabang labi niya. Ano ba ang nangyayari sa akin? Tinutukso ba niya ako? I should be the one to seduce him, pero bakit ako 'yung naaakit?

Ngumiti siya at nilapit ang kanyang mukha sa aking tenga.

"Pwede rin po ba akong makahingi ng tubig, aking magandang binibini?" bulong niya.

Napalunok pa ako nang halikan niya ang tenga ko papunta sa aking pisngi. Ramdam ko rin ang pagkabog nitong puso ko sa hindi ko malaman kung bakit.

Bahagya muna akong lumayo sa kanya para malagyan ko na ng tubig 'yung baso. Binigay ko agad ito sa kanya at ininom niya iyon habang nakatingin sa akin. Nag-iwas lang ako ng tingin bago ko kinuha ang damit niyang nakasampay sa kanyang balikat.

"P...Punasan lang kita."

Nakangiti siyang tumango at tumalikod kaya pinunasan ko ang pawis niya sa kanyang likod. Bakit ko ba ginagawa ito? Bakit ako nagpapaka-girlfriend sa kanya? Hindi ko na rin talaga maintindihan ang sarili ko.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Where stories live. Discover now