9

39.2K 1K 176
                                    

AGNELLA TELESE

Lumabas ang tatlong babae. Agad nilang niyakap ang dalawa kong pinsan. Si Bryant ay lumabas na rin pero may kasama na siyang tatlong lalaki na kapwa may mga itsura. Tumingin silang lahat sa akin nang mapansin nila ang presensya ko.

"Sino siya, Carina?" nakangiting tanong ng isang babae. Nakangiti silang lahat sa akin kaya ngumiti lang din ako sa kanila.

"Kaya kami nandito ay para ipakilala sa inyo ang pinsan namin na kagagaling lang sa Washington," nakangiting panimula ni Carina sabay akbay sa akin.

"Guys, siya si Agnella."

Masaya akong kinawayan ng tatlong babae. Mukha naman silang mababait.

"Galing ka rin palang Washington?" tanong ng isang babae bago niya inilahad sa harapan ko ang kanan niyang kamay.

"Ako pala si Renesmee. 'Yung kuya ko kasi galing din siyang Washington. Nandito rin kami para magbakasyon," saad niya. Maagap akong nakipag kamay sa kanya. Maganda siya, and she looks nice. Bagay sa kanya ang pangalan niya.

"Nandito rin ako para magbakasyon," sagot ko. "Nice to meet you, Renesmee."

"Ako pala si Sua, but you look familiar, eh. Nagkita na ba tayo somewhere?" salita ng babae na maikli ang buhok. Siya 'yung nagtanong kanina kung sino ako.

"I'm sorry but you're not familiar to me so maybe ngayon lang tayo nagkita," I replied.

Nag-isip pa siya ng malalim kaya nagsimula na ring magpakilala sa akin ang iba.

"Call me Edward," pakilala ng lalaking gwapo at medyo singkit ang mata.

Nginitian ako ng babaeng kulot. "I'm Thalia," pakilala niya.

"Ako naman si Dylan, ang pinakagwapo sa kanilang lahat." Binatukan tuloy siya ni Sua.

"Aray naman, ate. Sumbong kita kay mama, eh!" nakabusangot na sabi ni Dylan, masama pa siyang nakatingin kay Sua. Mukhang magkapatid sila, halata naman dahil medyo magkamukha silang dalawa.

"E 'di sumbong mo. Samahan pa kita, eh," maangas na sagot ni Sua kaya natawa na lang ang iba.

"I'm Clark," pakilala ng isang lalaki at nilahad din ang kanyang kamay sa harapan ko. Hinawakan ko ito para makipag-shake hands pero nagulat ako ng halikan niya ang likuran ng palad ko.

"Ikaw pala ang pinag-uusapan dito sa baryo namin. And they are right, maganda ka nga," nakangiti pa na sabi ni Clark. Hinatak siya ni Edward kaya nabitiwan na niya ang kamay ko.

"Tigil-tigilan mo 'yang kalandian mo, Clark. Never magkakagusto ang diyosa sa mukhang tigang na palaka," saway ni Thalia.

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo." sagot niya kaya napailing na lang ng ulo ang iba. Halatang playboy itong si Clark.

"Ako naman si Bryant, ang pinakamatanda sa aming magpipinsan," salita ng crush ni Carina. "You can call me kuya if you want," he added.

"Sige po, Kuya Bryant," I answered and gave Carina a silly smile. Namumula na ang mukha niya at palihim pa niya akong siniko, palibhasa kasi ay tisay ang pinsan kong 'to.

"Nasaan pala si Kuya Kylier? Sayang kung hindi niya makilala si Ate Agnella," wika ni Renesmee.

"Umalis siya kagabi. Nagpaalam siya na mag-o-overnight kina Xander," sagot ni Kuya Bryant.

Napatingin kaming lahat sa motorbike na biglang huminto sa tapat ng bahay nila.

"Nandiyan na pala siya," ani Kuya Bryant.

Tiningnan ko ang kawasaki motorbike. Bakit parang pamilyar sa akin iyon? Tinanggal ng lalaki 'yung helmet niya bago siya bumaba sa motor. Doon ko lang naalala kung saan ko nakita ang motorbike. Siya ang nakita ko kahapon, 'yung lalaking cool.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Where stories live. Discover now