"Ay teka lang!" May kinuha siyang paperbag sa ilalim ng christmas tree at iniabot yun sa akin. "Ayan na yung bago mong phone."

Haay, Tiffany.. Paanong hindi kita mamimiss kung ganiyan ka sa akin?

"Thank you." Niyakap ko ulit siya. "Gotta fly."

Dumaan ako sa backdoor na lalabas sa isang eskinita na tatagos naman sa kabilang kalye. Infairness ah, nakakapagod iexplain. Nagtaxi ako papunta sa Buendia dahil seriously, hindi ko alam kung paano pumunta dun. Tinanong ko pa nga yung taxi driver kung pwedeng ihatid niya ako hanggang Batangas kaso ang mahal ng sinisingil niya!

Siguro alam niyang wala akong alam sa transportation.

Sumakay ako ng bus. Basta, may nakalagay na Batangas, sinakyan ko. Medyo alam ko naman yung daan eh.. Alam ko kung saan ako bababa. Di naman ako ganun katanga, huhu.

Kinuha ko na yung phone ko nung nasa taxi ako so ang ginagawa ko ngayon ay nagbabrowse ng internet. Buti may free na WiFi itong bus. HAHA. Highclass ako eh.

Hay. Wala ba talaga akong kasama magpasko.

Tinabi ko na yung cellphone ko kasi wala rin naman akong magawa sa internet eh. Wala na akong ibang mapuntahan.. Kung hindi Facebook, Twitter naman. Diba? Tinignan ko na lang yung view.

Mag-aalasais na ng gabi. Nakatitig lang ako sa magandang sunset, syempre kasingganda ko ‘to. Hay.. Ang lungkot naman. Tinignan ko yung clouds para maghanap ng shapes kaso ang nakita ko lang ay isang malawak at maitim na ulap. Pakshet, may bagyo pa ata. 

The loneliness in my heart swayed... and swayed.... until my heart fell into a deep sleep.

***

 

"Sige magpakabakla ka, ayos lang. Simula pa naman nung makita kita, yun na ang dahilan kung bakit kita nagustuhan."

Napadilat ako ng magplay ang yung mga salitang yun sa utak ko, pero boses babae. Tumingin ako sa labas.. Gabi na pala~ At umuulan.. Wow, bongga..

Teka! Asan na ako?!!

"Yung mga bababa po ng Alitagtag, dito na lang po. Magshoshortcut po kasi kami dahil may nagbanggaan daw sa may....." blah blah chu chu i don't care !! Kailangan kong pumunta sa resthouse namin, NOW! Ariba ariba!

Saan kaya yung Bauan? Walanghiya bakit ba kasi hindi ko alam.

"Ano ba yan, sayang pamasahe namin." Sabi nung katabi ko, tinignan ko siya para sana sabihan ng buti nga kaso bigla niyang dinala yung bag ko at tumayo na.

"Wait lola!!" Dahil siguro mahina na ang pandinig niya, hindi na niya ako narinig.

Ano ba yan! Kinuha ko yung gamit ni Lola, napagpalit niya kasi eh, so naiwan dito yung bag niya! Aba aba aba. Nakakaasar ‘to ah! Nung tumayo naman ako, nakababa na siya. HALA! Ang bilis!

"LOLA!!" Bumaba na rin ako sa bus at nakita si Lola na sasakay na ng tricycle. "Teka manong!!"

Hindi ko na inisip yung ulan, ang lakas nga eh. Bagyo ata ito!? Lumapit ako dun sa tricycle, buti nalang narinig ako ng driver nun at hindi pa siya umalis.

Sinilip ko yung lola, "Ugh, lola, napagpalit niyo po yung bag natin, eto na po yung sa inyo o."

Nagpasalamat siya at nagsabi ng kung anu-ano. Mabait daw ako. Maganda pa, char! Kinuha ko na yung bag ko tapos umalis na sila. Nagwave pa ako na parang makikita niya naman ako.

Haynako, basang basa na ako ng ulan. Hindi nyo ba alam na umuulan? Hindi ba’t sinabi ko kanina?!

Umikot na ako para sumakay na ulit ng bus at makatulog nalang ulit hanggang sa terminal ng bus. 

Kaso..

Wala na yung bus.

SHET WALA NA YUNG BUS!

UGH!!! WORST DAY!!! Lahat na lang ng nangyayari ngayong araw na ito (bukod sa bagong cellphone) ay malas! *&#@@!@#$ 

Tinignan ko yung mga bahay. Puro nakapatay na yung ilaw, kung meron mang ilaw, sa labas naman. Walanghiya.. Nakakatakot naman dito!!

*swooooooosssh*

Umihip ang malamig na hangin. 

WALANGHIYA!

Luminga-linga ako. Wala yata talaga akong masisilungan! Kung iistimahin, mga apat na oras akong natulog sa bus... dahil all the way, tulog ako.. unless wala ako sa Batangas, pero sabi nung konduktor Aligtagtag eh, Batangas yun.

SO.. almost 10 na??!! Ayokong ilabas yung cellphone ko para tignan. Mababasa.

Pagtingin ko sa kaliwa ko, may isang mapayat na babaeng nakaputi ang nakatitig sa akin, may hawak siyang kutsilyong nabahiran ng dugo ng kung anumang bagay ang pinaggamitan na niyon. Isang ngiti ang ibinigay nya sa akin---- 

WAAA.. Utak ko na naman! Leche tinatakot ko sarili ko. Tumingin ulit ako sa kanan ko at saktong may bahay na nagbukas ng ilaw. ILAW SA LOOB!

Dahil walang sasakyan ay dali-dali akong tumawid at pumunta sa tapat nung bahay na yun. Okay, creepy siya kahit may ilaw.

*swooosh......*

Kaso no choice talaga! Anubah.

"Tao po!" Sumigaw ako sa may gate. "Pwede po bang makisilong?"

*SPPRRRTTZZZZ!!!*

*KKKKKKKKKRRRRRRRRRRGGGGG!!!!*

"AY Putangna!" Kumidlat at Kumulog ng napakalakas. "Pasilong naman po!!!"

Kinalampag ko na yung gate. Desperado na ako, gusto ko ng kape, gusto ko ng malinis at tuyong damit.. URGH! AYOKO DITO SA LABAS AAAAAA OMAYGASH MAMAMATAY AKO DITO SHET SHET SHET!

Di nagtagal ay bumukas na yung pinto at nakaramdam ako ng ginahawa. Peste naiihi na ako.

"Sino ba yan?" May isang maliit na babae ang lumabas, nakat-shirt siya na malaki. May salamin rin siya na pamporma lang naman. Di kaya jejemon ‘to?

"A-ano! Patuloy naman oh! Nagkamali kasi ako ng baba sa bus.." Paliwanag ko naman.

"Ganun ba, okay." Tumakbo siya papunta sa gate at pinagbuksan ako agad.

Pinapasok niya ako, binigyan niya ako ng tuwalya at itinuro ang daan papunta sa banyo. Siya lang daw mag-isa ang nandito, sa kanya daw ito, ibinigay ng lola niya. Duh! Tinatanong ko ba?

Hindi kaya siya natatakot na pinapasok niya ako dito, at dalawa lang kami? Broadly speaking, diba ang pangit nun?

Maganda pa siya, tapos sexy.... maputi.. chinita..

Kaso ang kalat ng bahay niya.

**********Eh kasi Bakla 2*

Eh kasi, BAKLA!Where stories live. Discover now