"Bebs, bakit ka ba ulit nagagalit?"

"Kasi—kasi.."

"See? Nakita mo lang magkasama sila kahapon tapos hi-nead to toe look ka ulit, nagkaganyan ka na. Tapos magagalit ka din kay Marcus. Really bebs?" Sinamaan naman ako ng tingin ni Bebs. Guilty e. "Look bebs, hindi naman ako against dyan sa nararamdaman mong selos na 'yan."

"I know." she rolled her eyes heavenwards, copying my mannerism. Jeez. "Nakakainis lang kasi e. Ang btch niya!"

"Eh nagpapaepekto ka kasi." There I said it. Mukhang nagulat naman si Bebs sa sinabi ko. Tumayo na ako at pumunta sa likod si Gatorade matapos niyang hugasan 'yung pinagkainan namin. "Di ka naman ganyan pag may nambi-btch sa'yo ah?"

I smiled at her at napailing nalang siya. Siguro naalala ang highschool days namin.

"But bebs," she whined.

"Just stating a fact." Napatingin ako sa taas nung ipinatong ni Gatorade yung baba niya sa bumbunan ko. Bumalik ang tingin ko kay bebs at nakita siyang umiiling. "At saka, pansinin mo na si Marcus. Wag mong palakihin 'to."

"Wow. Expert." Bebs joked. Tumawa naman 'tong lalaking nasa likod ko.

*Stab*

"Aw." napailing nalang siya at umurong habang hinihilot ang tiyan niyang siniko ko.. Psh. Pang-asar pa e. "Sensitive ni baby."

"Nako Gatorade, tigiltigilan mo ko." at tinawanan lang ako ng loko. Sumbiin ko 'to e!

"Oo na! Oo na! Kayo na ang sweet. Please, get a room!"

Biglang umakbay sakin si Gatorade, "Inaway mo kasi si Marcus. Sige na. Andun 'yun sa labas. Kanina ka pang iniintay."

Mukhang nagulat naman si bebs dun sa sinabi ni Gatorade. Pinigilan ko ngang matawa sa itsura niya e.  Ang weird no? May lahing taong labas bahay ang mga taong 'to. Tamo nung sa threat kay Nikki, tumira siya sa labas ng apartment. Tapos ngayon, magkagalit 'yung dalawa, nasa labas si Marcus. Ayaw pumasok simula kahapon dahil magkagalit silang dalawa ni Bebs.

Di ko alam kung mawiwirdohan ako o ano e.

"Ay nako bebs, as far as I know, hindi na uso sayo ang pa-hard to get!" Sinamaan na naman niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya. "Ba'la ka nga dyan!"

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon