Nang makarating ako sa kwarto ay dumeretso agad ako sa kama at padapang humiga duon

At napaisip

Paano kung palayain ko nalang sya? Hindi naman nya ako mahal hindi ba? Sabi nya pa nga nga kahit kailan hinding hindi nya ako mamahalin??

Pero pag ginawa ko yun...

"Fuck! Noway!! Hindi ko sya isusuko kahit isumpa nya pa ako!" Biglang sigaw ko at bumangon pa sa pagkakasubsob sa kama

No fucking way na isusuko ko sya dun sa Rayleigh na yun!!

Selfish kung selfish! Pero hinding hindi ko sya isusuko!

Simula palang nang makita ko sya ay itinatak ko na sa isip at puso ko na sya ang pinili kong makasama sa pagtanda!

Kaya no way!!

Sorry my honeyloves pero kahit anong tulak at gawin mong pangtaboy sakin ay  hinding hindi kita isusuko kahit ninoman

++++
Ilang araw na nakakalipas ng makausap ko si Beatrice mula sa Parking lot at matapos yun ay diko muna sya ginulo

Nag iipon pa kasi ako ng lakas para guluhin sya at nag papamiss hahaha

Jusko sino ba niloloko? Baka nga nag tatalon talon pa yun dahil hindi ako nag pakita sa kanya ng ilang araw ehh

So balik tayo sa araw ngayon..

Maingay ang bawat sulok ng university ngayon dahil sa gaganaping event ng school pupunta kasi ang taga Phine university dito para makilahok sa valentines day event na magaganap dito sa loob and btw kaya aligaga ang mga tao dito dahil bukas na yung event na yun!!

Halatang busy ang buong mga estudyante sa kani kanilang pag aayos ng desenyo ng kani kanilang room

"Hoy!"

"Ay kabayo horse ka!"

"Pftt HAHAHAHAHAHA!!"

"lintek ka Jeck! "

Napahawak pako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito ginulat ba naman ako nito! Grabe aatakihin ako sa puso dahil sa taong to!

Nag lalakad ako ng biglang sumulyap tong bwiset na kaibigan kong to!

"Grabe Lori! Haha epic talaga yang mukha mo pag nagugulat!! hahaha"

"Heh! tigilan mo nga ako! Btw maiba tayo may sinalihan ka naba?" Tanong ko dito sumabay ito sa pag lalakad sakin

Kada event kasi dito may pwede kang salihan na kahit ano pero dahil valentines day ngayon

Event ng mga may jowa!

Pft! Mag hihiwalay din sila

"Yep! " taas kilay na sabi nito

"Ano naman yun?" Takang tanong ko dito

"Well para akong Radio Dj dude alam mona" usal nito sabay kibit balikat napatango naman ako parang maganda yun?!

"Hays nakakamiss mag tatapos nanaman school year " si jeck

Kinibit balikat ko nalang ito

"Btw sali ako jan! San pala yung radio studio? "

"Oh-hoh? Sige ba! Tara papakita ko sayu kung saan" si Jeck

Nangingiti naman na sumunod ako sa kanya

At nang makarating kami sa Science Building sa 4th floor duon ko naman nakita ang Radio studio ng university namin

So dito pala yun..

"Oh hello jeck? Bat nandito kana? Bukas pa gaganapin ang event ah?" Tanong ng babae na nakasalubong namin

"Hello ate jes naparito lang ako kasi gusto maging host ng kaibigan ko si Malori"si jeck sabay turo sakin

Nilingon naman ako nung jes at ngumiti sakin

Nginitian ko rin pabalik

" sige ba kung gusto mo nang may kasama" sagot nito nakipag apiran naman kaming dalawa

Wait.. ano pala gagawin namin pag nandun na?

"Jeck ano naman gagawin natin pag naka on air na tayo??" Tanong ko

"Madali lang malori.." usal ni jeck

Umupo ako sa gilid at nakinig dito

"Nakita mo yung Confession Box na naka lagay sa Gate ng school kaganina??" Tanong nito sakin

Napaisip naman ako

"Ah yeah yung madaming tao na naka pila duon ba??" Tanong ko dito

Tumango ito

"Yep bes babasahin lang natin yung mga confession ng mga tao dun at papa tugtogin yung  mga kanta na
nirerequest nila sa atin"

Sagot nito sa tanong

Napa iling naman ako jusko ang daming mga taong naka pila dun kaganina ibig sabihin lahat ng yon babasahin namin?!!

" pero pano yan ang dami nun?!" Sabi ko dito

Natawa naman ito

"Bubunotin naman eh hindi babasahin lahat!"

"Akala ko babasahin lahat eh sabi mo eh!"

"Edi sorry jusko basta ganon lang! Mag kwe-kwentuhan lang tayo don then ka-ching! 10k na" usal nito tila nag ningning pa ang mata nito nang banggitin ang 10k

Napa iling nalang ako at napangiti

Mukhang pera talaga

____________

Lol lol lol

Miss me?

Hahaha

Sorry late Ud bz si ako eh

Btw thanks sa nag aabang lablab!

Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now