5

180 43 14
                                    


"Good evening, Mr. Lorenzo. Ito na po ang pinapakuha mo."

Nakatanaw ako sa labas ng glass wall nang pumasok ang secretary ko sa sarili kong office. Humarap ako sa kan'ya at walang emosyon siyang tiningnan. Tulad nang nakasanayan napaatras siya na may takot sa kaniyang mukha. Napataas naman ang gilid ng labi ko dahil sa ginawa n'ya.

"You don't have to be afraid, Lina." Tumayo ako ng maayos at humakbang papalapit sa kaniya.

"Pasensya na po," takot niyang sabi habang nakayuko ang ulo.

Hindi ko na lang pinansin ang takot niya at kinuha ang folder na hawak n'ya habang nanginginig kamay niya.

"You can leave now," utos ko rito na kaagad niya namang sinunod dahil pagkarinig pa lang niya sa sinabi ko ay kaagad siyang lumabas ng opisina.

Hindi naman ako nag-aalala na makita niya ang mukha ko dahil isa sa rules na sinusunod niya at mismong nakalagay sa contract na dapat ay walang nakakaalam kung ano ang totoong kalagayan ng CEO. Bawal ipagsabi sa iba kung ano man ang nakikita o narinig dito dahil siguradong makakaapekto ito sa buong kompanya at posibleng paalisin ako sa pwesto ng board members.

Lumapit ako sa sarili kong upuan at tiningnan ang folder na hawak. Ang laman nito ay tungkol lahat kay Allyson Rodriguez. Ang bagong ambassador ng t'way na ako mismo ang pumili. Binuksan ko ito at binasa ko isa-isa ang lahat ng laman hanggang sa tumigil ang tingin ko sa isang pangalan. Miguel Rodriguez—ang taong matagal ng may atraso sa akin. Taong sumira sa pagkatao ko at hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ako makagante sa kan'ya at uumpisahan ko ‘yon sa anak nito.

***


"OH, ba't gan'yan ang mukha mo?" Napalingon ako kay Lala na bagong pasok lang sa condo. May bitbit itong grocery sa kamay na para sa akin. Siya na rin kasi minsan ang bumibili ng pangangailangan ko.

"Hoy! Sabi ko, na pa'no ka't para kang bruha sa itsura mo." Napasimangot naman ako't matalim siyang tiningnan bago siya tinarayan.

"Nakakainis na, Mr. Lorenzo, na 'yon. Akala mo kung sino," sumbong kong sabi sa kaniya.

"Bakit ano ba ang ginawa n'ya?" nagtataka niyang tanong. Ibinaba niya sa maliit na lamesa ang grocery at nilapitan ako.

"Alam mo. Kasalanan mo 'to, eh," sabi ko sabay tayo kaya napasunod ito ng tingin sa akin.

"Ako," tinuro niya ang sarili. "Bakit ako na naman?"

"Kung hindi mo kasi kaagad pinirmahan ang kontrata. Sana hindi ako magkakaproblema ngayon. Sana nalaman ko muna kung anong mga kondes'yon niya," panunumbat ko sa kaniya at hinarap ito habang nasa nakapamewang sa harap niya.

"Ang akala ko ba, gusto mong maging model sa t'way? Tapos ngayon nagrereklamo ka?"

"Hindi sa nagrereklamo ako, Lala. Ang sa akin lang, sana bago mo pinirmahan binasa mo muna 'yong kontrata" paliwanag ko sa kaniya nang mahinahon. Wala kasing mapupuntahan ‘to kung hindi ako magiging mahinahon.

"Hindi ko na nabasa ang kontrata kasi nagmamadali rin ako no'n dahil ang mama mo, tawag nang tawag sa akin." Pagrason nito at ngayo'y dinamay pa niya si Mama? Obligasyon niya na basahin ang kontrata ko dahil siya ang Manager ko.

Tumalikod ako sa kaniya at hindi maiwasang mapahawak sa noo ko. Hindi naman ako magkakaganito kung wala akong nararamdamang kakaiba. Sa tingin ko may binabalak na iba ang Arzhen na 'yon. Ang plano ay sa susunod na buwan pa i-release ang news na ako ang bagong ambassador at model nila pero bakit bigla nitong nilabas sa public? Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'yon. Nakababaliw.

"May problema ba?" tanong ni Lala pagkalipas ng ilang minuto.

"Inilabas na sa public na ako ang bagong model ng t'way," sabi ko at inilahad sa kaniya ang cellphone ko na kanina ko pang hawak.

Her Hurtful MistakeWhere stories live. Discover now