PROLOGUE

78.6K 1.5K 329
                                    

"Calynn, pakinggan mo muna ako."

Steve is still following me sa parking sa ibaba ng mall. Hindi ko siya pinapansin, hindi ko kaya. Hindi ko kayang makinig. I am at the end of my rope. Pagod na pagod na ako. Ayoko na.

"Calynn, please," hinila niya 'yung braso ko pero nagpumiglas ako at patuloy pa rin sa paglalakad.

"Calynn, please, mag-usap tayo." dahil nandito na ako sa tapat ng kotse ko ay hinarap ko siya. Umiiyak pa rin ako. Ang sakit ng lahat.

"Pagod na pagod na ako, Steve!" pasigaw na sabi ko sa kaniya dahil talaga namang pagod na ako. Sobra-sobra na ang naibigay ko to the point na hindi ko na alam 'yung rason kung bakit pa ako nanatili.

"Pakinggan mo muna ako, Calynn. Walang patutunguhan 'tong usapan na 'to⎯" mahinahong sabi niya but I immediately cut him off. Kahit makinig ay hindi ko na kaya, pagod na talaga ako.

"Itong relasyon na 'to ang wala ng patutunguhan, Steve!" I shouted at him.

"Calynn, please."

"Hindi ko alam kung kaya ko pa, ubos na ubos na ako at wala na akong kayang ibigay."

"Please, Calynn. Nangako tayo sa isa't isa, 'di ba?"

"Hindi ko na alam. Lahat ginagawa ko para sa 'yo. Sana naman ganoon ka rin." I said, barely audibly.

"Cal,"

I bowed my head. "Ginagawa ko ang lahat para sa 'yo." I sobbed while repeating my words.

"Ginagawa ko rin lahat para sa 'yo." he's trying to hold both of my arms as tears fell from his eyes.

"Hindi ko nararamdaman!" biglang sigaw ko sa kaniya at tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko.

"Listen to me first, Calynn!"

"Magsusumbatan na lang tayo rito, Steve! Mabuti pa siguro kung⎯" hindi ko pa natatapos pero nagsalita na siya.

"Kung ano? Maghiwalay na lang tayo? 'Yan ba 'yung gusto mo?" he cried. Nakatitig lang ako sa kaniya at tuloy-tuloy 'yung luha ko, sunod-sunod din 'yung luha niya as if he can't believe that I am capable of leaving him.

Akala ko ay sagad na sagad na 'yung sakit na nararamdaman ko pero para akong dinurog sa sumunod niyang tanong. He looked straight into my eyes, his eyes are begging, telling me to stay.

"Iiwan mo na ako?"

Ilang segundo akong natahimik sa tanong niya.

Pero, imbis na sumagot ay sumakay na lang ako sa kotse ko at mabilis na pinaandar ang sasakyan palayo sa kaniya. Hindi ko na naalalang magseatbelt sa sobrang sakit at galit na nararamdaman ko.

Hindi pa man ako nakakalayo when suddenly some car appeared in front of me, I really tried to avoid that car so when I stopped, my head bumped in whatever part of my car and in a snap, I can't see anything.

Everything went black.

We're Only Getting Older (Change Series #1)Where stories live. Discover now