Chapter 26

45.8K 1K 262
                                    

"IT was all planned."

Nalaglag ang panga niya kasabay ang pagtulo ng luha sa kanyang mata. Halos matapos na niyang makita ang lahat ng mga papeles na binigay sa kanya ni Aileen.

"H-hindi ko maintindihan..."

Bumakas ang iritasyon sa mukha ni Aileen.

"I thought you're intelligent enough to understand that simple text and images." Iritadong saad nito at inirapan siya.

Napailing siya. Sumisikip ang dibdib niya, hindi niya gustp ang nararamdaman niya. Masakit.

"Your first encounter with Hover is not accident. It was planned."

May mga litrato sila ni Hover sa unang pagkikita nila. Pero bakit may paganito? May litrato?

"Hover was just using you. As you know, he was part of an organization. He was protecting someone. At para hindi masaktan ang pinoprotektahan niya, kailangan niya ng magagamit na isang babae para mawala ang atensyon sa gustong manakit sa sa pinoprotektahan nito." Seryosong saad ni Aileen sa kanya.

Dahil sa kaseryosohan nito ay malapit ka na talagang maniniwala. Ang mga papeles kung saan may mga litrato siya sa halos lahat ng mga panahong magkasama sila ng binata sa publiko.

"He ordered someone to take pictures on the both of you, ipapadala niya anynomously sa mga kalaban niya para nasa 'yo na ang mga atensyon ng mga ito. But Hover seems protecting you, that's why until now you're unscratched."

Gusto na niyang takpan ang tenga niya. Parang ayaw na niyang maribig kung anong sasabihin ni Aileen. It was baseless. May punto ito pero mukhang wala namang basehan.

Hindi naman siguro magagawa iyon ni Hover, hindi ba? Hindi naman ganoon ang pagkakakilanlan niya sa binata.

"H-hindi magagawa ni Hover sa 'kin 'to." Nauutal at mariing tanggi niya. Hindi dapat siya nagpapaniwala. Kay Hover lang dapat siya magtiwala.

"Are you dumb or pathetic?! Tingnan mo 'to!" Nauubusan nitong sigaw at inabot sa kanya ang mga papelea kung saan nakalagay ang mga personal information niya na mukhang pina-imbestiga pa talaga siya.

"Kilala ka na niya bago kayo magkakilala. Heixon asked Hover to find Cleo pero umayaw si Heixon kalaunan, but it was too late. Nahanap ni Hover si Cleo and alam mo kung ano rin ang nahanap niya? Nakahanap siya ng inosenting babae na pwede niyang manipulahin!" Sigaw nito sa kanya.

Halos maglingunan na ang mga tao sa loob ng cafe pero dahil namaan ni  Aileen ng tingin ang mga iyon ay kanya-kanya namang iwas ng tingin.

Muling bumaling ang atensyon ng dalaga sa kanya.

"Alam kong unti-unti ka ng naniniwala. At hindi ako titigil hanggat hindi kita napaniwala at iwan mo si Hover. He's just using you!"

Matapang siyang nag-angat ng tingin dito.

"Bakit mo ba 'to sinasabi sa akin? Baka naman gumagawa ka lang ng kwento para layuan ko si Hover dahil gusto mo siyang mapasayo?" Matapang niyang tanong pero agad rin niyang pinagsisihan.

Bakit ba siya nakapagsabi ng ganoong salita? Kahit totoo ang kanyang sinabi ay wala pa rin siyang karapatang magsalita ng ganoon.

Ganito ba siya pinalaki ng magulang? Ganito ba ang Chen na iginiya ni Ate Pat niya? Hindi. Bakit ba siya nagkaganito? Dahil ba kay Hover?

"Oh my gosh, you're so naïve! Kaya ka madaling minapula ni Hover." Anas nito at napatampal ng noo.

Tinitigan siya ng babae sa mata.

Innocent Seduction (4th Gen #2)Where stories live. Discover now