Chapter 6: Time balance

59 11 6
                                    

Chapter 6: Time Balance




Ito ang mundo kung saan namumuhay ang mga normal na tao na bukas ang isipan tungkol sa kapangyarihan. Karamihan sa populasyon nito ay may mga aura— enerhiyang mula sa katawan ng isang tao na nagbibigay sa kanila ng kakayahang gumamit ng kapangyarihan.

Sa sitwasyon ko, hindi ko ito alam kung paano ko gagamitin para makabuo ng sarili kong kapangyarihan. Maging si tanda ay walang sinabi tungkol dito, tanging karaniwang techniques lamang ang tinuro niya sakin tulad ng pagtago ng presensya at paglagay ng ilang magic circle traps. Bukod do'n ay wala na.

Kaya hindi talaga ako sigurado sa misyon na 'to. Hindi ko alam kung kaya ko nga ba talagang gampanan ang papel ko biglang party ni Thud.

"Ito ang pinto na magdadala sainyo patungong sa Lost Village— the 'Inogapo'. Now then, are you ready to talk about the mission?" Tanong niya, hindi ako nakasagot agad dahil nakatutok lang ang mga mata ko sa batong nasa harapan namin, pakiramdam ko ay kanina pa ako nito tinatawag.

May nararamdaman akong kakaiba sa batong 'to. May ingay na hindi ko naririnig at may kaguluhang hindi ko nakikita, para bang may kung ano sa loob nito na naghahangad ng katahimikan. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan, anong nangyayari?

"Are you okay?" Bumalik ako sa wisyo dahil sa tanong ng kliyente namin na nasa kaharap ko at kunot noong nakatingin sakin.

"O-Opo, pasensya na" paumanhin ko saka tiningnan muli ang bato bago tuluyang tumingin sa babae.

"Ano ba talaga ang magiging misyon namin?" Direktang tanong ni Thud. Mukhang kanina niya pa gustong umalis para gawin ang misyon.

"Before that, I need to introduce myself." umpisa niya, bakit ngayon niya lang naisip 'yan eh kanina pa kami nandito?/"I am Sheneel Lostein— a sorceress from 500 years ago." WHAAAT?  500 years ago? Tama ba ang pagkakarinig ko?

"S-Sandali lang po ah, m-mukhang mali po ang pagkakadinig ko eh, pwede nyo po bang ulitin ang sinabi nyo?" Parang mas lalo atang sumakit ang ulo ko dahil sa mga sinasabi ni Ms. Sheneel

"You heard it right, Lumina, I am from 500 years ago and this information will be erased in your memory once you failed this mission." Babala niya, mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi niya. Teka, hindi ako nakakasabay ah, bakit ayaw atang pumasok sa isip ko ng mga sinasabi niya?

Nilingon ko si Thud para pakiusapan ito na siya na ang bahala sa pakikipag-usap kay Ms. Sheneel tutal sa kanya naman 'tong misyon, pero halos bumagsak ang panga ko sa sahig nang makitang tulog na ito sa gilid.

"Sa sitwasyong 'to nagawa niya talagang matulog?" Pabulong na sabi ko pero mukhang narinig ni Ms. Sheneel.

"Let him be, malayo ang tinakbo niya papunta dito kaya he needs to recharge his aura. Ayos lang naman siguro kung sa'yo ko na lang ipapaliwanag ang detalye?" Ayos lang ba talaga? Hindi ko din alam ang sagot eh.

"Ipagpatuloy nyo na po para isang sabugan na lang ng utak," pabirong sabi ko kahit nagsasabi naman ako ng totoo. Pa'no ba kasi kakayanin ng utak ko ang mga impormasyong 'to? Naloloka na ako dito.

"Ako ang nagbabantay ng tatlong mahahalagang bato sa kasaysayan at isa sa tatlong 'yon ay ito mismong nasa harapan natin ngayon." Paliwanag niya saka lumapit sa bato at bahagya itong kinakapa "I've been sleeping for centuries  dahil wala namang nangyayaring masama dito, pero noong nakaraang taon nagkaroon ng isang hindi inaasahang pangyayari." Huminto siya ng ilang sigundo habang nakatitig sa bato.

"Ano po bang nangyari?" Humugot ako ng lakas ng loob para magtanong. Napabuntong hininga siya bago sumagot at hindi niya na ako lumingon.

"Tanging ang bato lang na 'to ang pwedeng daanan papasok sa Lost Village at nagtataka ako kung bakit bigla na lang may nakapasok nang hindi dumadaan dito. Hanggang sa lumabas sa pag-aaral ko na they used some forbidden magic techniques to enter it, na siyang kinakabahala ko. If ever na hanggang sa susunod na buwan ay hindi ko pa rin ito magagawan ng paraan, everyone in this world is done for" napalunok ako dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang pagkabahala niya sa bawat binibitawan niyang salita.

"Ano po ba ang mga posibleng mangyari?" Nag-uumpisa na akong kabahan sa mga sinasabi niya.

"Masisira ang balanse ng oras," nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang baldeng yelo. Masisira ang balanse ng oras, posible 'tong magbago, gano'n ba ang tinutukoy niya? Tsaka kung posible nga 'to ibig sabihin...

"K-Kung gano'n, a-about 500 years ag—"

"Exactly!" putol niya sa sinasabi ko. "I am here, kasi nagkakaroon na ng problema ang oras sa panahong ito." This is pretty bad!

"B-Bakit hindi niyo pa po sinasabi sa nakakataas? Bakit wala pa ring nakakatapos ng misyon na 'to?" Natatarantang tanong ko. Hindi ko alam kung anong dapat isipin sa oras na 'to, hindi na gumagana ng maayos ang utak ko.

"Ika-labing lima na kayo sa susubok pero ni isa sa mga nauna ay wala pa rin akong nagiging balita, nauubusan na tayo ng oras pero hindi ko 'to pwedeng sabihin sa nakakataas dahil kasaysayan naman ang maaaring masira. Lumina, maaasahan ko ba kayo sa misyon na 'to?" Tanong niya na maging ako ay hindi ko alam ang sagot.

"Ano po ba ang dapat naming gawin?"



-~•~-

Nandito ako ngayon sa balcony at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog, hindi pa rin ma-digest ng utak ko lahat ng mga impormasyong sinabi ni Ms. Sheneel kanina.

Binigay niya sakin ang isang libro tungkol sa iba pang impormasyon tungkol sa Lost Village, sa totoo lang ay nabasa ko na 'to sa mga koleksyon ni tanda pero akala ko wala 'yong katotohanan.

Umpisa pa lang, pagkakita ko sa flyer na pinulot ni Thud nagkaroon na ako ng ideya sa utak ko, na baka wala namang kabuluhan ang misyon na 'yon. Isa din 'yon sa rason kung bakit ayoko talagang sumama sa misyon na 'to. Bukod sa hindi ako naniniwala no'ng una ay kinakabahan din akong malaman lahat ng nalaman ko kanina.

"Can't sleep?" Tanong ni Ms. Sheneel kaya napatingin ako sa likuran ko. Naglakad siya papalapit at tumayo sa tabi ko. Bukas ng madaling araw ang alis namin ni Thud pero hindi ko pa ring magawang matulog.

Tumango ako bilang sagot, "Ms. Sheneel, may gusto lang po akong itanong sainyo."  Halos pabulong kong sabi dahil hindi ko sigurado kung talaga bang dapat ko 'tong itanong.

"Ano 'yon?" Bahagyang kumunot ang noo niya, iniwas ko ang mata ko sa kanya at pinagmasdan ko ang dalawang palad ko.

"I don't know if I have magic at kung mayro'n man hindi ko alam kung paano ito gagamitin. Now tell me Ms. Sheneel, is there any way to find it? May pag-asa ba na magamit ko ito?" Nanlulumong tanong ko. I know that this mission is really serious, hindi ko alam kung may magagawa ba ako but I need to know if there is a chance. Hindi kami pwedeng pumalpak sa misyong 'to lalo pa't ang laki ng magiging epekto nito sa mundo kapag nangyari 'yon.

"Of course there is always a way for everything," biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. "But finding yours in your age won't be easy."

"I don't care, sabihin mo kung paano at gagawin ko lahat" sabi ko, sigurado na akong handa kong gawin 'to kahit gaano pa kahirap. It's now or never bago pa mahuli ang lahat.

Itinapat niya ang kamay niya sa harap namin at sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na naman 'yong itim na bagay na dumaloy sa palad niya at unti-unting bumuo ng isang daan.

"Come with me at ihanda mo ang sarili mo." Seryosong sabi niya bago maunang maglakad, napalunok muna ako bago ako tuluyang sumunod.

Lost Village Arc: COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon