5

46.6K 1.3K 194
                                    

AGNELLA TELESE

Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nasa loob ng Mall. Binalik ko lang sa lagayan 'yung libro matapos kong mabasa ang blurb na nasa likod nito. Kasalukuyan akong nasa National Bookstore para bumili ng libro pero wala akong nagustuhan.

Tapos na akong kumain ng lunch, tapos na rin akong mag-shopping para may pasalubong ako kina lola.

Chineck ko ang suot kong relos, nagitla ako nang makitang alas sais na pala ng gabi. Baka kanina pa naghihintay si Mrs. Cruz sa pag-uwi ko. Lumabas na ako, ngunit may bumangga sa likod ko dahilan para malaglag ang mga pinamili ko. Muntik na rin akong matumba, buti ay nabalanse ko agad ang katawan ko.

"Naku, sorry po!" hinging paumanhin ng babae. Hindi ako sumagot dahil mas inuna kong pulutin ang mga gamit ko.

"Wait? Agnella, ikaw ba 'yan?"

Mabilis kong inangat ang ulo ko nang tawagin niya ang pangalan ko. Naningkit pa ang dalawa kong mata para kilalanin siya. Maganda siya at may hawak din siyang mga pinamili niya. Parang pamilyar siya sa akin.

"Sorry, pero kilala po ba kita?" I asked. Tumayo na ako matapos kong pulutin ang mga gamit ko.

"Ano ka ba, ako 'to! Si Kyla, remember? Nakalimutan mo na ba ako agad?" pakilala niya kaya doon ko siya naalala.

"Kyla Ferrero?"

Gusto ko lang makasiguro kung siya ba 'yung kaklase ko noong hayskul.

"Oh my gosh! Ikaw nga!" masaya niyang sigaw at mabilis akong niyakap.

Siya nga. Natawa ako sa naging reaksyon niya. Siya ang dati naming class president noong 4th year highschool kami.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na nakabalik ka na pala dito sa bansa? And look at yourself, mas lalo ka pang gumanda!"

Oo nga pala, alam nila na sa Washington na ako nag-college. Nagpaalam pa ako sa kanila noon bago ako umalis.

"Pasensya na. Nawalan kasi ako ng contact sa inyo," sagot ko. Infairness, gumanda rin siya lalo.

"Ano ka ba, pwede mo naman hanapin ang pangalan namin sa Facebook!" aniya at hinampas ako ng mahina sa braso.

"Sorry, pero hindi kasi sa akin uso ang Facebook na 'yan," biro ko kaya natawa kaming dalawa.

Isa siya sa mga close friend ko. Madaldal siya at masayang kasama. Madalang na rin akong gumamit ng Facebook kaya nawalan na rin ako ng contact sa kanila.

"Kailangan itong malaman ng iba nating mga kaklase na nakabalik ka na. Sigurado akong matutuwa sila," excited niyang sabi kaya wala na akong nagawa pa.

THIRD PERSON POV

It was already late, but Ales finally finished his work. Pagod siya dahil marami siyang tinapos na trabaho. Bihira na nga lang din siya makasama sa mga kaibigan niya, lalo na ang pag tambay sa Idle Desire, isang uri ng resto bar na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Jaeger.

Hindi rin mawala sa alaala niya ang mga nangyari kaninang madaling araw. Muntik na siyang mawalan ng kontrol sa sarili lalo pa't isang malaking tukso si Agnella sa kanya.

Why is he craving to taste her lips? His hand can still feel her soft body and he could still smell her seductive scent that makes him addicted. Their kiss replays in his mind almost every minute.

Baliw na nga yata siya.

Dahil sa dalaga kaya hindi siya nakapag pokus sa trabaho niya. He have a strong attraction to her. It was as if something was pulling him towards her. Kahit anong gawin niya, si Agnella pa rin ang laman ng isipan niya.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Where stories live. Discover now