4

46.9K 1.3K 278
                                    

AGNELLA TELESE

Tulala akong nakatingin sa kawalan habang tahimik akong nakaupo sa dulo ng kama. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil mawala-wala sa isipan ko ang pangyayaring 'yon. Kulang na lang ay sabunutan ko na ang sarili kong buhok dahil sa labis na inis ko sa aking sarili.

Bakit ba kasi ako nagpadala sa tukso? Bakit ko siya hinayaan na mangyari iyon? Marahas akong bumuga ng hangin at napatayo. Kagat ko ang hinlalaki kong daliri, hindi na rin ako mapakali. Nag-iinit ang buo kong mukha sa tuwing naaalala ko iyon. Hindi ako makatulog dahil doon. Lumapit ako sa malaking salamin at tiningnan ang aking leeg.

May mga kiss mark doon. Nagising ako kanina at saktong nakita ko ito sa salamin habang naghihilamos ako ng mukha. Mabuti na lang talaga ay napansin ko ito agad.

"I hate you, Agnella!" inis kong bulalas bago ko ulit nilagyan ng concealer ang mga pulang marka na 'yon.

Halata rin sa itsura ko na wala akong maayos na tulog. Kanina pa ako gising, pasado alas kwatro na nga rin ako tuluyang dinalaw ng antok. Tuwing ipipikit ko kasi ang mga mata ko ay naaalala ko ang nangyari sa kusina.

Naaalala ko ang kapangahasan ni Alessandro at hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin kung paano niya ako halikan sa aking labi, lalo na ang mainit niyang haplos.

Walang kahirap-hirap na nadala ni Alessandro ang bugso ng damdamin ko. He also made me respond to his kiss. Mabilis akong natukso, mabilis akong bumigay at mabilis din akong nanghina. Ang kinaiinisan ko sa sarili ko ay parang nasarapan pa ako sa halik at haplos niya.

Kailangan kong magpokus. Siya ang higit na kinamumuhian ko sa mundong ito. Mayroon pa akong plano na kailangang gawin.

"Okay, Agnella. Calm down. Huwag kang kabahan," pagpapakalma ko sa aking sarili.

"Siya dapat ang mailang sa 'yo at hindi ikaw," salita ko pa.

I sighed. Ilang minuto na nagtatalo ang kalooban ko. Nagdadalawang isip din ako kung lalabas ba ako ng kwarto ko o huwag muna, pero kalaunan ay napagpasyahan ko na rin na lumabas na.

May dapat pa akong gawin. Nakasasalay ang relasyon ng magulang ko at masasayang lang ang lahat ng mga binuo kong plano kung hindi ko ito gagawin agad.

Bumaba na ako at saktong paakyat si Mrs. Cruz. Napatingin siya sa akin nang mapansin niya ako.

"Good morning po, manang," nakangiti kong bati sa kanya kaya ngumiti rin siya.

"Magandang umaga rin sa 'yo, hija. Mabuti ay gising ka na. Aakyat na sana ako para tawagin ka at para makakain ka na rin ng breakfast mo. Aba'y nakalimutan mong kumain ng hapunan kagabi. Hindi ka na rin namin nagawang gisingin dahil alam kong pagod ka sa biyahe."

Kahit may edad na siya ay talagang kumikilos pa rin siya rito sa loob ng bahay. Siya talaga ang pinagkakatiwalaan ng pamilya namin. Malapit din ako kay manang dahil sobrang bait niya. Pamilya na rin ang turing namin sa kanya.

"Bakit po? Pinapatawag na ba ako ni Mommy para sabay kaming kumain ng almusal?"

Lagi kasi akong hinihintay ni Mommy sa hapag-kainan para sabay kaming kumain. Halos routine na namin iyon noon, pero dahil sa nangyari sa pamilya namin ay malaki na ang nagbago.

"Kagabi pa nakaalis ang Mommy mo papuntang Cebu. Hindi na nga siya nakapagpaalam sa 'yo dahil nagmamadali siya at baka ma-late siya sa flight niya."

Umalis na pala siya. Ibig bang sabihin nito ay sila lang ang makakasama ko sa bahay pati na rin ang lalaking 'yon? Ayoko pa naman makita si Ales dahil naiinis lang ako, pero may plano nga pala ako. Kailangan ko siyang pakisamahan sa ayaw at sa gusto ko.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon