Chapter 12

1.3K 102 37
                                    

Hindi ko siya iniwan buong magdamag sa kwarto niya. Doon na ako natulog kasama siya dahil hindi na siya humiwalay sa pagkaka yakap sa akin. Para bang takot na takot siyang maiwanan mag isa.

Nang sumikat naman ang araw ay naisipan ko nang tumayo mula sa pagkaka higa namin sa kama niya. Dahan dahan akong tumayo at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nagising ko ba siya?

"S-saan ka pupunta?" Tanong niya atsaka ako nagbigay ng matamis na ngiti sakaniya.

"Magluluto lang ako. Hindi ka pa kumakain e. Baka nagugutom ka na."

Baka panis na kasi 'yung tinabi kong ulam para sakaniya. Malamang gutom na siya niyan lalo na't walang laman ang sikmura niya. Umupo siya sa kama at nakatulala lamang ito. Palagay ko ay hindi pa rin siya okay.

"Lexus." Tawag ko sakaniya pero hindi niya ako pinansin. Parang hindi niya ako naririnig at nakatulala lamang siya.

"Alexus." Tawag ko ulit sakaniya atsaka ko hinawakan ang mga kamay niya.

Tumingin naman siya sa akin at pansin ko ang pamumula ng mga mata nito na para bang naiiyak nanaman siya. Nginitian ko siya atsaka ko pinunasan ang mga luhang tumulo na sa mga mata niya.

"Kaya mo 'yan. Kung ano man 'yan, kakayanin mo 'yan." Pag e-encourage ko sakaniya.

Hinila niya ako papalapit sakaniya at kinulong sa mga bisig niya. Yinakap ko na lamang siya pabalik at hinayaang ilabas kung ano mang nararamdaman niya.

Nakatulog ulit siya kaya hinayaan ko na lamang siya magpahinga. Ipinagluto ko siya ng mga masasarap na pagkain at pananghalian para mamaya pagkagising niya ay pakakainin ko na lamang siya.


"Ste? Ste, iha? Nandirito ba kayo?"

"Ate Ste!"

Mabilis akong tumakbo palabas nang marinig ko ang boses ni Lola Esther at Oscar sa labas. Pinag buksan ko sila ng gate at puno ng pag aalala ang mukha ni Lola at kasama pa nito si Lolo Carding.

"Anong nangyari iha? Bakit wala si Alexus sa bukiran? Tapos hindi ka pa nagtinda ngayon?" Kinakabahan na tanong ni Lola Esther. Nerbyosa talaga si Lola kahit kailan.

"Pasok ho muna kayo."

Pinapasok ko sila sa loob at umupo kaming apat sa may garden. Ayokong pag usapan ang nangyari sa loob at baka marinig kami ni Alexus. Masyado pa siyang sensitibo para marinig ang nangyari. Inabot ko ang egg pie na pinakuha ko kay Oscar sa loob para may makain sila.

"Nag alala ako nang pumunta itong si Oscar sa amin at sinabing hindi ka nagtinda. Sakto pa naman na wala rin si Alexus. Hindi niyo pa naman ugali na hindi nagsasabi na hindi papasok kaya napasugod na ako rito at baka kung ano na ang nangyari sa inyo."

"E kasi si Kuya Harry Ate nagpunta nanaman don. Sakto nakita ko kasi nag deliver ako ng prutas kina Aling Tesa. Dumaan muna ako sa bukiran para sana tanungin si Kuya Alexus e wala rin daw."

"Ano bang nangyari at bigla kayong hindi nag trabaho? Nag lasing ba kayo?" Tanong ni Lolo Carding pero mabilis akong umiling.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sakanila ang nangyari dahil ultimo ako ay hindi alam kung ano ang puno't dulo ng lahat.

"Atin atin lang po sana 'to. Gusto ko rin po sanang tulungan niyo ako."

"Ano ba iyon? Pinag aalala mo ako, Ste." Kinakabahan na sabi ni Lola Esther.

Kinwento ko ang nangyari simula kahapon kay Alexus. Nakikinig lamang silang tatlo sa akin habang kinikwento ang mga nangyari pati 'yung sa kwarto niya kagabi. Pati sila ay naguguluhan dahil hindi rin nila mawari kung bakit bigla itong nagka ganon.

The Man Next To My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon