Chapter 11

1.3K 97 96
                                    

Nang mahimasmasan ako ay bumaba na ako ng sala. Naabutan ko silang nag tatawanan at oo, pati si Alexus ay nakikipag tawanan din sakanila. Parang kanina lamang ay ang seryoso niya sa akin tapos ngayon ay parang walang nangyari sa kwarto ko. Umupo ulit ako sa pwesto ko kanina at inabutan ako agad ng shot ni Harry. Tinanggap ko naman 'yon at ininom.

"Akala ko ba kukuha ka ng pantali ng buhok?" Tanong niya pagkatapos kong uminom.

"Hindi ko mahanap." Pagsisinungaling ko.

Pasimple kong tinignan si Alexus na hanggang ngayon ay nakikipag usap pa rin kay Mika. Pansin ko ang pamumula ni Mikaela at malamang ay tinatamaan na siya. Lumalakas na rin kasi ang boses nito pati ang pag tawa niya.

"Ste, anong favorite mong bulaklak?" Tanong bigla ni Harry at nabaling ang tingin ko sakaniya.

"Red rose." Sagot ko.

"Nasa palengke ka ba bukas?"

"Oo."

"Pwede kitang puntahan?"

"B-bukas?" Kinakabahan na tanong ko.

Bakit ba ako kinakabahan? Pasimple akong tumingin kay Alexus at seryoso siyang nakatitig sa akin habang umiinom.

"Oo, bukas. Wala akong gagawin bukas e. Mabuti na sigurong tulungan kita. 'Di ba?"

"Ah, h-huwag na. Nakakahiya naman sa'yo."

"No, it's okay. I insist. I'll help you."

Nginitian ko na lamang siya at hindi na lamang sumagot. Nahihiya naman akong humindi sakaniya dahil baka mapahiya siya rito at ayaw ko namang gawin 'yon lalo na't bisita ko sila.
Nagpatuloy naman ang pagkikwentuhan namin hanggang sa mag alas onse na. Nag aya nang umuwi si Harry dahil lasing na si Mika. Papikit pikit na ito sa tabi ni Alexus at panay ang hampas niya sa braso nito.


"Mika, tara na. Gago may tama ka na." Pag aaya ni Harry sakaniya.

"Wait lang. Nakikipag usap pa ako kay Kuya Alexus e."

"Bukas ka na makipag usap. Kanina mo pa sinasaktan 'yung tao."

Hinila ni Harry ang kamay ni Mika para mapatayo ito. Nagulat ako nang bigla siyang matumba nang bitawan siya ni Harry saka siya bumagsak kay Alexus. Sinapo naman siya ni Alexus at mabilis kong iniwas ang tingin ko sakanila. Tawa kasi ng tawa si Mika e. Parang masaya pa siya na bumagsak siya kay Alexus.

"I'm sorry bro. Can you help me carry her?" Nahihiyang sabi ni Harry saka ko ibinalik ang paningin ko sakanila.

Walang hirap na binuhat ni Alexus si Mika na pang bridal style. Inayos niya ang pagkakabuhat dito at mabilis na ipinalupot ni Mika ang mga kamay niya sa batok nito. Nag iwas nanaman tuloy ako ng tingin dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Ayaw ko silang nakikitang gan'yan.

"Oscar, uuwi ka ba?" Tanong niya habang buhat si Mika.

"Oo Kuya. Sabay na po ako sakanila."

"Paki bukas 'yung pinto."

Lumabas na silang tatlo at mabilis akong binalingan ng tingin ni Harry. Nginitian niya ako atsaka ako tumayo at nginitian siya pabalik.

"I'll see you tomorrow, Ste. Thank you and good night." Sabi niya saka ako mabilisang yinakap.

"Ingat kayo."

"Salamat ulit."

Lumabas na siya ng pinto at naiwan ako rito mag isa. Nag umpisa akong mag ligpit saka ko inilagay lahat sa kusina ang kalat. Nagsimula akong mag hugas ng mga plato para bukas ay wala nang ligpitin pa. Ayaw ko ring itambak dito dahil baka mamaya ay gapangan ng mga ipis. Binilisan ko na lamang ang paghuhugas ko at nang matapos ako ay saka ako bumalik ng sala. Napakunot ang noo ko nang makitang hindi pa umaalis ang kotse nila. Nandoroon pa rin ang kotse sa labas.

The Man Next To My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon