Part 7

5.1K 169 4
                                    

========================================

"Ms. Sebastian!" 

"Ay iyutin!" napasigaw ako ng sundutin ni Lyra ang pwet ko para gisingin dahil sa sobrang kainipan e inantok ako at nakatulog.

Narinig ko nalang nagtawanan ang mga kaklase ko. 

"Ano kamo Ms. Sebastian?" tanong ng prof namin na kanina pa pala ako tinatawag.

"Uhmm. Wala po ma'am." Ngumiti lang ako para pagtakpan ang pagkapahiya ko. Ito naman kasing si Lyra, sa dinami-dami ng panggising, yun pa ang naisipan! Napahiya tuloy ako.

"Why are you sleeping in my class?" mataray na tanong ng prof namin.

Inaantok malamang... 

"Why Ms. Sebastian?!" 

Sigaw pa ulit nito ng mas malakas. 

"Ah... e... kwan ma'am.." Hindi ako makasagot kasi hindi ko naman masabing inaantok lang ako sa pagtuturo niya, baka lalo akong pag initan.

"Wala kang masabi Ms. Sebastian? SIge, get out of my class at ituloy mo na ang pag tulog mo!"

Wala na din naman akong nagawa kaya lumabas na ako ng room. 

"Napakasungit talaga nun! Nakakainis!" sabi ko sa sarili ko.

"Masungit talaga yun, masanay ka na." 

Napalingon ako sa boses ng babaeng nag salita.

Ang ganda niya, para siyang manika. Ngayon ko lang siya nakita dito ah. Kung sabagay, madami din namang students dito, kahit isang buong school year e hindi mo pa din makikita ang lahat dito, maliban nalang kung matagal ka na talagang nag aaral dito.

"Hello... Earth to Ms. beautiful..." 

Napansin ko nalang na kumakaway siya sa may mukha ko.

"Ah.. H-Hi." bati ko ng makabawi ako sa pagkatulaley.

"Sorry kung bigla nalang akong sumingit ha. Ako nga pala si Erica, and you are?" inoffer niya ang kamay niya at tinanggap ko nman.

"Ahh, I'm Alexa."

"Nice to meet you Alexa." Ngumiti siya ng sobrang tamis kaya parang napatulala nanaman ako.

Nag bell na sa school, naglabasan na ang mga estudyante kaya nagsalita ulit siya.

"I better go. Nice to meet you ulit Ms. Beautiful." at kumindat siya bago pa makalayo sa akin.

Ms. beautiful? Haha. Ang cute niya shit...Pero hindi, kay Lyra bebe pa din ako kahit ayaw niya saken.

Ang dami ng students sa labas at hindi ko napansin na nilagpasan na pala ako ni Lyra kaya hinabol ko sya.

"Huy! Bakit mo ako iniwan?" Nahihingal kong sabi sakanya habang sinasabayan ko ang mabilis na lakad niya.

"Hindi kita iniwan Lex, ikaw ang nang iwan."

Ano daw?! Lalim talaga mag salita ng babaeng ito.

"May pinaghuhugatan te?" pabiro kong tanong pero tiningnan lang niya ako ng masama, ung mukhang naiinis.

"Oh, bakit ba? May problema ka ba? May gagawin ka pa ba?" 

"Meron, see you nalang later." Binilisan pa niya ang paglalakad.

Binagalan ko na ang paglalakad ko at tiningnan nalang si Lyra na naglalakad palayo.

Tinopak ata. Ay bahala siya..

Pumunta na ako ng kwarto para magpahinga, mamaya pa ulit ang klase namin, tutulog na talaga muna ako, nakaramdam na ako ng antok e.

Dumaan ang mag hapon, hindi ako masyadong pinapansin ni Lyra, pag kinakausap ko naman siya, isang tanong, isang sagot lang naman kaya hindi nalang ako masyadong nangungulit, baka kasi bad mood talaga siya ngayon. 

Matapos akong sundutin sa pwet nitong bruha na to, siya pang may ganang ma-bad mood! hayy.. babae nga naman... Babae nga din pala ako. Haha. Kala ko hindi na e. 

Pagkatapos ng maghapon na klase, nagmadaling lumabas si Lyra at walang lingon itong naglakad palayo.

Malakas na ata ang sapak nung bruhildang yon! Nagdadabog naman akong pumasok ng kwarto. Sobrang inis ko talaga kay Lyra ngayon. Biruin mo ba namang lumayas ng walang paalam, at kanina pa ako sinusugitan, ngayon lang niya ako ginanun ha. Kaya nga hindi ako sanay.

Naglinis na ako ng katawan at humiga na din. Matagal akong nakahiga at nakatulala, hindi ako makatulog kasi wala pa si Lyra, nakakapag stay kasi siya sa labas ng matagal ng walang sumisita sa kanya dahil may katungkulan siya sa school. 

Hindi ako makatulog, natulog din kasi ako kaninang break time.

Naramdaman ko nalang na may pumasok sa kwarto. Nagtulog-tulugan ako, sigurado naman akong si Lyra ung pumasok kasi kita ko pa ung anino niya kanina bgo ako pumikit.

Naramdaman ko nalang na lumapit siya sa may kama ko at umupo sa gilid nito. I felt her soft touch, sobrang gaan ng paghimas niya sa pisngi ko. Nagulat pa ako sa sunod na ginawa niya... Hinalikan niya ako sa forehead ko. 

Pinilit kong wag mahalata, kinalma ko ang sarili ko para hindi ako magmukhang nagtutulog-tulugan lang.

"I wish its easier for me and for both of us Lex..."

Malalim na hinga ang pinakawalan niya. 

Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating sa mga sinabi niyang un, may gumugulo sa kanya at gusto kong malaman.

Naramdaman ko nalang na umalis na siya sa tabi ko at narinig ko ang pag higa nito sa kama niya. Hindi na ako nagmulat at nakatulugan ko ang pag iisip kung ano nga ba ang ibig sabihin ni Lyra sa mga sinabi niya.

One thing is for sure, involved ako sa problema ni Lyra kaya aalamin ko yun.

========================================

Update ko agad bukas. Malalaman niyo na kung panu magkakaalaman ng feelings sa next chapter. Kapit lang! Hahaha :)

A Beautiful Mistake (Complete)Where stories live. Discover now