Thirteen

463 29 9
                                    

Jeon Kim Taegguk

Hindi ko ineexpect ang magiging reaksyon ng Mama ni Justine, nang sabihin namin sa kanya na buntis ako.

Just like my Mama and Daddy, parang siya na ata ang pinaka masayang tao sa mundo. Knowing that, Justine is an only child.

Pagkatapos naming pumunta sa bahay nila Justine, inaya ko na siyang umuwi. Balak ko kasi sanang pumunta sa family doctor namin, it's been a week simula nang malaman ko na buntis ako. I need to be more aware sa sitwasyon ko.

"Are you sure you want to come by yourself, Mahal? I can come with you." May pag aalalang tanong at sabi sa'kin ni Justine.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at nag aayos na ako para sa pag alis ko.

"Okay lang ako, ano ka ba. Tsaka hindi ba sabi mo pupunta ka sa company niyo? Kaya ko na sarili ko." Mahinahon na sabi ko sa kanya.

Nginitian ko siya bilang assurance na din na okay ako.

"Sure ka?" Tanong niya pa ulit.

"Oo nga. Ang kulit mo. Tatawagan nalang kita kapag magpapasundo ako. Okay? Don't worry, I'll keep you updated." Sabi ko pa habang nakangiti.

Kahit na napipilitan, tumango tango nalang siya.

"Sige. Be safe. I love you." Malambing na sabi niya at hinalikan ako sa noo at sa labi.

Umalis na ako ng bahay. Nagpahatid nalang muna ako sa driver nila Daddy dito sa clinic ni Doc. Park.

"Thank you po, Manong." Nakangiting pagpapasalamat ko sa driver namin, bago ko tuluyang sinara ang pintuan ng back seat.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Pero, laking gulat ko ng makita ko ang isang tao na hindi ko inaasahan na makikita ko dito.

"Chanhee?"

"Taegguk?"

Sabay na sabi naming dalawa. Parehas pa kaming gulat na gulat.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya matapos kaming magbeso dalawa.

"I'm here for Doctora Park. How about you?" Nakangiting sagot at tanong niya sa'kin pabalik.

"Um.. Check up ko kasi. Ano.. Um.. You know, Doctor Park is our family doctor." Sagot ko naman.

Tumango tango siya sa'kin habang nakangiti.

"Actually, check up ko din ngayon. Monthly check up to be exact. Doctor Park is one of the most popular doctor of male pregnancy, so.."

Nagulat ako sa sinabi niya.

Did I heard it clear?

"T-Teka. You mean?" I don't want to be sounded like this, pero nagulat talaga ako eh.

Ngiting ngiti siyang tumango bilang pagsagot sa'kin, "Yes. 1 month na."

Nayakap ko siya bigla dahil sa saya.

"Really?! Ako din! I'm 3 weeks pregnant!" Masayang sabi ko.

𝐎𝐮𝐫 𝐎𝐰𝐧 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐀𝐂𝐓𝐎𝐑'𝐒 𝐀𝐅𝐅𝐀𝐈𝐑 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐈𝐈𝐈Where stories live. Discover now