Prolouge

1.5K 44 15
                                    

Jeon Kim Taegguk


Mabilis na lumipas ang panahon. I am now 21 years old and graduating in college. Samantalang si Justine naman ay nagtatrabaho na.

My Mama and Daddy is still managing our company as the President and CEO of Kim's Corporation. Nag kaka edad na ng husto ang mga magulang ko. My Mama is now 48 years old samantalang si Daddy naman 53 years old na. Sounds so old pero para silang mga bampira. Hindi sila tumatanda o kahit signs of aging wala.

Habang si Ate Min So naman ay nakagraduate din ng college kaso late na. 2 years old na si Sayla nung bumalik siya sa pag aaral kaya kakagraduate niya lang din last year. Si Shawn naman, ayon.. promoted na sa puso ko.

Just kidding!

Napromote siya as Sales Manager sa company. Oh diba bongga? He was now managing one of the best team na handle ni Uncle Suga noon.

Don't get me wrong ha. Naka moved on na ako kay Shawn. It's been 6 years now simula ng mangyari yon. 5 years old na si Sayla at happily married na sila ni Ate Min So.

Ako? Masaya ako. Mayroon lang naman akong super sweet, caring, makulit at maangas na boyfriend.

Yes. Justine and I are now road to 5 years in a relationship.

Sabi ng iba hindi daw magwowork dahil masyado pa akong bata noon. Well, nung una akala ko hindi nga but I choose to be matured enough para hindi masyadong mag adjust si Justine sa akin.

Hindi mawawala sa kanya ang mga kwelang banat niya para lang mapangiti ako kapag down na down ako lalo na sa school works.

He still managed to make more time with me kahit na busy siya sa trabaho niya. He still choose me, over anything or anybody.

Nandyan din yung maangas niyang attitude kapag nagseselos siya. Lumalabas ang pagka badboy at pagka basagulero niya.

At shempre hindi pwedeng hindi lang ako ang may umaaligid. Mas madami pa yung sa kanya. Minsan pa nga muntik na talaga ako makasabunot kung hindi ko lang narealize na babae yung babanatan ko.

Nandyan din yung minsanan pagtatalo naming dalawa dahil sa trabahong pinasok niya.

"Sabi ko naman kasi sayo dapat pinursue mo nalang maging Engineer. Hindi ba at madaming nag offer sayo?" Medjo inis kong sabi sa kanya.

"Love, you don't understand. Nasa pag aartista talaga ang puso ko. Akala ko ba we both already talk about this? Actually, it's a lot of times na Taegguk." Halata ko na din ang pagka inis sa tono ng boses niya.

"So para saan pa at nag aral ka ng Engineering at grumaduate ka ng Cum Laude ka pa ha? Sa tingin mo ba may magandang madudulot sayo pag aartista mo?" Ayaw ko mang mag tono na parang hindi ko siya suportado, pero kasi..

"You're just like Mom. Hindi niyo iniintindi nararamdaman ko."

"Love, I do understand your point and what you wanted pero kasi---"

Pinutol niya ako sa pagsasalita.

"Because of what Taegguk? Iniisip mo ba na baka magaya tayo sa parents mo? Na I'm like your Dad na maghahanap ng iba at dadalhin sa totoong buhay ang character niya? I'm not your Dad."

𝐎𝐮𝐫 𝐎𝐰𝐧 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐀𝐂𝐓𝐎𝐑'𝐒 𝐀𝐅𝐅𝐀𝐈𝐑 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐈𝐈𝐈Where stories live. Discover now