Eleven

471 30 8
                                    

Jeon Kim Taegguk

Tama siguro yung ginawa ko. Wala ng atrasan 'to. Atleast, may assurance na ako sa mga mangyayari.

2 days na ang nakakalipas nang magkita at mag-usap kami ni Justine. And we need to wait for my parents to come home. May mga bagay kaming sasabihin sa kanila.

Pati si Yun Jin wala pa ding idea sa napag-usapan naming dalawa ni Justine. Actually, she's not asking me kung ano ba napag usapan namin. Baka naghihintay siya na kusa akong magsabi sa kanya.

Nasa veranda ako ng condo unit ni Yun Jin nang mag-ring ang cellphone ko.

Mama Taehyung calling..

Sinagot ko kaagad.

"Hello, Ma?"

[Taeggukkie, we're home! Come home now anak. We're waiting for you.]

Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"O-Okay po, Ma."

Yan lang tanging nasabi ko. I ended up the call immediately, tsaka ko dinial ang number ni Justine.

[Hello?]

"Where are you?" Alanganing tanong ko sa kanya.

[Nasa shoot. Are you okay? Do you need something?]

Bakit parang aligaga siya? Tsk. I hated it. The way he acts or talk to me. But I need to do this.

"Nasa bahay na ang parents ko. We need to go there after lunch." May pagka bossy na sabi ko sa kanya.

[Okay. Should I fetch you there sa condo ni Yun Jin?]

"No need. Kasama ko siya pagpunta doon."

I heard him sighed.

[Sige. See you then.]

Tapos pinatay ko na yung tawag.

Huminga ako ng malalim. Thoughts keep coming on my mind.

Anong magiging reaksyon nila Mama kapag nalaman nila ito?

"Cous?" Pag agaw atensyon ko kay Yun Jin ng makapasok ako sa loob. Nasa salas siya at tahimik na nanonood ng TV.

I felt guilty. Kasi pati siya napapa isip at nai-stress sa mga nangyayari sa'kin.

"Hm?" Sagot niya at ibinaling sa'kin ang paningin niya.

"N-Nandyan na sila Mama. Pinauuwi na ako." Nauutal kong sabi. Kinakabahan kasi talaga ako.

Nakita kong nag startled siya dahil sa sinabi ko.

"I'm coming with you." Walang pagdadalawang isip na sabi niya at mabilis na tumayo sa kinauupuan niya, "You go take a bath sa kwarto. Dito nalang ako sa isa pang CR sa labas." Pahabol pa niya at dere-deretchong pumasok sa kwarto niya para kumuha ng mga gagamitin niya.

Kagaya ng sabi sa'kin ni Yun Jin, naligo at nagbihis na ako. Kung ano anong mga kaganapan ang nabubuo ko sa isip ko. Unti unti na akong binabalot ng kaba at takot.

𝐎𝐮𝐫 𝐎𝐰𝐧 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐀𝐂𝐓𝐎𝐑'𝐒 𝐀𝐅𝐅𝐀𝐈𝐑 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐈𝐈𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon