"Toff, hindi mo sinabi sakin na pupunta ka." Sabi ko sa kanya.

"So-sorpresahin sana kita, eh." Sabi niya at itinaas ang hawak niyang bag na puno ng pagkain at mga paborito kong inumin.

Niluwagan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya, nang nakita kong pumunta siya sa kusina ay pinunasan ko ulit ang mukha ko at sumunod sa kanya.
Kita kong inaayos na niya ang mga dala dala niya.

Niyakap ko siya sa likuran niya at kita ko ang gulat sa mukha niya, siya lang naman kasi ang gumagawa samin ng ganoon.

"Gusto mong kumain?" Tanong ko at napabitaw ako sa yakap ng humarap siya sakin.

Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang mga buhok na nalulugay. "I want to eat with you and lets talk what happened. Okay?"

Hinawakan niya ang baba ko para ipantay sa kanya at kita ko ang pag-aalala sa mukha niya, ngumiti naman ako bago alisin ang kamay niya upang mahawakan ito.
Pinag laruan ko yon at inisip kung kailangan ko bang sabihin ang totoo.

Nag-angat ako ng tingin at kita ko ang paghihintay niya sa sagot ko. Umiling lang ako na nakapag pabuntong hininga sa kanya.

"Wala yon. Pagod lang sa trabaho." Sabi ko at hinigpitan ang hawak sa kanya, kasabay bg pananalangin na sana ay tanggapin niya yon.

"But, baby, I heard you cry ... It's not about your job, right?" Sabi niya at napalunok naman ako, akala ko ay walang nakakarinig non.

Isang masaya ngunit pekeng ngiti ang binigay ko sa kanya. "Ano kaba, dapat masaya lang tayo ngayon. Nagugutom na ako, maghahain na ako ng hapunan." Sabi ko at umalis na para maghain at makaiwas sa mga itatanong niya.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa bawat segundo, pero hinahayaan ko lang yon. Ayokong magkagulo sila. Hanggat kaya ko, hanggat kayo kong masaktan, kakayanin ko ... Basta huwag lang magkagulo ang pamilya niya.
Hindi ko hahayaang maipit siya, hindi ko rin gustong papiliin siya, ayos lang akong masaktan, sanay na ako, sanay na sanay na ... Ako.


Nasa hapag na kami at ako ang unang bumasag ng katahimikan namin.

"Babe, about nga pala don sa dinner na sinasabi mo, kelan ulit yon?" Pagtatanong ko.

Inaya kasi ng magulang ni Toff ang mga co-workers ko kanina sa meeting, ang tinutukoy niyang dinner ay yung minessage sakin ni Toff ng nakaraang araw.

"Hmm, iniba ni mommy ang date e, hindi na daw next week, sa susunod na buwan nalang daw dahil gusto ni mommy na maraming bisita, kaya ayun..." Pagsagot niya sakin, napatango tango naman ako.

"Bakit babe? May gagawin ka ba sa next moth? Gusto mo wag nalang tayong pumunta? Mag date nalang tayo?" Sunod sunod niyang tanong na nakapag pailing sa akin.

Natatawa naman siyang sumubo. "Ikaw talaga, wag ka ng mag ayos don, baka madaming lalaki ang magkagusto sayo." Sabi niya at nag init naman ang pareho kong pisngi.

"Hindi. Gusto ko lang malaman kung anong magandang suotin at kung hanggang kelan ba ko pwedeng mag prepare." Sabi ko sa kanya.

Nag pout naman siya, nagiging bata na naman. "Ano ba yan, wag na. Maganda kana sa mata ko baka mamaya maagaw ka pa." Napatawa naman niya ko ng kaunti.

Napayuko ako at nagsubo ng pagkain sa bibig ko. Ginagawa ko to para sa magulang mo, Toff. Gusto ko mang sabihin yon sa kanya ay hindi ko magawa.

"Alam mo babe, kanina pagod na pagod ako pero nung narinig kitang umiyak parang nawala lahat ng yon sa sobrang pag-aalala ko sayo. Katok ako ng katok pero hindi ka sumasagot." Pagsasalita niya at napayuko naman ako dahil sa konsensya ko.

Embracing the SeaWhere stories live. Discover now