Chapter 2

84 2 0
                                    

HENRY'S POV

Halos magdidilim na nang makarating ako sa mansion. Nagpatawag ang Mamá ng dinner dahil nami-miss niya na daw kaming mga anak niya. Usually kasi ay twice a month na lang ako kung makauwi sa bahay ng mga magulang namin dahil may sari-sarili na kaming tinitirhan na magkakapatid maliban sa bunso. Masyado din akong abala sa negosyo at hindi ko na maharap na makipag kita pa sa kanila. Madalas nga ay nakakausap ko na lang sila patungkol sa business. Masyadong pormal kung mag uusap man kami.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa labas ng bahay at agad naman akong pinag buksan ng gate ng guardia. Binati pa ako nito bago ko binaybay ang daan papunta sa main door. naka abang na ang mga maids sa pag pasok ko at agad naman nila akong binati.

"Buenas noches Señor!" [Good evening, Sir!] Bati nila sa akin at tinanguan ko naman ang mga ito. Agad namang hinanap ng mata ko ang Mamá at Papá pero hindi ko sila nakita kaya dumeretso ako sa living room at nakita ko agad si Mamá na nakaupo sa sofa at sapu-sapo ang ulo at mukhang problemado.

"How are you Mamá? What's the matter? Nasaan si Papá?" nag-aalalang tanong ko sa kanya hindi pa man ako nakaka lapit. Nag angat siya ng tingin sa akin bago pa lang sumilay ang ngiti sa maganda niyang mukha. Tumayo naman ito at yumakap ng mahigpit sa'kin.

"Namiss kita, anak." Bago palang siya kumalas sa yakap. "Nasa opisina pa ang Papá mo."

"Bakit parang may problema po kayo?" nag aalalang tanong ko. Humugot pa ito ng malalim na pag hinga at dahan-dahang pinakwalan.

"Hay nako hijo hindi ko na alam ang gagawin diyan sa ate mo, hindi na naman daw siya makakarating dahil paalis na naman siya ng bansa. Ilang buwan na namin siyang hindi nakikita. Nakakatampo lang dahil mas inuna niya pa 'yon kesa sa atin ngayon." Malungkot na sabi niya habang nakatingin sa kawalan.

"Entendamosla porque se aprovecha del tiempo que le queda como mujer soltera, Mamá." [Let's just understand her, Mamá. She was just taking advantage of her remaining time being single.] Alam mo naman na in a few months time magiging Mrs. Soriano na siya. Baka hindi niya na magawa 'tong mga nagagawa niya ngayon because she will be having her own family and magiging busy na siya do'n. Saka kilala mo naman yan si ate, ginagawa niya lahat ng gusto niya." Paliwanag ko pa sa kanya pero parang hindi pa din siya kumbinsido. "Wag ka na mag isip ng kung anu-ano, okay? Nakausap ko siya kanina at sabi niya byaheng New Zealand siya. Bakasyon lang. Mga isang buwan siguro. Kaya sigurado akong pag balik niya dito siya dederetso sa'yo dahil malamang namiss niya ang mga pagkain dito. Alam mo naman 'yon, hindi makatagal nang hindi kumakain ng filipino food." Saka palang ito tumingin sa'kin at ngumiti.

"¿Qué más puedo hacer si no entiendo a tu hermana?" [Ano pa nga bang magagawa ko kundi intinidhin nalang ang ate mo?] Sadyang nagtatampo lang ako at namimiss ko na rin siya. Anyway, kumusta ka?"

"Okay naman po--"

"Kuya, andito ka na!---I missed you..." hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang narinig ko na ang sigaw ni Caleb habang humahangos pababa ng hagdan.

"Be careful anak you might fall, my goodness!" sita sa kanya ni Mamá pero parang wala siyang narinig sa halip mas binilisan niya pa ang pag takbo niya papunta sa'kin at agad na nangunyapit. Ginulo ko pa ang buhok niya saka humalik sa pisngi niya.

"How's my baby brother, huh? Nagpapakabait ka ba habang wala kami? Baka naman binibigyan mo lang ng sakit ng ulo ang Mamà at Papá?"

"No po. Mabait po ako 'no!" Nakangusong sagot nito. "Do you have pasalubong for me?" nangiti nalang ako sa tanong niya saka ako umupo sa paanan ko para magpantay ang taas namin.

Recipe for LOVE or Disaster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon