Naglaro kami ng volleyball kuno kahit na ang bola namin ay maliit at basta batuhan na lang kami ng bola. Napansin kong ako lagi ang dumadampot ng bola kapag nahuhulog ito at medyo napapagod na rin ako kaya nagreklamo na ako.

"Ang duga mo naman. Ako na lang lagi yung kumukuha ng bola!" Pagmumukmok ko.

"Eh ikaw naman lagi nakakahulog ng bola eh!" Pagdepensa niya naman.

"Bakit kapag nakakahulog ka ng bola, ako pa rin yung kumukuha?" Nakanguso kong sabi.

"Eh aking bola naman ito ahh." Sabi ulit ni Bonnie.

"May ganon ba? Ang daya naman! Ayoko na nga maglaro!" Sabi ko at akmang iiyak na.

Sumisinghot-singhot na ako at napapakamot na ako sa mata kong nagluluha na. Alam kong bibigay rin siya sa takot na magsumbong ako kaya hindi ako umaalis sa harapan siya at pasimpleng inaantay siyang kunin ang bola.

"Hala! Jamie... Sorry na. Huwag ka na umiyak, please!" Pagpapatahan niya sa akin at niyakap pa ako para lang humingi ng sorry. "Sige na. Ako na ang kukuha ng bola." Sabi niya na agad na nagpangiti sa akin.

Pinagmasdan ko lang siyang lumapit sa bola. Nang makuha niya iyon, tumigil siya saglit para tumingin sa akin. Kumaway kaway pa siya habang sinisigaw ang pangalan ko sa malayo.

"Jamie! Jamie! Wooohooo~~!" Natatawa na lang kami pareho sa kahibangan namin. Sigaw lang kami ng sigaw.

"Bato mo yung bola, Bonnie!" Sigaw ko at iniakma ang kamay ko na sasalo sa bola.

Hinihintay ko lang siyang batuhin yung bola ngunit sa halip na matuwa ako, hindi ko alam na ang sumunod na mangyari ay ang sisira sa kabataan ko. Nakarating ang bola sa akin, hindi pa man iyon nasasalo ay napasigaw na ako.

"BONNIE!!!"

Si Bonnie...

S-si Bonnie... 

N-nakita ko ang buong pangyayari sa harapan ko mismo. 

Nakahandusay at duguan. N-nasagasaan siya ng kotse na dumadaan na hindi man lang tumigil para tulungan si Bonnie. 

End of Flashback. . .

Para akong baliw habang nakaupo sa kama at mariin na nakahawak sa ulo ko habang paulit-ulit na nagre-replay na naman sa utak ko iyon.

"Tama na... Ayoko na, please!" Paghagulgol ko. 

Sumunod na naramadaman ko na lang ay ang bisig ng kung sino. Ang akala ko pa'y si mama iyon ngunit naamoy ko ang pamilyar na pabango. Unti unting humina ang pag-iyak ko at halos lumuwa pa ang mga mata ko nang makumpirma ko kung sino iyon. Halos sampalin ko ba ang sarili ko para lang masabing hindi panaginip ito.

"Gabriel...?" Pagtawag ko sa pangalan niya at sisinghot-singhot pa.

"Jenny, Okay ka lang ba?" Mababakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"I-ikaw nga...Gab." Naluluha kong sabi at niyakap siya pabalik ng mahigpit. 

Aminimin ko man na galit ako sa kanya dahil ngayon lang siya nagpakita muli matapos ang ilang linggo na bukod sa flashbacks, ay nag-aalala rin ako sa kanya. Tila ba'y sa sandaling ito na nasa bisig niya ako, mas naramdaman ko ang pangangailangan ko sa presensiya niya. 

"Na-miss kita..." Bulong ko, hindi ko rin alam kyng narinig niya ba iyon.

"Shushh... Nandito na ako. I'm sorry kung ngayon lang ulit ako nagpakita." 

Forget Me NotWhere stories live. Discover now