Chapter 3

66 57 1
                                    

"Oh bakit biglaan yata ang punta mo dito?"

Tanong ni Gab habang bumababa ng hagdan, ni hindi man lang maalala na siya pa ang nagsalubong sa akin kanina sa pinto.

"Bakit? Gusto mo akong paalisin?" Taas kilay kong tanong ngunit matitinigan ang pagbibiro.

Ngumiti siya ng maloko at tumigil sa harapan ko, tila nang-aasar pa. Itinaas-baba niya rin ang kilay niya.

"Pwede ba?" Pagbibiro niya din sabay ang tawa.

Inirapan ko siya at kasabay niyon ay ang pagbato ko sa kanya ng maliit na unan na nasa sofa kung saan ako nakaupo. Sinalo niya iyon at ibinalik ulit sa akin.

"Magbihis ka na nga! Ngayon tayo aalis papuntang tagaytay hindi ba?" Tugon ko. Tumango naman siya at halata mong nawala sa isip niya ang usapan namin.

Gaya ng sinabi ko, naghanda siya ng damit niya. Ilang saglit pa ay bumalik siya sa harap ko na may dalang dalawang damit sa kanyang mga kamay.

"Which one is better?" Pagtatanong niya habang ipinapakita sa akin ang mga damit.

"Bet ko yung stripes na shirt mo, tas magdala ka na lang ng hoodie or jacket para kung sakaling malamig doon ay prepared ka." Suhestyon ko.

"Ayaw mo 'tong yellow? Para couple goals tayo." Tukoy niya sa magkaparehong kulay at shade ng damit namin.

"A.yo.ko. Kaya nga yung stripes pinili ko kasi ayoko kang kapareha ng kulay ng damit. Couple goals ka pang nalalaman diyan... Single pa ako!" Tugon ko ng pasinghal na sinabayan ko rin ng pag-irap ngunit tinawanan lang ako ng Gabriel na iyon.

¤~¤~¤~☆~¤~¤~¤

Ang akala ko ay magko-commute lang kami, ngunit nagulat din ako nang magprisinta si Gab na siya na raw ang mag-drive. Mabuti na rin iyon, para hindi hassle sa biyahe.

"Marunong ka pala mag-drive?" Pagbasag ko sa katahimikan habang nasa loob kami ng kotse.

Ngumisi siya ng nakakairita, tila biglang humangin sa yabang ng Gabriel na ito. Nanatili lang siyang nakatingin sa kalsada gayunman ay hindi nito napigilan ang bibig nitong magyabang.

"Siyempre naman! Ano? Na-fall ka na sa akin?" Nakangisi niyang sabi. Mahina ko naman siyang pinalo sa braso ngunit gaya ng lagi niyang ginagawa, tumawa lang siya.

"Anong na-fall?! Matagal na kaya!" Singhal ko. That caught him off guard. Biglang tumahimik ang paligid at ngayon, nakatingin siya sa akin ng may gulat na ekspresyon.

"A-ano?" Uutal utal niyang pagkukumpirma. Ang cute ni Gab lalo na ngayon na namumula ang mukha niya.

"Charot!" Pasigaw kong sabi at tinawanan siya ng malakas. Napahinga naman siya ng malalim at bumagsak ang balikat niya. "Ikaw ang natameme, noh?" Nakangisi kong sabi.

"Kwento mo sa pagong." Childish niyang sabi habang nagme-make face pa siya.

"Epal mo." Childish ko ring sabi at ginaya ang ekspresyon niya kanina.

"Bilib ka lang sa driving skills ko eh. Gusto mo bang pakitaan pa kita ng tricks?" Pagmamayabang niya ulit.

"Tricks ba kamo? Baka banggain mo lang ahh." Pagbibiro ko. Bumaba na ang hyper level namin. Kalmado na kami ngayon, pramis.

"Ehh? Sayang ang kagwapuhan ko kung masisira ang mukha ko kapag binangga ko 'to." Pagbibiro niya habang nakangiti.

"Ewan ko sayo. Ang corny mo." Nakangiwi kong sabi. Tinignan ko ang GPS namin at nakitang medyo malapit na kami sa destination namin.

Forget Me NotWhere stories live. Discover now