Poem #38

18 0 0
                                    

Habang Maaga Pa
By: Jim Swift

"Kabataan ang pag asa ng bayan"
Ngunit bakit tila sila pa ay nakikipagunahan,
Kapag wala ng jowa,
Di na masaya.

"Edukasyon ang susi sa kahirapan"
Pero puro gala naman ang nasa isipan,
Reklamo dito, reklamo doon,
Di nalang sa pag aaral ang ituon.

Wala tayong mararating,
Kung ang utak ay puro hangin,
Kaya't habang maaga pa, baguhin na,
Upang sistema nati'y makakaahon pa.

Hindi ko naman linalahat,
Pero di ko din sinabing maging tamad,
Di tayo aasenso,
Kapag hindi tayo magbabago.

---
First Release:
April 26, 2021
Republished:
September 25, 2021

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random PoemsWhere stories live. Discover now