Poem #16

19 2 0
                                    

Musika
By: Jim Swift

Umupo ka sa aking harapan,
Pagtugtog ng ukelele iyong sinimulan.
Ako nama'y napangiti at natulala,
Nang sinimulan mo na ang pagkanta.

Puso ko'y umaapaw sa saya,
Dahil sa boses mong napakaganda.
Nabihag mo ako sa taglay mong talento,
Nabihay ng kanta mo ang puso ko.

Nais kong malaman mo na,
Nandito lang ako lagi para sumuporta.
Hindi ako magsasawa,
Na makinig sa iyong mga Musika.

---
First Release:
April 11, 2021
Republished:
September 21, 2021

Random PoemsМесто, где живут истории. Откройте их для себя