"I'm gonna call the nurse." Nanakbo si Trudis patungo sa pinto. Para siyang patpat na hinangin palabas.



Nang mag-isa na ako ay saka ko bumalik sa alaala ko kung ano ang nangyari. Naaksidente kami nina Dad at Mudra sa kotse dahil nabangga kami ng truck on our way to the airport. But where are they? 



What happened to them? 



Nangilid ang luha sa mga mata ko. Natatandaan kong kalahati ng katawan ng kotse namin ang nabangga ng truck. Iyong unahang parte ng kotse ang napuruhan kung saan nandoon si Dad at Mudra.



Mayamaya pa'y humahangos na pumasok sa pinto si Tito James. May kasunod niyang nurse sa likuran na lumapit agad sa akin para i-check ang vitals ko.



"Embry, are you all right?" May pag-aalala sa boses ni Tito James. "You're going to be all right. Lakasan mo lang ang loob mo," aniya matapos niyang himasin ang ulo ko.



"Uhm... ah..." Where's Dad? Where's Mudra? Gusto ko sana itong itanong sa kanya pero hindi talaga ako makapagsalita. Puro ungol lang ang kaya kong gawin.



"Your Mudra is in the ICU," singit ni Trudis mula sa likuran ni Tito James. Hindi napigilan ng Dad niya ang kadaldalan niya.



ICU? Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.



Napayuko si Trudis pagkatapos nilang magkatinginan ng Dad niya. "She's in a coma, Embry."



"May head injuries siya. Doctors also found broken bones in her arms and ribs," ani Tito James.



Napaiyak na ako. I wanna see Mudra. Nag-aalala ako sa kanya.



"You've been in a coma, too, Embry," malungkot na paliwanag ni Tito James. "More than a week."



More than a week akong na-comatose?! But where's dad?! Nasa ICU rin kaya siya?



Napakapit ako sa mapayat na kamay ni Trudis. Dahil hindi ako makapagsalita ay gusto kong iparating sa ganitong paraan ang gusto kong sabihin. Nabasa yata ng dalawa ang nais kong itanong. Nagkatinginan muli sila at bakas sa mga mukha nila ang labis na lungkot. Nanikip ang dibdib nang makita ang mga mukha nila.



"I'm sorry, Embry." Napapikit si Tito James. "But your dad... did not make it."



Napatigagal ako kasabay ng pagtigil ng mga luha ko.



"He was dead on arrival."





✟✟✟



MAG-ISA NA LANG AKO.



Dad was dead and Mudra was in a coma. Ako na lang mag-isa sa mundo ngayon, 'tapos hindi pa ako makapagsalita.busina.



According to my doctor, I've got "aphonia" or loss of voice. It was because of laryngeal nerve damage caused by injury of both nerves that are attached to the voice box. This damage to the nerves of my larynx caused the loss of my voice. Because of that freaking car accident, I became mute forever.



Walang patid ang pagluha ko habang nakatulala sa aking hospital bed. I also had broken bones kaya hindi pa rin ako makatayo. Hindi ko alam kung kailan ako makakalakad nang maayos.



Isa na akong pipi na pilay!



Siguro ito na ang karma ko dahil isa akong manipulative spoiled brat. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi naman sa akin ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. I was the one who insisted the vacation. 



When I First Met YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя