Edward Jake Hutton-Harnese Villasor

263 17 1
                                    

"Harnese! Mahal mo ko?" Sigaw ng kaklase ko na si Edward Jake Hutton habang nagsasign ng heart finger, tinatawanan ng mga kaibigan. Ubod ng hangin, palibhasa ay guwapo.

"Ang hangin mo! Ewan ko sa iyo!" Sigaw ko saka pumasok sa library at doon magtago. Eshhh! Nakakahiya talaga!

Bakit pa ba kasi sa isang lalaking kagaya niya ako nainlove?! Kainis! Hindi ko naman kasi iyon sinasadya!

Hindi ko siya gusto nong una saka hate ko siya, lagi kasi kaming nag-aasaran. At doon ko nalaman na mahal ko na pala siya.

Ewan ko. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko kapag Nandiyan siya. Guwapo, mayaman, matalino, mabango pero ubod naman ng yabang.

Madami ngang naging girlfriends pero hindi naman siniseryuso. Kaya prinomise ko sa sarili ko na hindi ako maiinlove sakanya. Pero talagang huli na eh. Inamin ko narin, pero hindi ko iyon inaasahan.

Tinawagan ko si Eshia, best friend ko. Tanda ko'y alas-sinko ng hapon iyon.

Gusto ko mailabas at hindi ako mapakali kaya kailangan ko nang makakausap tungkol sa feelings ko.

So ayun dinial ko phone number niya. Nong narinig kong pinindot niya Na iyong answer button ay saka ako dumakdak ng dumakdak.

Sinabi ko na huwag na muna siyang nagsalita dahil kailangan ko na talagang mailabas feelings ko. Sinabi ko sakanya na nafafall na ako kay Edwad, na mahal ko na siya.

Pero natakot ako kasi baka hindi naman ako mapapansin ng gagong iyon. Tuloy tuloy ako sa pagsasalita, dumakdak ng dumakdak hanggang sa biglang nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya. Boses lalaki!

"Uyy! Esia? May kasama ka diyan? Uyy! Bakit mo pinarinig?!"

"Hindi ako si Eshia. Ako si Edward.

Napacussed ako sa loob-loob ko. Nang tiningnan ko ang screen ay umilaw iyon at si Edward nga iyon. Ang bobo! Magkasunod name nila, nanguna si Edward bago si Eshia sa contact list ko.

Hindi na ako nagsalita. Tikom bibig ko. Nakakahiya. Gusto ko nang sabunutan buhok ko eh. Pulang-pula na pisngi ko.

Kaya inaasar parin ako ni Edward hanggang ngayon. Hindi niya alam na gusto kong itago na ito sakanya pero mas lalo na 'kong naiinlove sakanya.

"Harnese, pwede ba tayo mag-usap?" Napatalon ako sa gulat. Buti nalang hindi ako sumigaw sa gulat. Nasa harapan ko na siya! Sinundan niya ba ako dito sa library?!

"Anong ginagawa mo dito? Ano?! Aasarin mo na naman ako?" Ngumiti siya saka ako hinila sa labas ng library.

Nagulat nga ako nang bigla niya akong hinatak sa beywang at sumigaw. "Harnese Villasor is now my girlfriend! Don't you dare boys go near her! And if I heard that she's being bullied, I will do everything for her!"

At tumingin siya sa akin na may ngiti sa labi. Ngumiti rin ako sakanya.

THE END

Collection Of One Shots (Completed)Where stories live. Discover now