I Can't Make You Love Me

21 3 7
                                    

I can't make you love me. 

Not when you look at him the way I want to look at you. Not when he makes you laugh the way I want to. Not when you're that... happy.

Sa totoo lang, kada makikita kita na kasama siya, gusto kong sumuntok ng kahit ano. Ngunit kada pinapangiti ka rin niya, wala, wala na yung galit. Kasi ikaw 'yan eh. Iyang ngiti mong kayang magpakalma, magpangiti, mapanakit man pero ang ganda tingnan.

"Hades, si Vincent pala" 

Simpleng tumungo lang ako sa lalaking nasa tabi ng babaeng pinagdasal ko simula pa noon.

"Pare" Inilahad niya yung kamay niya. Napawi ang tingin ko kay Persephone na nakaabang sa akin. Tinaggap ko yung kamay ng nasa harap ko at kinalog. 

"'Wag mong saktan iyan ha" pabiro kong sabi kahit bawat parte ng katawan ko ay namamanhid. "Susuntukin ka niyan" sinabayan ko ng tawa ang babala ko. Parati kasi akong sinusuntok ni Persephone, ewan pero natutuwa ako pag sinusuntok niya ako. Ang saya ng pakiramdam na mahawakan niya ako e. 'Yan lang din ang paraan na maramdaman ko ang hawak niya. Sinubukan ko siyang niyakap noon pero ayaw niya kasi parang ang clingy raw, corny raw. 

Ang layo ng sabi niya sa nakikita kong eksena sa harap ko ngayon. Niyayakap siya ng Vincent habang ginugulo ang kanyang buhok. Ayaw pa niya naman na mahawakan 'yon kasi maaarte 'yun. 

"'Wag kang magalala pare, pangako" Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay malambing niyang nginitian ang aking sinta. Ay mali, hindi pala akin, sa kanya pala. 

"Hindi ako makakasabay sa'yo pauwi ngayon, may meeting pa kasi sa org"

Aaya sana ako na hihintayin ko na lang siya tulad ng ginagawa ko parati pag may overtime siyang gagawin sa school. 

"Hahatid na lang kita" 

"Talaga? 'Di ka busy?" Ako hindi ako busy.

"Nope, syempre para sa'yo , never"

"Naks, corny naman. Mauna na ako, may pinapadaan si nanay" sapaw ko sa kanilang titigan pero mukhang di nila 'yon na rinig. May sariling mundo ata.

 I left. Tinext ko nalang na umuna na ako. The roads home were odd to walk on, kahit na araw-araw naman din kaming dumadaan ni Seph dito. Palubog ang araw at halo-halo ang mga kulay sa himpapawid. Sayang, gustong-gusto pa naman ni Seph ang ganito. Kinuhanan ko 'yun ng litrato at isinend sa kanya. Mamaya pa siguro niya 'yon makita, medyo matagal-tagal din natatapos ang mga meeting non kaya binibilhan ko ng pagkain at dahil baka nagugutom na. 

Mapait akong napangiti. I reached into my pocket and took the letter I wrote. Handa na sana ako e. Late nga lang. I scoffed. I threw in a nearby trash can and tucked my hands into my pockets as I continued walking.

 All the books said Persephone and Hades had a great love, no matter how tragic it was, but maybe that love was just meant for the books.

One ShotsWhere stories live. Discover now