ËPÍLØGÜË :

0 0 0
                                    

UKI POINT OF VIEW :

Hindi matigil ang aking pag iyak habang naka tanaw kay Al na hawak hawak sa kamay ang kambal ko. Hindi ko alam kong bakit nahantong sa ganito ang lahat. Pero nitong mga naka raang araw lang unti unting bumalik sakin ang mga ala alang nawala ilang taon na ang nakakalipas.

Sasabihin ko na sana kay uri o hellious ang totoo naming pagka tao pero dinala ako ni Crist sa kwartong ito. Ilang araw na akong walang kain at binubugbog nya. Ang sakit ng aking nararamdaman maging sa pesikal o maski emosyonal.

Bakit nagawa nito sakin ng taong minahal ko? Nasaan na ang tian tian na pinag tatanggol ako sa oras na inaaway ng ibang nakakalaro namin? Nasaan na ang tian tian na tudo alaga at nagagalit kapag na papalipasan ako ng gutom. Bakit sa isang iglap parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon?

Ninginginig ang buo kong sistema ng makitang unti unting lumalapit si tian tian sa kinaruruonan ko. Hindi naka ligtas saking mata ang kamay nitong nababalutan ng dugo at may hawak hawak na kutselyo. Paatras ako ng paatras habang sya'y palapit ng palapit sakin.

Nanlamig at hindi ako maka tayo sa aking kinauupuan ng tuluyan na itong maka lapit sakin. Mas lalong lumakas ang pag tulo ng aking mga luha.

“ Tian tian. Please stop.”  Nanginginig ako ng sabihin ko ang mga salitang yun. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mata at nanginginig ang kamay na naka hawak sa isang matalim na kutselyo.

“ Uki. Patawarin mo ako. ”  Napapikit ako ng sasaksakin na nya sana ako pero naramdaman ko ang pag hinto. Napamulat ako ng mata at tiningnan ang lalaking kaharap ko ngayon. Nasa iba ang tingin nito kaya napa tingin din ako kung saan ito naka tingin. Nanlaki ang aking mata ng makita ang kamukhang kamukha ni tian tian. Nasa may pintuan ito at may kasamang dalawang tao sa kanyang likod.

Nakita ko ang biglang pag tayo ni Alyesha sa pag kakaupo ng makita ang dalawang taong nasa likod ng kamukha ni tian tian. Nanginginig ang tuhod nito ng lumapit sya sa dalawang taong umiiyak na pinag mamasdan sya.

- - -

Dali daling tumakbo ang dalagang si Alyesha para yapusin ng mahigpit na yakap ang hindi inaasahang tao na kahit kailan ay hindi nya na isip na muli nyang makikita.

“ Mommy , Daddy ”  Humagulhol ang dalaga sa bisig ng kanyang mga magulang.

Simula ng mangyari ang masaklap na pangyayari walong taon na ang nakaka raan. Nawalan ng ala ala ang lahat ng kaibigan ng dalagang si Alyesha. Isang tao ang kumuha sa kanila maging ng mga magulang ng dalaga. Ang akala ng taong nasa likod ng lahat ng pangyayaring ito ay nawalan din ng ala ala ang magulang ni alyesha pero nag panggap ng mga ito dahil nasa kamay ng taong yun ang mga batang kaibigan ng kanilang anak. Sila ang kinilalang mga magulang ni Uki at Uri. Habang ang batang si Christian naman ay hindi nawalan ng ala ala. Pinilit ito ng taong yun na gawin ang mga bagay na kahit kailan ay hindi nya naisipang gawin sa sarili nyang mga kaibigan.

Naging sunod sunoran si Christian sa lalaking yun ng malamang mayroon syang kambal na nawawala. Yun ay si Christ. Simula bata palang ito nasa kamay na sya ng isang ganid na tao. Sakitin ang kanyang kambal. Dahil din kay christ kaya ginagawa ni Christian ang lahat ng ito.

Isang putol ng bala ang naka kuha ng atensyon sa lahat ng taong nasa loob ng silid. Isang tao ang naka ngising naka tingin sa kanilang lahat.

“ Hinding hindi ko hahayaang maging masaya kayo. ”  Nag pupumiglas ang lalaking naging butler nila uki at uri na ngayo'y hawak hawak ng mga pulis. Ito rin ang taong nag panggap na lolo nila ng mawalan sila ng ala ala. Simula bata palamang sila. Anak ito sa labas ng lolo nila na kahit sino ay walang nakaka alam. Labis itong nagalit dahil kahit kailan ay hindi nya naramdamang mahalin ng kahit sino. Simula bata palang ito plinano na nyang pumasok sa mundo ng dalawang pamilya para maghiganti.

Ang pamilyang Mistross naman ang dahilan kung bakit nawala ng maaga ang kanyang ina. Kilala ang dalawang pamilya na mag kaibigan sa mundo ng negosyo at mundo ng mga mafia.

Napatay ang kanyang ina ng mga magulang ni Alyesha ng pag tangkain itong patayin ang dalawang mag asawang magulang nila uki at uri.

Napaluhod ang dalagang si Alyesha at sumuka ng dugo sa harapan ng mga taong napaka emportante sa kanya.

Nanlulumong naglakad si Christian papalapit sa kanyang kaibigan at napa luhod sa harapan nito.

“ Al al. Sorry , sorry. I should be the one who deserve to die. ”  Labis na sinisisi ni Christian ang kanyang sarili ng makita ang duguang si alyesha at sumusuka ng dugo. Umiling uling ito na parang pinapahiwatig na hindi nito kasalan ang mga nangyari.

“ Kahit kailan ay hinding hindi ako magagalit sayo tian tian ”  Nakangiting hinawakan ni alyesha ang mukha ni Christian gamit ang duguan nitong kamay.

Sunod na lumapit ang dalawang magula ng dalaga.

“ Our beautiful curse ”  Umiyak ang dalawang magulang at mag kabilang hinawakan ang kamay ng dalaga. Matamis na ngumiti ang dalaga sa dalawang pinaka mabait na magulang na nakilala nya sa buong mundo.

Nang hihinang lumapit ang dalagang si uki sa harap ni alyeshang katabi ng kanyang nakahandusay na kambal.

“ Al , Uri ”  Nanginginig ang kamay ni uki ng humawak sa dalawang kamay ng taong mahalaga sa kanya. Pinag lapit nya ang kamay ng dalawang walang malay na naka handusay na ngayo'y nan lalamig at balot na balot ng dugo ang buong katawan. Mapait syang napangiti ng makita ang ngiti sa labi ng dalawa. Ang kanyang kaibigan at ang kanyang kambal.

“ Nag hirap at nag tiis sa buhay na mayron ka.
Nag hinagpis at lumuluhang mag isa habang yakap yakap ang unan sa kama.
Inako at sinisi ang kasalanang kahit kailan'y hindi mo naman ginawa.
Ilang taong kinalong at dinala ang masasakit na ala ala.
Pero sa huling pag kakataon , maging masaya ka sana sa piling nya. ” 

🔱 Little_X_Psycho 🔱

Painful Curse Where stories live. Discover now