ÇHÄPŤËŘ 7 :

0 0 0
                                    

URI POINT OF VIEW :

Andito ako ngayon at umiinom sa kwarto. Nag seselos ako. Nagagalit din ako kay christ dahil alam nyang may gusto ako kay Al. Alam na alam nya yun. Pero bakit nya nililigawan si al? Anong nangyari? Sya yung kwenentuhan ko kung ano ba talaga ang tingin ko kay al. Anong nangyari sa christ na kilala ko sa dalawang taon? Bakit parang ibang iba na sya ngayon?

Nilagok ko ang alak. At pasimpleng pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata. Ang sakit sa feeling na niluko ka ng kaibigan mo.

Kahapon palang umuwi si christ galing U.S sinabi ko rin sa kanya na may nagugustuhan akong babae na dalawang beses ko palang nakita. Ewan ko pero parang ibang iba ng christ ang kasama namin ngayon.

Napunta sya sa U.S upang mag pagamot. Malubha ang naging kalagayan nya kaya kailangan pa nyang lumuwas ng ibang bansa. Para lang magpagamot. At matapos ang ilang taon nandito na muli sya.

Narinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto. Nilingon ko ito at nakita ang lalaking naka tayo sa may pintuan. Nabuo agad ang galit sa aking sestema ng makita ang lalaking naka tingin sa akin na parang wala lang itong ginawang masama.

Pilit akong tumayo kahit pa geywang geywang na ang lakad ko. Pinuntahan ko ito at inambahan agad ng malakas na suntok. Agad na umagos ang lasasaganang dugo sa kanyang mukha.

“ Sinabi ko sayong gusto ko sya. Tinuring kitang totoong kapatid. Pinag katiwalaan kita pero sa huli kukunin mo din pala sakin ang babaeng gusto ko. ”  Nag simula na akong umiyak sa harapan nya. Pero parang wala lang itong paki alam sa aking nararamdaman.

“ Huwag mo akong sisihin Uri. Dahil sating dalawa ako ang na una. Hindi ko naman alam na sya ang babaeng sinasabi mo. Mas na una ko syang nakilala at panghuli ka. Kaya sa ating dalawa ako ang may karapatan sa kanya. ”  Akmang susunggaban ako nito ng suntok pero may pumigil sa kamay nya. Nakita ko ang lumuluhang si Uki.

“ Christ. Tama na please.. ”  Lumuluha ang aking kapatid habang nakiki usap sa lalaking ngayo'y nakatingin sa kanya. Nag tagis ang aking bagang at akmang susuntukin ko na sana ulit ito. Nang walang pasabing tinalikuran nya ako at pabagsak na sinara ang pinto.

Nanghihinang napa upo ako sa sahig. Kung ganon matagal na silang mag kakilala? Mapait akong napatawa. Ano nga bang magagawa ko? Wala akong laban kay christ. Dahil sa ming dalawa sya palagi ang lamang. Sya palagi ang napapansin ng lolo at ako itong palaging napaparusahan at nakaka tanggap ng mga masasaganang sugat.

“ Uri. ”  Mabilis akong kinabig at niyakap ng aking kapatid.

“ Uri. Kambal ko. Alam ko ang nararamdaman mo. Umiyak ka lang kong gusto mo. Umiyak ka lang dahil nandito lang akong magiging iyakan mo kahit na anong mangyari. Dahil kagaya mo rin ako kambal ko. ”  Napatingin ako sa kanya dahil sa hindi maintindihan kong ano ang ibig nitong sabihin.

“ Uri. Matagal ko ng gusto si christ. Matagal na akong may tinatagong nararamdaman sa kanya. Pero kahit anong gawin ko hindi nya parin ako napapansin. Ang sakit eh! Sa isang iglap lang may nililigawan na pala sya. Ang masaklap pa dun si Al pa. ”  Napahagulhol ito habang niyayakap ako. Hinila ko sya at niyakap ng mahigpit.

All this time hindi lang pala ako ang nasasaktan. All this time naging mahina ako sa harap ng kapatid ko. Pero sya pala ang mas kailangan ng masasandalan. Naging mahina ako. Hindi ko man lang napansin na nasasaktan din pala ang kambal ko. Hindi ko alam na may nasasaktan din pala dahil sa iisang tao lang naka tuon ang atensyon ko.

Bakit ba kasi ako naging ganito? Bakit sa dinami dami ng tao sa kanya pa ako nag ka gusto? Sa babaeng kakakilala ko palang. Bakit ang bilis naman yata? Bakit unang kita ko palang sa kanya parang matagal ko na itong gusto.

Biglang sumakit ang aking ulo. Napahawak ako dito at hindi pinahalata sa kapatid ko. Nitong mga naka raang araw palagi ng sumasakit ang aking ulo. Tapos may napapanaginipan akong hindi ko alam.

Huminga ako ng malalim at tiniis ang sakit ng aking ulo. Pero mas lalo lang itong naging masakit. Unti unting nanlabo ang aking paningin. At pagtawag ni uki sa aking pangalan ang aking huling narinig bago mawalan ng malay.

“ Manong ihinto nyo ang sasakyan may truck. ”  sabay sabay na sigaw ng mga batang nasa loob ng kotse. Hindi ko maaninag ang mga mukha nito dahil puro lang ito anino. Hindi pinakinggan ng driver ang sinabi ng mga bata. At isang ngisi ang nabuo sa kanyang labi bago tuloy tuloy na pinatakbo ang sasakyang kanilang sinasakyan. Nag umpisang mag sigawan ang mga batang nasa loob ng sasakyan ng mabasag ang mga salamin. Unti - unting nag dilim ang paligid at nahaluan ng kulay pula ang mga bubog ng salamin.

Napabalikwas ako sa pagka higa. At habol habol ang hininga. That dream. Ilang araw ko ng napapanaginipan ang pangyayaring yun. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makita ang mukha ng mga batang sakay sa sasakyang yun. Napatingin ako sa babaeng humawak sa aking kamay. Tiningnan ko ito ng walang ka emo emosyong mata.

Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya rito?

ALYESHA POV :

Biglang kumirot ang aking dibdib ng makita ang walang ka emo emosyong mga matang ibinigay nito sakin. Damn. Bakit ganon? This is what i want right? Pero bakit ng makita ko ang mga mata nyang iyon. Parang may kirot akong naramdaman. Para bang sinabasabi nitong may kasalanan akong nagawa kahit di ko naman alam kong ano yun.

“ Okay kana ba? ”  Tiningnan lang ako nito at tumango. Parang may bumara sa aking lalamunan dahil sa lamig ng pakikitungo nito.

Anong nangyari sayo? Bakit mo pinapakita yang mga tingin mong hindi ko gugustohing makita? Bakit ang lamig ng pakikitungo mo ngayon sakin? May mali ba akong nagawa?

An dami kong gustong itanong dito. Pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa pwedeng kahinatnan ng magiging sagot nito. Bakit ko ba to nararamdaman? Bakit ako nag aalala sa kanya? Dapat akong magalit sa magkapatid. Pero hindi ko alam kong ano ba talaga ang dapat kung maramdaman.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok mula dito si tian tian at si uki. Nakita ko ang pag kuyom ng kamao ni uri ng mapa dako ang tingin nito sa gawi ni tian tian

🔱 Little_X_Psycho 🔱

Painful Curse Where stories live. Discover now