Chapter 16: Worst Nightmare

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatigil na lang ako sa pagsigaw nang may narinig akong isa pang sound. Parang sound ng ginagalaw na doorknob!

Nagulat na lang ako nang nakita kong gumalaw-galaw yung doorknob ko. OMG! Feeling ko aatakihin na ako sa puso anytime!

Pagkatapos ng paggalaw-galaw nito, bigla namang nagbukas ang pinto at may pumasok. Yun ang naging dahilan kung bakit napasigaw ako ng mas malakas.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

"AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!" - ?

Nagulat din naman ako nang mapansin kong sumasabay sa pagsigaw ko ang taong pumasok. Maputi ang mukha niya, mahaba ang buhok, at naka-...naka-night gown?

"MOMMY?!"

"Ano ka ba naman anak! Bakit ka ba kasi sumisigaw! Ano bang nangyari sa'yo? 3 am na ah!" - Mommy.

JuiceKo naman! Akala ko naman kung ano na yung pumasok dito sa kuwarto ko! Si Mommy lang pala! Para na talaga akong aatakihin sa puso kanina sa sobrang takot!

"Mommy naman kasi! Akala ko naman po kung sino o kung ano! Ang puti pa ng mukha niyo!"

"Night cream yan anak! Face cream! Ano bang problema at bigla ka na lang sumigaw diyan? Madaling araw na ah." - Mommy.

Hinimas-himas naman ni Mommy ang likod ko na sign ng pag-comfort niya sa akin. Medyo na-relax naman ako at medyo guminhawa ang pakiramdam ko nang ginawa ni Mommy yun sa akin.

Iba talaga pag may ganitong Mommy. Paglapit pa nga lang niya sa akin, parang naalis na ang takot ko. Si Mommy talaga ang savior ko sa mga ganito. Kaya naman love na love ko siya eh. :)

I hugged her tight na naging sanhi ng pagkagulat niya pero niyakap din naman niya ako pabalik. Humiwalay na rin ako agad sa kanya at sinagot ko na rin siya.

"I'm sorry Ma. Hindi kasi ako makatulog eh. Medyo natakot lang po ako nung may tumunog."

"Ano bang klaseng tunog yun?" - Mommy.

"Parang yung musical instrument po na triangle na ini-strike ng two times. Nagulat lang po ako."

"Anak naman. Di ka pa ba nasanay sa message alert tone mo? Kami nga ng daddy mo memorize na memorize na namin yang tunog niyang iPhone mo simula nung binili natin yan eh." - Mommy.

Ano daw? Message alert tone? Tunog ng iPhone ko? Yung tunog na parang tri-...Oh shoot! Oo nga pala! Yun nga pala yung message alert tone ko.

Gosh! I can't believe this! Pati sarili kong iPhone at sariling tunog ng iPhone ko kinatakutan ko pa?

Hinanap ko ang iPhone ko. Kinapa-kapa ko ang bed ko at nahanap ko ito sa ilalim ng unan ko. Agad ko naman itong kinuha at pinindot ko agad ang home button.

Nang napindot ko na ang home button, nag-appear ang lock screen. At sa lockscreen, may naka-display na preview ng isang message.

Hindi ko na muna binasa ang message at itinabi ko na muna ang cellphone ko. Nakakahiya naman kay Mommy eh. Nandito p kasi siya sa room ko at kausap ko pa.

"Opo nga pala. iPhone ko nga pala yun. Sorry Ma. Nagulat lang po talaga ako."

"Eh halos mag-acapella na nga kami ng daddy mo tuwing naririnig namin yan eh. Halos gayang-gaya na kaya namin sa sobrang dalas na naririnig namin yan. Haha." - Mommy.

"Sorry po kung nagising kayo sa sigaw ko."

"Okay lang yun anak. Buti nga ako lang nagising eh." - Mommy.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon