18 : 2As2Gs2Ls

45 3 9
                                        


(A/N: Para sa mga malilito, dalawang A, dalawang G, at dalawang L po yun. Pinaiksi ko lang, 2As2Gs2Ls pronunciation... tu/eys/tu/jis/tu/els)

.

XUEER'S POV

(April 21, 2020. Monday, 10am)

"You've passed the audition.", rinig kong sabi ni Chengcheng.

Araw ng audition dito sa Cheng Ent. eh. As usual, nakamask ako dito at katabi ako ni Chengcheng. Ako kase pinakasikat na artist dito sa company nya kaya ako ang isinama nya dito.

Tumingin ako kay Chengcheng at nalungkot naman ako sa nakita kong expression ng mukha nya. Ang cold ng expression ng mukha nya, hindi ito yung usual na expression na ipinapakita nya kapag may audition... Kadalasan ngumingiti kahit kapag nagbibigay sya ng harsh comment sa trainee, ang bright nya pa din tingnan... malayong-malayo sa nakikita ko ngayon.

Hays, naalala ko na naman ang naging pag-uusap namin kahapon.

.

// FLASHBACK //

(April 20, 2020. Monday, around 3:00-4:00am)

"Sabihin mo sa akin lahat ng nangyari, Xueer... gusto kong maintindihan.", sabi nya sa akin. Kinabahan naman ako.

Nakita kong tumungo sya at pinunasan ang luhang tumulo sa pisnge nya kani-kanina lang.

.

"Saan mo ako gustong magsimula?", malumanay na tanong ko sa kanya.

Tumingin naman sya sa akin.

"Mula sa pangyayaring kinidnap ka ni Xiaowei... teka—totoo ba talagang kinidnap ka nya? Hah!", tanong nya.

Napabuntong-hininga ako at pumunta sa pwesto nya para maupo sa tabi nya.

Pagkaupo ay hinawakan ko ang kamay nya. Hindi ko sya tingnan, tumingin ako sa harapan ko.

"Kinidnap nya ako, wala na naman kase sya sa katinuan na nun eh... nauto at napag-utusan lang sya. Ginamit na rin nyang opportunity yun para gantihan ako dahil totoong may gusto sya kay Yuxin at binully ko sya nang dahil dun.", pagsisimula ko.

Nanatili akong nakatingin sa harapan ko pero ramdam kong nakatitig sa akin si Chengcheng.

"Sino ang nag-utos sa kanya?", tanong nya sa akin.

"Hindi mo na kailangang alamin yun.", sabi ko.

Naramdaman ko namang pinisil nya ang kamay ko kaya't napatingin ako sa kanya.

"Tell me everything, Xueer. Please...", pakiusap nya sa akin.

Ngumiti naman ako ng kaunti.

"Mangako ka munang hindi ka magagalit sa taong yun.", sabi ko sa kanya.

Tumango naman sya at itinaas pa nya ang kanang kamay nya, senyales na nangangako sya.

"Inutusan sya ng magulang mo.", sabi ko at naramdaman kong lumuwag ang kapit nya sa kamay ko. Kitang-kita ko ang gulat mula sa mga mata nya.

"Bakit naman nila kailangang gawin yun?", naguguluhang tanong nya.

"Sabi ng magulang mo ay kailangan kitang pakasalan at natuwa si Xiaowei dun dahil naisip nya na kapag nakasal ako sayo ay mapupunta na sa kanya si Yuxin. Sabi nilang kailangan kitang pakasalan for the sake of your life, my life, Yuxin's life, and our friends' life.", pagpapaliwanag ko.

When It Rains || FILVERDove le storie prendono vita. Scoprilo ora