Knight in Red Apron

Start from the beginning
                                    

“Oo.” Maikling sagot ko dito.

“Anong course mo?” tanong nito ulit. Tsismoso? De, joke lang.

“I.T.” Nginitian ko siya pagkasagot ko.

“I.T?” paulit-ulit lang?

“Yup.”

Hindi lang ang pakikipag-usap ni Drew ang nakakagulat kundi pati na rin ‘yon isang babae na lumapit sa akin. Mula sa likod ay kinalabit ako noon babae.

“Ahm, excuse me? Tapos ka na ba makipaglandian sa boyfriend KO?” Ay, anak ng ano. Ako? Nakikipaglandian? Jusko naman! Kapag kinakausap, malandi na kaagad? Hindi ba pwedeng friendly lang?

At hellooo, hindi ako nag-start ng conversation kundi... ang boyfriend niya!

Nakuha tuloy namin ang atensyon ng mga tao sa loob ng Starbucks. Eskandalosa kasi ‘tong babae na ‘to eh! Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang tray kung saan nakalagay ang frap at bread ko.

“Teka! Hindi pa ako tapos sa’yo!” sigaw nito nang lagpasan ko siya. Ayoko siyang patulan. Mas maganda na itong tahimik ako para siya ang mapapahiya.

“Bunch, tama na.” Rinig kong saway ni Drew dito. Bunch? Shortcut for honey bunch? Yak. Eww.

“Huwag mo akong tatalikuran kapag hindi pa ako tapos makipag-usap sa’yo.” Banta nito sa akin. Ano ba. Parang nag-shoshoot kami ng isang scene sa teleserye ngayon.

“Magsalita ka! Ang landi-landi mo! Pati boyfriend ng ibang tao, sinusulot mo.” Ba naman! Makaakusa naman, teh? Nakatingin at tahimik lang akong nakatayo sa harap niya. Hindi niya magugustuhan kapag nagsalita na ako.

Subukan lang niya... subukan lang talaga niya akong...

*PAK*

Ay, @#$%^^&&*()! Talo-talo na ‘to! Sinampal na ako eh!

Narinig kong napasinghap ang mga tao sa loob ng store.

Tumawa lang ako. 'Yon mapang-asar na tawa.

“Hahaha! Alam mo, nakakatawa ka.” Turan ko dito. Iniisip siguro nila na nababaliw na ako kasi nakuha ko pang tumawa kahit na sinampal niya ako.

“At anong nakakatawa?” iritableng sagot nito.

“Ikaw. Insecure ka kasi masyado.” Iniling-iling ko na lang ang ulo ko para ipahayag ang pagka-dismaya ko sa ugali niya. Ni hindi man lang siya pinigilan ni Drew sa pag-eeskandalo sa loob ng shop.

Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.

“Hindi ka lang insecure, selosa ka pa at wala sa lugar ang pagseselos mo. Seriously? Bakit mo iisipin na lalandiin ko ang boyfriend mo? Ako ba ang nag-start ng conversation? Ako ba ang unang nagtanong? Obvious naman na friendly lang ang boyfriend mo sa mga CUSTOMERS kaya niya ako kinausap.” Oh, ano siya ngayon? E di, napahiya siya.

“And it only shows na wala kang tiwala sa boyfriend mo. Pati ba naman dito sa workplace niya, binabantayan mo siya? Tsk.”

Sasampalin niya sana ako ulit ng isang kamay ang pumigil sa kanya.

“Don’t you dare hit my girlfriend again.” Ang taray! Girlfriend daw oh! Tumingala ako para tingnan kung sino ang knight in red apron ko and it turns out...

SI KUYA BARISTA! ‘Yon matangkad at maputi na naging friendly sa akin noon dito.

Napatulala ako ng makita siya. Literal talaga kasi ang gwapo talaga niya. Bumalik ako sa huwisyo nang akbayan niya ako. Ohmygad! Boyfriend na boyfriend lang ang peg niya today! Shems. Lusaw na lusaw na siya sa mga titig ko at ng ibang customers. Ahfoeywouflsajfsghoe naman!

Hinila na palabas ng guard ‘yon babae at sumunod naman si Drew dito. Habang ako...

... naiwan sa tabi ni MARCUS.

Syet lang. Ang gwapo din ng pangalan. Hahaha!

“Ok ka lang ba?” tanong nito sa akin at chineck ang pisngi ko na nasampal.

“O-Ok lang. Thank you nga pala.” Sagot ko naman dito habang pinipigil ang kilig ko. E keshe nemen. Hahaha!

Tumango lang siya at umalis na sa harap ko. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin ‘yon nangyari. Nahiya ako bigla sa dami ng tao na nakatingin sa akin. Kaya pumunta ako sa counter at tinake-out na lang ‘yon bread na inorder ko at lumabas ng shop.

Uuwi na ako! Hindi ko kinaya ‘yon kahihiyan na inabot ko doon sa loob ng Starbucks. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa terminal kung saan ako sasakay pauwi. Grabe talaga ‘tong araw na ‘to.

Pumila muna ako dahil wala pang jeep na dumadating. Puno na kasi ‘yon isang jeep kaya no choice ako kundi pumila. Mas gusto ko kasi mag-jeep kesa mag-van though, 3.00 lang ang difference sa pamasahe. Hehe.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko habang nakapila. Kinabahan naman ako bigla. E, wala kaya akong kasama! Baka mamaya, magnanakaw pala ‘yon or what.

Paglingon ko ay nakita ko si... MARCUS. Bakit siya nandito? Nag-rereklamo ka pa? Hahaha! Hindi nga eh. Kinikilig nga ako. Sinusundan kaya niya ako? Pagtingin ko sa kamay niya, may hawak siyang bag. Katatapos lang siguro ng duty niya pero bakit hindi ko siya nakita kanina?

“Hi!” masiglang bati nito. Parang wala lang nangyari kanina ah?

“Uh, hello.” Nahihiyang sagot ko dito. Sakto naman na dumating na ang jeep kaya sumakay na ako. Nasa bandang unahan ako ng pila kaya nakapili ako ng magandang pwesto. Nagulat na lang ako ng sumakay din si MARCUS sa jeep at tumabi pa sa akin! Totoo ba ‘to?

“Pasahe lang po. Pakiabot lang po ang pasamahe niyo!” sigaw ng isang teenager na lalaki. Taga-kolekta ‘to ng pamasahe. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang coin purse ko para makakuha ako ng pamasahe.

“Huwag na. Sagot ko na. Bayad, dalawa.” Asasdfghjkl. Nilibre niya ako ng pamasahe. Naku ha, iisipin ko na talaga na may gusto sa akin ‘tong si MARCUS. Ahem. Kapal lang ng mukha ko.

“Thank you ulit.” Sambit ko dito. Ngumiti lang ‘to sa akin bago tumingin ng diretso sa mga mata ko.

“Wala ‘yon, basta ikaw... Ace.”

----------

A/N:

Hindi na 'to ang last part. Nagbago na ang isip ko at i-cocontinue ko na ang story ni Ace at Marcus. Kaso baka matagalan ang next chapter. Hehe. :))

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now