Beside You

3.1K 69 5
                                    

A Song for You : 13

Beside of You by : 5SOS

____________________________________

A/N : ito naman, sa nag request nito, sorry kung natagalan ang pag gawa. Hope masatisfy kita ;) Sana, sana. :) Happy reads!

____________________________________

"Ano? Apat? 4 kids ang gusto mo? Di ba tayo mahihirapan nun, babe?" Tanong ko kay Den. Napatawa ako. Graduating na kasi kami at yun nga napag usapan namin ang future naming dalawa.

Ang dami niyang gusto, gusto niya daw magpatayo ng sarili naming bahay, yung kakasya daw ang apat na bata. Sinabi niya din na kahit daw anong mangyari, magsasama kami. Kahit sa trabaho. Kung saang ospital man siya makapasok dapat dun din daw ako mag trabaho, gamit syempre ang propesyon ko.

"Oo gusto ko marami. Saka bakit naman ako mahihirapan? Andayan ka naman eh."

"Eh pero madami yun. Pero kung yan ang gusto mo, sino pa ako para tumutol diba?"

-------

"Ito na yun babe oh, malapit na nating matapos bahay natin. Excited na akong lumipat." Masaya kong balita kay Den.

"Lipat agad? Pakasalan mo kaya muna ako? Di ako lilipat sa bagong bahay hanggat hindi ako kasal sayo."

"Sus babe naman eh. Syempre pakakasalan. Alam mo namang pinag iipunan ko na yun diba?"

"Basta Valdez, ayusin mo na yan. Siguro ayaw mo lang matali, kaya ayaw mo akong pakasalan ano?" Den asked and I chuckled.

"Oh, san na naman nanggaling yan?" I asked.  At di siya sumagot. Nagtatampo na talaga siya eh. "Osige babe, ganto, wait until next year. After one year, you'll be Mrs. Valdez na." I assured and and she smiled.

"Sabi mo yan ah?" She said and she hugged me.

Napangiti na naman ako.. ang tagal na namin ni Den. Ang dami na naming pangarap na natupad.

"Hoy! Alyssa! Natahimik kana!" Nawala ang ngiti ko. I was snapped out from my thoughts when Ella spoke from the other side of the camera. Kausap ko siya sa skype.

Nawala ngiti ko, dahil sa ginawa ni Ella, napagtanto kong  lahat ng yun alaala nalang pala ngayon. Dahil sa ginawa ni Ella, naalala kong lahat ng iyon, parte nalang ng kahapon.

"I'm okay, Ells. I have nothing to do with it na." I said and smiled at her.

"Meron eh. Meron kang magagawa."

"Wala na. Kasalanan ko naman din. Kasalanan ko kung bakit siya naghanap ng iba."

"Pero no proper closure kayo Ly. At alam ko, ikaw padin ang mahal ni Denden. Kita ko yun sa mata niya." Ella insisted and I smiled again.

"Don't push it. Its my fault din." Tama naman eh. Kasalanan ko. Kung di ko iniwan si Den, di siya maghahanap ng iba. Kung di ko iniwan si Den. Sana hanggang ngayon kami pa. Kaso makasarili ako, mas minahal ko pangarap ko. Sinira ko ang pangako ko. Pinabayaan ko ang taong nag iisa at nanatiling maniwala sa akin when everybody doesn't. Yung taong andun parati sa akin. Kasalanan ko. Kasalanan ko.

"Ewan ko sayo! Bahala ka na nga!" Ella said and ended that video call. She called me in the middle of the night na for sure madaling araw na dun sa Pilipinas. Nasa Thailand ako.. Magdadalawang taon na. Tinawagan ako ni Ella, para pauwiin na daw, para nga daw kunin yung akin. Para daw bawiin si Den.

Para ano pa? Masaya na siya. Yun ang mahalaga.

-------

"Babe! Babe! Tingnan mo to. Ly! Halika dito!" Tawag sakin ni Den. Dali dali naman akong bumaba ng hagdan.

A Song for You (ON HOLD)Where stories live. Discover now