Hindi niya tuloy malasahan ang pagkain dahil wala doon ang atensyon niya. He needs to make a move. Dapat bukas, okay na sila ni Calia. Lalo na't magtatrabaho siya sa mismong unibersidad, kung saan nag-aaral ang pinsan niya.

Napansin niyang lumapit si Manang Elsa sa hapag-kainan at sumandok ng kanin at ulam at may isang katulong naman na sumulpot rin tangan-tangan ang tray na lalagyan ng pagkain.

Hindi niya na napigilang makiusisa, "Ahm, Manang? Para kanino po 'yan?"

Ngumiti naman sa kanya ang matanda bago sumagot, "Nag-text po si Ma'am Calia, nagpapahatid ng pagkain sa kwarto niya. Gutom na raw siya Sir. Nakakapanibago nga e, hindi naman 'yan nagpapalipas ng gutom." Pagkwekwento pa nito.

Nakita niyang ngumisi si Tadd at itinuturo-turo siya na parang sinisisi siya kung bakit nagpalipas ng gutom ang magandang pinsan nilang si Calia.  At oo, mukhang natatamaan siya. Mas lalo tuloy siyang kinakain ng guilt niya.

"Ah, Manang? Pwedeng ako na lang po ang maghatid niyan sa kanya? Tapos na naman po akong kumain."

Kumunot ang noo ng matanda sa tinuran niya. "Sigurado ka Sir Philip?"

Ngumiti naman siya rito bago kinuha sa isang katulong na kasama nito ang tray ng pagkain para sa dalaga.

"Kumain na lang po kayo Manang." He genuinely smiled before living the dining area.

Kailangan niyang makausap ang dalaga at alam niyang pagbubuksan siya nito. I'm hoping.

Nang makarating siya sa ikalawang palapag ng bahay at marating ang kwarto ng dalaga ay sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pintuan at nagalak siya sapagkat bukas na iyon. Marahil hindi ni-lock ng dalaga dahil inaasahan nitong si Manang Elsa ang maghahatid ng pagkain nito. And there she was, beautifully sitting on the edge of the bed. He shyly smiled at her. Pero ang dalaga, tinaasan lang siya ng kilay. Mukhang malaki talaga ang tampo nito sa kanya. Goodluck then, Philip.

HE KNOCKED MANY TIMES at her door, but she didn't open it. Kahit gustong-gusto niya nang pagbuksan ang binata ay nagawa niya pa rin na mapigilan ang kanyang sarili.

You deserved it, Philip.

Pero sa totoo lang kanina pa siya nagugutom. She only ate this morning and now it's night time. She's really starving. And the last thing on her mind is to starve herself. Ugh!

Bumalik siya sa kanyang kama para umupo. She get her phone from the bedside table, and send Nana Elsa a message that she wants to eat now.

Hindi naman nagtagal ay may nagbukas ng pintuan, ngunit kumunot ang noo niya nang makitang hindi ang Nana Elsa niya ang naghatid ng pagkain kundi ang magaling niyang pinsang si Philip.

Nahihiyang ngumiti ito sa kanya, pero tinaasan niya lang ito ng kilay.

"Hindi naman ako nasabihan na ikaw na pala ngayon si Nana Elsa." Pasarkastikong aniya sa binata.

Inilapag muna nito ang tray na naglalaman ng pagkain niya. Bago masuyong tumingin sa kanya. At nagulat siya ng ang sumunod na ginawa nito ay lumuhod sa mismong harapan niya.

"W-what are you d-doing? T-tumayo ka nga diyan!" Pasupladang turan niya.

Hinawakan ng binata ang kanyang kamay at nagsusumamo ang magagandang pares ng mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

"I'm so sorry... I know I made a mistake. But please, Calia. Please forgive me..."

Hindi siya kumibo. Hindi dahil sa nagtatampo pa rin siya sa binata. Pero hindi siya nakakibo ng dahil sa nakikitang pagsusumamo nito sa kanya. She can see through his eyes the sincerity of asking her forgiveness. At naiinis siya sa sarili niya dahil bigla-biglang nawala ang pagtatampong nadama niya para sa binata.

ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ 𝒟ℯ𝓈𝒾𝓇ℯ♡Where stories live. Discover now