Kabanata Eleven

36 9 2
                                    

         
             Let Me Fly, Sky
                      Eleven

Insect Killer

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mansyon. Tinulungan niya akong bumaba at saka sinabayan pumasok. Lagot ako kay Mommy nito. dTT_TTb

"Mad, what happened?!" Si mama, ramdam kong namumuo na ang mga pawis sa noo ko. Hindi ko siya masagot dahil lalabas na talaga.

"Ako na lang magpapaliwanag, Mad" mahinang saad ni Sky tumango naman ako."Sige na pumunta kana sa banyo" at doon ako nakaramdam ng hiya.

"Mad?" Takang tanong pa ni mama. I'm sorry for being rude mom, kailangan ko na talagang magbanyo.

Hindi ko muna pinansin si Mama at mabilis akong pumunta sa banyo. I feel like heaven, pheww buti napigilan ko talaga pero still it's an embarrassing moment dahil nasaksihan yun ni Sky.

Naghugas muna ako ng kamay pagkatapos kong lumabas sa C.R, tss yung sakit ng tiyan ko nandiyan pa rin. Sinalubong ako ni Mommy while her brows furrowed.

"Who's that boy?" Pang-usisa niya.

"Si Sky po" sabi ko habang hawak parin ang tiyan ko.

"Anak ba yun ni Cloud?"

"Ho?"

"Tss nevermind, uuwi rin yung Papa mo sa susunod na dalawang buwan" si Mama habang nakacross-arm.

d^_^b

"Talaga po! " Masayang sabi ko, excited na ako sa araw na iyon.

"Tss, ano ba kasi ang nangyari sayo?" Tanong niya, akala ko ipinaliwanag na ni Sky.

"Nasobrahan lang siguro sa kain" nakangusong sabi ko.

"Yan kain pa tss, sige na magpahinga kana muna sa kwarto mo" agad ko namang hinanap si Sky pero wala na siya.

" My, si Sky po?" tanong ko

"Pinauwi ko na Mad, sige na magpahinga ka na" sinunod ko ang utos ni Mama, di pa ako nakapagpasalamat kay Sky, di bale na bukas ko nalang siya papasalamatan.

Maaga akong natulog kaya maaga rin akong nagising. Medyo okay naman ang pakiramdam ko. Sabi ni Mama bawal raw sakin ang mga street food hayss.

"Okay ka na Mad?" Tanong ni Sky nang pumasok ako sa classroom.

" Mmm okay naman" sagot ko.

"Pasensiya kung hindi dahil sakin hindi mangyayari yun sayo." Medyo malungkot na sabi niya.

"Hindi mo kasalanan Sky, kung meron man ako yun,dahil sa pagkamatakaw ko kaya huwag mong sisihin ang sarili mo okay. I wanted to say thank you pala" saad ko naman.

"Walang anuman yun" nakangiting usal niya. Kaya pumunta na kami sa kanya-kanya naming upuan at nakinig na sa guro ng magsimula na ang klase.

"Dito ka lang, Mad ako na ang bibili ng pagkain, okay" si Sky nandito kami ngayon sa bench na malapit sa garden. Tumango lang ako at saka siya naglakad papuntang canteen.

Habang naghihintay sa kanya ay napalinga-linga ako. Medyo maliit ang garden pero kahit papano ay magaganda naman ang mga bulaklak at pananim dito.

"Hi!!!" masayang bati ko sa uod na nasa likod ng bench na kinakaupuan ko. "I'm Mad!" Dugtong ko pa. Kulay itim at Berde ang uod kaya magandang tingnan.

"Can I call you Ode?" I really like insect kaya ganun ang saya ko kapag nakakakita ako nito.

"Ode, huwag kang magpapakita kay Sky ha" eh kasi naman takot si Sky sa mga insect, natataranta siya kapag nakakita nito. Katulad nalang kay Ed na uod rin, pinatay niya ito, naging kaibigan ko rin si Ed kaya nainis ako kay Sky sa ginawa niya iyon. Nilingon ko si Sky nang papunta na siya rito.

Let Me Fly, Sky (Elementary Series #7)-COMPLETEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu