Kabanata Four

51 9 3
                                    


            Let Me Fly, Sky
                    Four

Ang Utang

"Sky, hintay!!!" Sigaw ko, recess na kasi eh tapos nagmamadali naman itong lumabas, excited much sa pagkain tapos hindi naman tumataba.

"Ughh layuan mo nga ako, sabing hindi kita pinsan " Sabi niya sabay lakad ng mabilis.

"Sus, kunwari ka pa eh, saan ba ang canteen niyo dito? " tanong ko, lumakad rin ako ng mabilis para maabutan siya, pinaglihi yata ito sa cheetah mas mabilis pa sa speed.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa lugar kung saan may maraming batang nagpipila, baka ito na ang canteen.

Agad naman siyang pinagtitinginan ng pumasok na ito sa loob. Sus bigyan ko na talaga ito ng "Hakot Viewers Award".

Presko siyang pumila at maya-maya'y lang ay may pagkain na sa kamay niya. Yung Chuckie at dalawang siopao. Tinaasan ko siya ng kilay nang tumingin ito sakin at bahagyang ngumisi.

"Pwede bang tawagin mo ulit akong pinsan, paglabas ko dito" sabi niya paglapit niya sakin. 

"Ano?" takang tanong ko, kanina pa niyang tinatanggi na pinsan ko siya, tapos ngayon... hays hindi ko alam kung ano na ang pumapasok sa ulo nito.

"Basta, tawagin mo lang akong pinsan ha" sabi niya sabay takbo palabas pero tumigil rin.

"Paalam, pinsan" natatawang sabi niya,wala akong nagawa kundi ang mag wave back rin.

"Magkita na lang tayo sa kwarto, pinsan" sigaw ko, tumango siya at tumatawang umalis.

Pumila rin ako at bumili ng pagkain. Mamaya ko nang kakainin ang ipinadala  ni mommy. Yakult at siopao rin ang binili ko.

"Ate magkano lahat to" Sabi ko at pinakita sa kanya ang mga pinamili ko.

"121 lahat iha" agad naman nanlaki ang mga mata ko.

"Ho?" Teka bat ang mahal dalawa lang naman ang binili ko

"Sabi ng pinsan mo, ikaw daw magbabayad ng mga binili niya tapos may utang rin siya kahapon dito, ikaw rin daw magbayad"

"Hindi ko po pinsan yun" Sabi ko sabay iling.

"Sus kunwari ka pa, narinig kong sinabihan mo siya kanina ng pinsan eh tapos kumaway ka pa" sabi ng tindira, bwesit ka Sky.

Wala na akong nagawa kundi bayaran ang utang niya, piste kaya pala feeling close, ako pala ang pagbabayarin. Bumalik ako sa kwarto at ng nakita siya ay tiningnan ko ito ng masama.

"Ahhh kainis ka talaga" Sabi ko sabay upo sa tabi niya. Kinain ko na rin ang pagkain ko.

"Sarap naman nito lalo na kapag libre" nakangising sabi niya, nagpaparinig ata. I glared at him sharply.

"Oh sarap diba, lamunin mo para magkalaman laman rin naman iyang katawan mo" Saad ko sabay lamon ng siopao.

Pagkatapos kung kumain ay kinuha ko sa bag ang spaghetti na pinadala ni mommy. Tumingin ako kay Sky.

"Gusto mo?" pang-aalok ko sa kanya at agad naman itong tumango.

"Luh asa ka" baka nakalimutan mo galit ako sayo. Tsk.

"Marie, gusto mo?" Sabi ko kay Marie na kanina pang nakatulala sa harap ni Sky.

"Ahh sige oo, gusto ko yan" nakangiting saad niya kaya mas lalo akong ngumiti.

"Sige share tayo" nakangiting sabi ko at pumunta sa tabi niya. Habang kumain kami ay na kay Sky pa rin ang atensiyon niya. Ang hinhin pang kumain.

"Pwede rin pahingi Mad, gusto ko rin yan" napaangat ako ng tingin ng nagsalita si Kiko.

"Sure, marami ang niluto ni Mommy, kumuha ka na lang ng plate para mabigyan kita" Saad ko at ngumiti.

"Ang cute mo talaga" Sabi niya bago pumunta sa upuan niya at may kinuha siya sa kanyang bag. Ngayon ko lang narinig yan, sa dati kong mga kaklase baboy na ang tawag sakin, napangiti na lang ako ng mapait.

"Eto na ang pinggan ko" sabi ni Kiko sabay lahad ng kanyang pinggan. Agad ko naman itong nilagyan ng Spaghetti.

"Luto yan ni Mommy" Sabi ko, namula ang kanyang tenga pati rin ang kanyang pisngi.

"Ang bading naman" mahinang sabi ni Sky pero narinig ko iyon.

"Ano yun, pre?" tanong  naman ni Kiko

"Tsk...Wala" sabi ni Sky at nag-cross arm. Ang suplado mo pinsan.

"Salamat, Mad" sabi ni Kiko. Agad akong tumingin kay Sky ng tumayo ito.

"Sa labas, Kiko" malamig na sabi niya. Napakunot naman ang noo ni Kiko .

"Bakit ano naman ang gagawin natin sa labas, Sky" takang tanong naman ni Kiko.

"Usap lang" Sabi niya at inakbayan si Kiko kaya napilitan itong sumama at sabay silang lumabas. Napailing nalang ako.

"Ang gwapo ni Sky diba?" Lumingon naman ako kay Marie ng sinabi niya iyon. Humahagikhik pa.

"Haha ang pinsan ko, sus gwapo nga ang patpatin naman" Saad ko at napilitang tumawa. Ang payat niya talaga eh.

"Can't wait maging part of your family na" natutuwang sabi niya kaya ngumiti lang ako.

"Kaya mag-aral muna bago mag-asawa ha" Paalala ko sa kanya.

"Yes naman, para kay Sky" sabi niya sabay tili pa.

"Hindi lang para kay Sky Marie, para narin sa iyong pamilya at sa iyong sarili, make your parents proud first" sabi ko sabay subo ng spaghetti.

"Yes naman, I like you na talaga" hagikhik na sabi niya. I smiled at her. First day of school, I got a friends here, I never thought I would be happier in this place.

"Ang dungis mo na" Sabi ko at naglabas ng tissue. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya kung saan nagkalat ang mga sauce.

"Ang sweet mo naman, salamat" ngumiti lang ako dahil sa sinabi niya. How I wish I have a sister.

Pagkatapos ng recess ay dumating rin ang guro. At bukas na rin daw ang election para sa mga Class Officer ng classroom kaya mas lalo akong naexcited para bukas.

Tapos mag-next day may pre-test naman, medyo mahirap rin ito dahil hindi  naituturo ang mga lessons at ituturo pa lang sa susunod na klase.

Bukas rin mang-aasign yung Adviser namin kung sino ang kagroup- cleaners at kung saan sila iaassign yun ang magiging ground parts nila.

Hindi pa kami nakapag-usap ni Sky ng matino, ayaw ko rin siya munang kausapin. Nung uwian na ay nakita ko siyang bumibili ng fishball sa labas, don't tell me nangungutang naman ito.

Di ko na iyon pinansin pumara na ako ng tricycle para makauwi na. Excited na akong magkwento kay Mama.

Let Me Fly, Sky (Elementary Series #7)-COMPLETEDWhere stories live. Discover now