Chapter 8

220 15 4
                                    

-Yssandra-

"How could I like him? I mean look at him, he's not my type"  bulong ko kay Sab habang diretsong nakatingin kay Ace na abalang kausap si Wade. I'm still not fully convinced.


"Come on, I know that feeling. Ganyan din ako noon kay Wade but please don't repeat the same mistake I did"  she rolled her eyes.


"Give me signs. Ano ang nararamdaman mo kapag gusto mo ang isang tao?"  Tanong ko kay Sab at pasimpling sumulyap kay Ace. Nagtama ang mga mata namin kaya kaagad akong nag-iwas. Bumilis na naman tibok ng puso ko.


"Nagkagusto ka sa kuya ko. You're always chasing him and yet you don't know what it feels?"  Sabrina eyed me.


"I can sense it. Iba ang naramdaman ko kay Dean noon sa nararamdaman ko para kay Ace"  Napahawak ako sa ulo ko. Napaka gulo!


"Is your heart beating fast whenever he holds you. Whenever you're making eye contact o kapag nalalapit siya sa 'yo?"  Sab asked in a bored tone. Mukhang ayaw niya talaga akong kausapin wala siyang choice.


"Well.. Uh.. yes" nagdadalawang isip pa 'ko sa sagot ko. She rolled her eyes and mocked my face.


"Edi gusto mo nga"  aniya at sumulyap kay Ace. "I have good taste aren't I? That's why he's my ex"  She laughed teasingly kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"See? You're jealous by the mention of our past relationship"  she pointed my nose.


Ilang oras kong tiniis ang pang-aasar ni Sab. Bakit pa kasi sakaniya ako lumapit? Hays, nagkamali na naman ako ng desisyon.


Muntikan akong mapatalon sa inuupuan ko nang lumapit si Ace sa gawi ko at umupo sa tabi ko.


"I need to talk to.."  Umikot ang mata ni Sab sa paligid at tumama kay Wade ang tingin "I need to talk to Wade"  she uttered before sprinting towards Wade, leaving me with Ace.


"You look serious while talking, ano ang pinag-uusapan niyo?"  Kuryosong tanong ni Ace.


"Uh.. we 're talking about.. uhm... Dean"  nag-isip pa 'ko ng isasagot dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na pinag-uusapan namin kung may feelings ba 'ko sakaniya.


"Napano si Dean?"  He glanced at Dean before looking directly at my eyes again. My heart doubled beat that's why I avoided his gaze.


"He did well in our history class and participated a lot in other subjects that's why we're talking about his reward. Dadalhin namin siya kay Krystal"  I lied again. Hindi naman namin 'yon pinag-uusapan.


"I'm in. I'm joining you"  I immediately glanced at him when he said that. Excitement is evident in his eyes. Gusto niya talagang makita si Krystal.


"Of c-course" I smiled. If I really like him, I needed to stop. He loves Krystal and it will stab me if I continued.


We spent times talking about some stuff. Nagsama sama kami sa isang table at nag-usap kahit na nagbabangayan lang sina Sab at Wade, si Dean naman ay himdi nagsasalita pero mukhang nakikinig naman.


"Okay kids, make sure hindi niyo na uulitin ang ginawa niyo or else you will stay here until midnight"  one of the teachers said.


Kinuha namin ang mga cellphones namin mula sa teacher at naglakad na palabas. Napahinto ako sa paglalakad mang may humawak sa balikat ko.


Twisted LivesWhere stories live. Discover now